Celebrity couples featured in Your Song, Feb 8


For the February 8 episode of Your Song, Gab Valenciano works again with his former flame Nikki Gil and his current love Rachelle Anno Go. They will be joined by their ASAP '09 co-host Billy Crawford (not in photo).



Before Valentine's day, ang dalawang pares ng real-life sweethearts ang siguradong magpapakilig at maghahatid ng "love" sa bawat tagasubaybay ng Your Song Presents: Feb-ibig's Exchange of Hearts ngayong Linggo, February 8.

This time, hindi natin mapapanood magpe-perform as singers and dancers sina Nikki Gil, Billy Crawford, Rachelle Anne Go and Gab Valenciano kundi bilang mga actors and actresses.

Mula pa rin sa director na si Manny Palo ang "Exchange of Hearts" na tila mas gusto naming tawaging rigodon dahil parang sa real-life, ang unang mag-boyfriend na sina Nikki at Gab ay naging sina Gab at Rachelle and eventually, si Nikki at Billy naman.

‘Di ba't very real-life ang dating ng Your Song Presents ngayong Linggo?

The story revolves around four people whose lives are intertwined by occurrences happening around them. Si Paula (Nikki) ang isa sa pinaka-sikat na singer sa bansa pero pakiramdam niya, she is still missing out on life. Si Johen (Gab) naman ang ex-boyfriend ni Paula na nagta-try ng second chance sa relationship nila.

On the other hand, si Clarence (Billy) naman ay isang Filipino na nabuhay ng matagal sa U.S. at ngayon ay naghahanap ng freedom and independence. Siya rin ang owner ng flower shop kung saan nagtatrabaho si Camille (Rachelle Ann).

Hindi na namin ibibigay ang magiging twist and turns ng kuwento at kung paano magko-cross ang landas sa isa't-isa nina Gab at Rachel and of course, Billy and Nikki.

At kahit nga may past between Nikki and Gab, both admitted na wala na ang ilangan and they can really work comfortably with each other now. Same goes with Rachelle Anne and Billy na mga present love naman ng dalawa ngayon.

Your Song Presents promises a romantic Sunday afternoon tomorrow, February 8, right after ASAP '09 on ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN