ON THE SET: "Your Song Presents: Feb-ibig"


Angelica Panganiban and Derek Ramsay shot Your Song Presents: Feb-big in a clubhouse in Quezon City. They will be the featured couple in the February offering of this Sunday afternoon show on ABS-CBN.



Ang real-life sweethearts na sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ang featured loveteam sa month-long episode ng Your Song Presents this February. Ikalawang Your Song na nina Derek at Angelica ngayon, although, ayon sa dalawang bida, their first appearance actually signaled the start of their real-life romance too. Una silang nagkatambal sa Your Song noong August 2007 sa episode na "Upside Down."

Kung mas pa-cute ang approach ng episode nila noon, this time ay mas sexy at matured naman ang tema. True enough, PEP (Philippine Entertainment Portal) was brought to one of their locations: Tivoli Royale Clubhouse in Quezon City kunsaan, ang eksenang kinukuhanan ay naka-two-piece si Angelica habang naka-topless si Derek at may sweet moment silang dalawa sa swimming pool.

Kuwento rin mismo nina Angelica at Derek, magkakaroon sila ng love scene sa naturang episode, although hindi pa nila alam kung paano ang magiging execution. This love scene will be a "first" for Derek as he never did any love scene before. Si Angelica naman ay nakagawa na ng inimate scenes sa kanyang previous films.

Ang kuwento ng Your Song Presents: Feb-ibig ngayong Linggo, February 1, ay tungkol kay Sheila (played by Angelica). Isa siyang successful career woman pero pagdating sa love life, hindi siya kasing palad. Ngunit, magbabago ito nang makilala niya si Raphael (Derek).

Ayon kay Derek, "May-ari ako ng isang restaurant na may kaya. Siya rin [Angelica] may kaya, pero malas sa pagdi-date ng mga boys niya. At lahat ng blind-date na dinadala niya sa restaurant ko. At maiisip niya, malas ang restaurant ko."

Bukod sa pagiging restaurant owner, photographer rin daw si Derek at magkakasama silang dalawa sa isang project.

Kuwento naman ni Angelica about her role, "Doon actually kami nag-meet, sa trabaho ko. And then, nalaman ko rin na siya yung owner ng restaurant na sobrang galit na galit ako. Pero siyempre, may malalim pang istorya na pagsisimulan at magiging conflict pa ng istorya."

Bukod kina Angelica at Derek, makakasama rin nila rito ang mga Star Magic artists na sina Diane Medina at Elaine Quemuel. Manny Palo directs this mini-series na tatakbo ngayong buwan ng mga puso.

Ipapalabas na ang Your Song Presents: Feb-ibig ngayong Linggo, February 1, pagkatapos ng ASAP '09 sa ABS-CBN.

Click HERE to view on the set photos of Your Song Presents: Feb-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN