TV5's Juicy enters third season starting Feb 9


IC Mendoza and Alex Gonzaga are proud to be part of TV5's daily showbiz talk show Juicy. It will begin its third season this Monday, February 9. Juicy airs every day at 11:30 am with replays at 12 midnight.



Hindi na talaga maawat sa pagsikat ang patok na tandem nina Alex Gonzaga at IC Mendoza, na napapanood sa Juicy, ang showbiz tak show ng TV5.

Originally, si Alex lang talaga ang solo host ng Juicy, pero dahil sa husay na ipinamalas ni IC as guest co-host ay ginawa na rin siyang regular sa second season ng naturang show.

Sa Lunes, January 9, ay simula na ng third season ng Juicy. Patunay lang ito na isa ang Juicy sa mga top-rating shows ng TV5. Ano ang feeling na third season na ang Juicy?

"Syempre sobrang saya dahil parang naaalala ko pa noong pinaka-first episode na nagawa namin sa Juicy, tapos ngayon third season na kami. At saka kahit paano nakikilala na ng mga tao ang Juicy, so talagang natutuwa kami," sambit ni Alex nang ma-interview silang dalawa ni IC ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa mismong set ng Juicy sa studio ng TV5 sa Novaliches.

IC, ano ang feeling na kasama ka pa rin sa third season ng Juicy?

"Syempre masaya kasi ka-join pa rin ako sa third season. Kaya thank you sa bumubuo ng Juicy, magagaling naman talaga ang staff ng Juicy e," ani ni IC.

Ano yung meron kayong dalawa kaya nagki-click kayo as a tandem?

"Kasi magaling kami, joke!" biro ni IC. "Siguro kasi magka-age lang kami, tapos pareho kaming bagets."

Dagdag pa ni Alex, "Siguro we're not afraid to commit mistakes. Kahit mag-buckle kami. Nagpapakatotoo lang kami sa isa't isa. Simple lang kami, hindi kami naggagaling-galingan. Kung ano lang ang makakaya namin. Kaya nga nagtataka rin kami bakit kami nagki-click. At saka yung wavelength ng mga utak namin pareho lang. Pati yung mga jokes namin sa isa't isa, hindi naman namin dinidibdib. Yung mga barahan namin, wala lang yun."

"Well, actually, dinidibdib ko po," singit ni IC sabay tawa ng malakas.

Anong ugali ang nagustuhan n'yo sa isa't isa?

"Yung tawa ni IC, gustung-gusto ko yung tawa ni IC. Nakakahawa kasi. At saka si IC kapag sinabihan mo, hanggang dun lang. Hindi siya yung madaldal. So, hindi na ako nahihiya sa kanyang mag-comment. Kung anuman ang sabihin ko sa kanya, okay lang," say ni Alex about IC.

"Likewise. Si Alex, sobrang cool yan. At saka ang gusto ko kay Alex, ano yan e koboy, kahit na anong sabihin mo dyan, okay lang sa kanya," say naman ni IC about Alex.

"Kaya nga lagi akong may dalang kabayo, di ba?" patawang singit pa ni Alex.

Nominated ang Juicy sa USTv Awards, ano ang feeling na napapansin na ang inyong mga paghihirap?

"Oo nga e, kami yata ang mananalo," biro pa rin ni Alex. "Siyempre sobrang happy kami dahil hindi namin namin ine-expect yun e. Hindi naman namin ginawa ang Juicy para manalo ng award e, at saka para mapansin. Ang ginagawa lang naman namin kung ano yung gusto ng TV5, para magkaroon ng alternative na panoorin yung mga tao. And the fact na nakasama kami dun sa mga nominees, at yung mga kasama namin sa mga nominees medyo matataas at sikat na, so we're so happy."

Pero kaya n'yo na bang tapatan yung mga showbiz tak shows every weekend ng ABS-CBN at GMA?

"We're not in the position to say that naman. At saka ang dami pa naming kailangan gawin para matapatan namin sila. Syempre Boy Abunda na yun, Kris Aquino. Tapos sa kabila sina Manay Lolit Solis. Parang kailangan yata munang mag-manage kami ng mga artista din, di ba? Tapos kay Kris, parang kailangan pa yata naming magkaroon ng tatay na malalagay ang mukha sa pera.

"So, right now wala naman kaming aim na katapatin sila. Kasi baka sabihin din ng mga tao, ang feeling naman nitong mga batang ito. Third season pa lang kami, e sila kung ilang seasons na at ilang taon na ang itinagal ng shows nila, di ba? Pero kung papalarin, sana kami ang sumunod sa mga yapak nila," mahabang paliwanag ni Alex.

Alex, pareho kayong host ng showbiz talk show ng ate mong si Toni Gonzaga, nagkakaroon ba kayo ng pagalingan?

"Actually, sinasabi ko nga sa kanya, mas magaling ako sa kanya at mas maganda, hindi joke!" biro pa ni Alex. "Kami ng ate ko wala namang problema sa amin. Honestly, masaya kami para sa isa't isa dahil parehong bonggang-bongga ang careers namin. We always support each other. Hindi uso sa amin yung insecurities, yung pagalingan."

IC, ano naman ang comment ng nanay mong si Dolly Ann Carvajal, na sinusundan mo ang yapak ng iyong yumaong lola at original queen of showbiz talk shows na si Inday Badiday?

"Masaya siya kasi line naman ito before ng aking grandma. Marami rin siyang ibinibigay na advice sa akin. Like, huwag masyadong maharot, ganun. Pati sa hosting. Yun lang ang maganda sa amin ng Mommy ko, para rin kaming magbarkada kaya open kami sa isa't isa."

Ano ang message n'yo sa mga viewers ng Juicy na tinatawag n'yong mga "kafreshness"?

"Salamat kasi sinusuportahan nila kami sa umaga pati na rin sa gabi sa replay. Hindi sila nagsasawa sa mga patawa namin. At saka syempre, the fact na baguhan lang kami sa field na aming ginagawa e naa-appreciate nila, pinapanood nila at nae-enjoy nila ang Juicy, masaya na kami dun. Yun naman talaga ang aim namin e," ani Alex.

Dagdag pa ni IC, "Sobrang thankful ako na naging part din ako ng Juicy. And ngayon wala namang nangba-bash sa akin. So far, si Alex lang talaga. Pero biruan lang namin yun. Kaya maraming salamat sa mga ka-freshness. Ituloy n'yo lang po ang pagsuporta at panonood sa Juicy araw-araw sa TV5, 11:30 ng umaga, at may replays po kami ng 12 midnight."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN