Lipgloss begins third season on TV5, Feb 14


The stars of Lipgloss will welcome three new characters—Ejay Falcon, Niña Jose, and EB Babe Lian Paz—in the thrid season of the TV5 teen-oriented show.



Lipgloss
gets new additional cast members for itsthird season and this time, dalawang Pinoy Big Brother alumni and isang Kapusotalent ang isasama sa teen-oriented show.

SaSabado, February 14, magsisimula ang third season ng nag-iisang teenshow ng TV5, ang Lipgloss. Ito ang unang nabigyan ng third season ngbagong reformat na network at ilang commercials na rin ang papasok sa showsabay ng panibagong 13-week run.

Saoriginal cast, nagpaalam na si Miki Hahn na lumalabas bilang Stephanie dahil sarequest niya na rin para makapag-concentrate sa pag-aaral. Graduating na kasiang dalaga at kailangan niya ng mas maraming oras para sa kaniyang mgasubjects.

Nataposna rin ang one season appearance ni Princess Ryan na gumanap na Sarah pati narin ang four-episode guest appearance ni Matt Evans bilang si Nikko.

Sa unangepisode sa third season, tatlong bagong mukha agad ang magkakasabay na papasok.

Una narito ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner na si EJ Falcon nagaganap na Santi, ang PA (personal assistant) ng character ni Matt. Tatakbo parin ang love story nina Saab Magalona at Matt bilang Meg at Nikko nguni'tmananatiling pangalan na lang sa kuwento si Nikko dahil nangibang bansa ito.Ang magiging tulay nila ay si Santi.

Ito angunang magiging regular show ni Ejay pagkatapos niyang manalo sa Pinoy BigBrother Teen Edition Plus pero may ginagawa naman siya sa ABS-CBN, anghindi pa naipalalabas na Humiling Ka Sa Langit soap opera ni Judy AnnSantos.

Ikalawangpapasok ay ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1 housemate na siNiña Jose bilang si Camille. Siya ang bagong magiging ka-triangle nina RodjunCruz at Maxine Eigenmann na gumaganap na Jake at Abby. Isang season angitatakbo ng character niya. Dalawa ang bagong shows ni Nina sa ABS-CBN nguni'tpinayagan siya ng management dahil Linggo lang naman ang taping ng Lipgloss.

Angikatlong papasok bilang ka-triangle nina Christian Vasquez at Mary Grace Peridona sina Aldrich at Louise ay isang Kapuso, si EB Babe Lian Paz, ang fiancée niPaolo Contis. Siya si Rose na magiging matandang kapatid ni Camille at datinggirlfriend ni Aldrich na nagbabalik. Miyembro si Lian ng EB Babe group ng EatBulaga ng GMA-7 nguni't hindi naman ito nakatali sa Kapuso Network kung disa TAPE na nagpu-produce ng nasabing noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaangsi Paolo ang nagbida sa unang season ng Midnight DJ bago ito napapirmang GMA-7 ng isang exclusive network contract kung kaya't kailangan niyangpalitan ni Oyo Sotto. Sa pag-alis ni Paolo sa TV5, ang kanyang fiancée naman ang pumasok.

NoongSabado, ika-7 ng Pebrero, pinakilala na rin sina Ejay Falcon, Niña Jose, atLian Paz sa fans ng Lipgloss na nagpunta sa mall show sa SM South Mall.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN