Diether and Kristine reveal each other's secrets


Couple Kristine Hermosa and Diether Ocampo reveal each other's secrets on Boy Abunda's morning show.


"Alam 'nyo ba na si Diet kapag natutulog, mahilig niyang ikinikiskis ang paa niya sa paa ko?"

Ito ang nakaka-kiliting pambubuking ni Kristine Hermosa sa kanyang "mister" na si Diether Ocampo nang sabay silang mag-guest sa taping ng Homeboy last Tuesday, February 20.

Narito pa ang ilang pambubuking ni Kristine kay Diether:



Alam n'yo ba na mahilig...
Kristine: "Alam n'yo ba na mahilig si Diet ng lipstick?"

Alam n'yo ba na kapag naiinis...
Kristine: "Alam n'yo ba na si Diet kapag naiinis 'yan, nang-iirap? Alam ko na kapag iniirapan niya ako, naiinis 'yan sa akin. Kaya nga napagsasabihan ko 'yan na maduduling ka na niyan sa kaiirap mo."

Alam n'yo na na sa sobrang pagka-gentleman...
Kristine: "Sa sobrang gentleman... Hmp, parang nahihirapan ako doon. Lagi naman gentleman 'yan kahit sa anong paraan, pinagsisilbihan niya ako palagi. Pero every time na kumakain kami, susubuan niya ako. ‘Tapos mamaya-maya, napapansin ko na kapag nauubos na ang pagkain, hindi na niya ako sinusubuan."

Alam n'yo ba sa sobrang paglalambing...
Kristine: "Alam n'yo ba na si Diet kapag sobrang naglalambing sa akin, sasabihin niya, 'Love, kain naman tayo tapos ako ang magbabayad?' Alam ko naman na naglalambing 'yan pero huwag palagi ha [to Diet]!"

Alam n'yo ba na ipinagtatanggol...
Kristine: Actually, kapag ipinagtatanggol niya ako, hindi ko alam na ipinagtatanggol niya ako. Palaging ibang tao ang nagsasabi sa akin kung gaano niya ako ipinagtatanggol."

Ito naman ang pambubuking ni Diether kay Kristine:

Alam n'yo ba pagdating sa pagkain...
Diether: "Alam n'yo ba pagdating sa pagkain, sobrang hilig ni Kristine kumain? Grabe talaga ito pagdating sa pagkain, pero tingnan naman ninyo ang kanyang katawan."

Alam n'yo ba ‘pag magselos...
Diether: "Alam ninyo, na-experience ko ito noong nag-photo shoot kami sa Uno magazine. Kumuha kami ng tatlong cover girls, pero ang hirap dahil ni tumingin sa mga models ay 'di puwede! Imagine, hanggang 'Hi!' lang ako at di talaga niya [Kristine] ako pinapatingin sa mga girls. Sabi niya sa akin, 'Gusto mong dukutin ko ang mata mo!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam n'yo ba kapag na-adik...
Diether: "Grabe talaga itong si Kristine kapag naadik sa kanyang laptop, dun sa isang website na talagang 'di ka niya kakausapin."

(Ayon naman kay Kristine, "Lahat ng frsutration ko, nalalabas ko doon. Gagawa ako ng tao, bibihisan mo siya. Pati yung zodiac sign... So kahit 'yong kilos, lahat kapareho so mayroon siya [Diet] doon at mayroon ako. At least doon, nasasampal ko siya, natatadyakan ko siya. Ganun, kasi sa personal 'di ko magawa e.")

Alam n'yo ba kung mangulit...
Diether: "Grabe kung mangulit si Kristine! Kapag 'yan may nabalitaan na bagong cell phone, patay na! Pumuputak 'yan buong araw. Hindi ka niya titigilan kapag 'di niya nakukuha ang bagay na 'yon. Kapag nakuha na niya 'yon, papakabitan niya 'yan ng mga bagong gadgets at hindi talaga siya titigil kapag di niya nakuha ang lahat ng gusto niya."

Alam n'yo ba kung magluto...
Diether: "Alam n'yo ba na hindi marunong magluto si Kristine? Pero natututo 'yan alang-alang sa akin. Alam ba ninyo kung anong natutunan niyang luto? Turbo chicken!"

(Biglang singit si Kristine, "Bilib na bilib siya sa akin sa luto ko, pero what more kung mas mahirap pang menu?")

Alam n'yo ba na sobrang maawain...
"Alam n'yo ba na sa sobrang mauwain ni Kristine ay kayang-kaya siya. Siya ang tipo ng tao na isusubo na niya ay ibinigay pa niya ito sa ibang tao."

Ipinalabas ang episode na ito sa programang Homeboy ni Boy Abunda ngayong Lunes, February 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN