"Meet Joe Black" and "A Few Good Men" to be shown on TV5


A Few Good Men (left) and Meet Joe Black (right) are just some of the movies to be shown on TV5 this week.



Bida ang mga big stars ng Hollywood na sina Brad Pitt, Tom Cruise at Harrison Ford sa 5MAX Movies ng TV5 ngayong linggo. Abangan ang mga blockbuster movies na Meet Joe Black, A Few Good Men, at Indiana Jones: The Last Crusade sa naturang TV channel.

Ngayong Miyerkules, Enero 28, death comes in a very handsome form sa pelikulang Meet Joe Black, starring Brad Pitt bilang Death, na bababa sa mundo to learn more about life.

Ang isa sa biggest grossing teen comedies ever naman ang palabas sa Huwebes (Enero 29), ang American Pie 2, ang second installment sa nakakalokang American Pie series.

Courtroom drama naman ang hatid nina Tom Cruise, Demi Moore, at Jack Nicholson sa Sabado (Enero 30) sa pelikulang A Few Good Men, kung saan hinirang na 29th greatest American movie quote ang linya ni Nicholson na "You can't handle the truth!"

Sa Sabado (Enero 31), ang matinding drama at storya ng mga pasahero at crew ng ikaapat na hijacked plane noong September 11 U.S. terrorist attack ang mapapanood sa pelikulang United 93.

Ang ikatlong entry naman sa action-packed trilogy ni Steven Spielberg ang palabas sa Linggo (Pebrero 1), ang Indiana Jones: The Last Crusade, starring Harrison Ford and Sean Connery.

Lahat ng ito ay mapapanood lamang tuwing 9 pm sa 5Max Movies ng TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN