"Ay, Robot!" to continue airing on QTV 11


Ogie Alcasid heaves a sigh of relief upon learning that Ay, Robot! will not be taken off the air.


Happy ang buong cast ng QTV 11 sitcom na Ay, Robot! dahil isa ang show nila sa mga original shows na mare-retain at hindi masisibak.

Magkakaroon ng reformatting ng mga programs sa QTV 11, sister station ng GMA-7, and most of the shows ay igi-gear na lang sila bilang lifestyle programs. Pero dahil isa sa consistent na topraters ng QTV 11 ang Ay, Robot! hindi ito nakasama sa mga tatanggaling shows.

Maliban sa Ay, Robot!, ang iba pang shows na maiiwan at hindi matatamaan ng reformatting ay ang Day Off, Love Life, MTK: May Trabaho Ka, at Ang Pinaka...

Natuwa nga raw ang singer-comedian na si Ogie Alcasid nang makarating sa kanya ang balitang maiiwan ang sitcom niyang ito sa QTV. Maganda raw kasi ang samahan nila sa show at malulungkot daw sila kung magkakahiwalay silang lahat.

"Pamilya na kaming lahat sa Ay, Robot!," sabi ni Ogie. "We all look forward to our taping day. Nagkaka-kuwentuhan kami at nagtatawanan sa set parati. Tsaka dalawa ang child stars namin sa Ay, Robot, ‘di ba? Dati si Sam [Bumatay] lang, pero ngayon sikat na sikat na si Eunice [Lagusad, who became known for her role as Charming] We're happy na stay pa rin kami sa QTV. Magtu-two years na kami this year at sana magtagal pa kami."

Ang iba pang cast ng Ay, Robot! ay sina Tanya Garcia, Ryza Cenon, CJ Muere, Joy Viado, Emma, Babyface, Caloy Alde, John Fier, Goms Burza, Renzo Almario, at Pocholo Bismonte. Si Al Tantay ang director nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN