ABHSAT to premiere on GMA-7, Feb 2


Dingdong Dantes and Marian Rivera's third TV project together, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, will premiere this Monday, February 2, on GMA-7.



Magpi-premiere na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ang bagong TV soap opera nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa GMA-7. Sa presscon nito, isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nagulat sa napanood sa dalawa dahil kung sexy ang Marimar at Dyesebel, sexier and more daring ang dalawa.

Sa shower scene ni Dingdong, nagbabad ang camera sa kanyang abs,sa stomach at sa pusod ng actor na muntik ikasigaw ng mga bading na reporter. Kung wala lang siguro si Ms. Wilma Galvante, baka tuluyang nag-ingay ang mga bading na reporter na kilig na kilig sa mga eksena ng actor.

Hindi rin nagpatalo si Marian na ipina-flaunt ang kaseksihan sa soap na ito. Maiiksi at hapit ang mga damit na suot at may eksena pang nagsuot siya ng two-piece. Ang lalong ikinagulat ng PEP ay ang eksenang topless siya na sabi nito'y ginawa niya dahil kailangan.

"Nagulat nga rin ako sa kinalabasan ng shower scene at sana magustuhan ng viewers. Pinanood namin ni Marian ang pilot episode kanina at nagsisikuhan kami dahil ‘di namin alam na ganu'n ‘yun lalabas. Maganda naman ‘di ba? " tanong ni Dingdong sa PEP.

Maayos ang description ni Dingdong sa role ni Homer na ginagampanan niya sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. "Si Homer ay obsessive-compulsive at masyadong organized ang buhay pati ang love life. Ayaw niya nang may nababago at nagugulo sa schedule niya, pero mababale-wala ang pagka-organized ng buhay niya pagdating ni Proserfina [Marian]. Ang hirap i-portray ni Homer."

Enjoy naman si Marian sa role niya sa soap dahil siyang-siya at hindi yata siya umaarte, swak na swak sa personality niya ang character na pino-portray at binibitiwang dialogue. Pati nga si Direk Carlo J. Caparas, ang may akda ng ABHSAT, pinuri ang actress dahil wala raw off-balance bawat bitaw nito ng dialogue.

"February 2, talaga ang first schedule ng premiere namin at naurong ng Feb. 9, tapos bigla na lang sinabing balik sa Feb. 2 ang airing namin. Nagulat at na-pressure kami, araw-araw na nga ang taping namin."

Sabi ng fans niya, wala silang dapat ika-pressure dahil panonoorin ito at tiyak na magugustuhan. Any reaction? "Ipinagdarasal ko pa rin na mag-rate kami dahil ibang-iba ang mga role namin ni Dingdong dito. Kinakabahan ako dahil sanay ang tao na pulubi at kinakawawa ako, tapos dito, kabaligtaran lahat at makapal pa ang make-up ko."

Bukod sa galing umarte, papansinin din ang kaseksihan ni Marian sa soap nila ni Dingdong with hes 34-22-34 vital stats at timbang na 97 lbs. Kailangan daw niyang magpapayat para mas bumagay sa role ni Proserfina na hinahabol ni Dingdong at kinahuhumalingan ni Rado (Paolo Contis).

Si Dingdong naman, dahil may mga eksenang kailangan niyang tumugtog ng saxophone, nagkaroon siya ng three sessions sa isang member ng banda. Gusto niyang matutunan ang tamang paghawak sa sax at kung paano ito pinapatugtog para hindi siya asiwa habang kinukunan ni Direk Joyce Bernal ang eksena.

Samantala, ikinatuwa ni Dingdong ang nalamang isa si Direk Carlo sa hindi papayag na maging last project na nila ni Marian ang ABHSAT at sila ang choice nitong magbida sa TV remake ng Somewhere na sinulat din niya at ang pelikula'y pinagtambalan nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez.

Napa-"talaga" rin si Dingdong sa ibinalita ng PEP na masayang nabanggit ni Mother Lily na muling ipinahiram sa kanya ang actor ni Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films, kung saan may exclusive contract si Dingdong for another project with Marian.

"Sana nga hindi ito maging last project namin ni Marian. Ako naman, kahit anong project ang gawin ko, I always treat my project as if it's my last. Sabi naman nila, last na namin ang Marimar, pero nagkaroon kami ng Dysebel na sabi'y last na rin daw, pero binigyan kami ng Ang Babaeng Hinugot. Pero hangga't hindi mangyayari, ‘di ako maniniwala. Sana, hindi pa ito ang last project namin together dahil marami pa kaming gustong gawin," pahayag ni Dingdong.

Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ay unang ginawa sa komiks noong in 1974 sa panulat ng 2008 Sagisag Balagtas awardee at komiks genius Carlo J. Caparas. Ito ay ginawang pelikula noong 1981 kung saan ginampanan nina Eddie Rodriguez at Vivian Velez ang mga katauhan ng pangunahing bida.

Panoorin ang modernong ABHSAT ngayong Lunes, ika-2 ng Pebrero, sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN