Joross Gamboa and Albert Martinez portray OFWs in China


Albert Martinez (in white) and Joross Gamboa (in yellow) stayed for five days in Beijing, China to shoot the January 31 episode of Maalaala Mo Kaya.



Bago ang Kapaskuhan ay lumipad papuntang Beijing, China ang grupo ng Maalaala Mo Kaya. Ito ay para pala sa special episode nila ngayong Saturday, January 31, kunsaan, sa naturang bansa pa ginawa ang location.

Kuwento ito ng dalawang OFW na nagta-trabaho sa Beijing. Si Albert Martinez ay isang ama sa Pilipinas pero kahit may edad na bingyan pa rin siya pagkakataon na makapag-trabaho sa ibang bansa. Si Joross Gamboa naman ay isang polio victim na tinatago ang kanyang kapansanan.

Ayon kay Joross, isang episode ito ng MMK na espesyal para sa kanya. Unang-una, first time raw niyang makapunta ng Beijing, China; first time gumanap sa isang role ng polio victim; at first time rin daw niyang makasama sa isang project si Albert.

"Mga OFW kami rito ni Albert Martinez. Tapos ako, may polio ko. Medyo mayabang ako para pagtakpan ‘yung polio ko. Parang borrowed happiness ‘yung pinaka-tema nito, e."

Patuloy pang kuwento ni Joross, " May sama ng loob ako sa tatay ko. Tapos, si Albert na ang parang itinuring kong tatay rito. Siya naman, may mga pagkukulang siya sa anak niya, sa akin naman niya napunan kaya parang borrowed happiness siyang talaga."

Anong naging challenge ng role niya rito? "'Yung atake...kapag kasama ko si Kuya Albert, sa lahat ng ano, parang sa kanya ako maraming natutunan. Although sa iba, may mga natutunan ako, pero, kaming dalawa lang kasi ang magka-eksena magdamag. Kami kasi ang magka-eksena palagi. Limang araw rin kami doon."

Isa siyang polio victim, so ano ang naging preparation niya sa role?
"Pinag-praktisan ko ‘yung maglakad ng may polio na may brace. At challenge kasi, more on sa emotion. ‘Yung pag-control. Like may away kami ni Albert na hindi kami sumisigaw pareho, sa loob ang away namin, hindi hysterical."

First time raw nilang lahat sa Beijing , cast and crew. Naging mahirap lang daw ang pagte-taping nila dahil sa sobrang lamig that time.

"Umabot minsan ng negative fifteen [yung temperature], yun ang pinaka-malamig. Kahit magsalita, ang hirap! Patong-patong na ang suot ko, ganoon talaga kalamig."

2004 raw ang setting ng real-life story na ginampanan nila. Opposite sila ni Albert as OFW rito. Noong bata pa siya, nangako ang karakter ni Joross sa sarili na hindi niya hahayaang maging mababa pa ang tingin ng mga tao sa kanya dahil isa nga siyang polio victim. Si Albert naman daw, ilang taon na siyang walang trabaho at magpi-fifty na raw yata ng magkaroon ito ng work kung kaya't sobrang seryoso naman sa ginagawa.

Nakita rin daw niya ang kabaligtaran ni Albert sa tatay niya na buong buhay naman ay ginugol sa pagiging OFW while si Albert naman, almost all his life was spent with his family pero wala siyang trabaho.

Ayon pa kay Joross, "More of OFW talaga and the beauty of China ang episode ngayon ng MMK."

Sa ngayon ay napapanood si Joross sa Eva Fonda samantalang mapapanood naman si Albert sa May Bukas Pa (na mage-ere sa February 2) at katatapos niya lamang sa teleserye na Kahit Isang Saglit.


Click HERE to view behind-the-scenes photos of MMK in Beijing, China.


Maalaala Mo Kaya (January 31, 2009)

Director: Dado Lumibao
Writer: Shugo Praico


Albert Martinez as Arthur
Joross Gamboa as Roque
Alan Paule as Roque's Father
Mymy Davao as Roque's mother
Lui Villaruz as Arnel (Roque's officemate)
Aiza Marquez as Roque's wife
Kenjie Garcia as Arthur's son
Zaijan Jaranilla as young Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN