Joey de Leon and Joey Marquez grace TV5 shows on Feb22


Comedians (from left) Joey Marquez, John Estrada, Long Mejia, and Soliman Cruz will tickle the funnybones of viewers during the February 22 episode of Everybody Hapi on TV5.



Dalawang Joey ang mapapanood sa TV5 ngayong Linggo, ika-22 ng Pebrero. Parehong sikat na komedyante na siguradong magbibigay ng riot na katatawanan at kasiyahan sa mga manonood.

Una na nga ay ang pagbabalik ng master comedian na si Joey de Leon sa TV5 via Wow Mali, ang original prank show sa bansa. Siguradong maraming matutuwa sa pagbabalik na ito ng award-winning prank show dahil ito ang nagpasimula ng ganitong klaseng komedya sa telebisyon. Dahil na rin sa kasikatan ng programa ay marami na ring nagsulputang mga programa sa ibang istasyon na base sa orihinal na tema ng Wow Mali. Pero iba pa rin ang naging epekto ng Wow Mali sa mga manonood dahil hanggang ngayon ay parte pa rin ng bokabularyo ng mga Pinoy ang katagang "Wow Mali!" Sa katunayan ay madalas pa ring naririnig ang katagang "baka Wow Mali ‘yan" kapag may taong nagsususpetsa na baka may prank na ginagawa sa kanya.

Tulad ng phenomenal na Tropang Trumpo, na sa Channel 5 din ipinalabas at nagpasikat sa mga mainstays nito, ang Wow Mali ang flagship comedy show ng TV5. Kaparehas ng host nitong si Joey De Leon, na tinaguriang Supremo ng komedya sa bansa, maituturing na isang institusyon na rin sa telebisyon ang Wow Mali dahil ito pa rin ang tinaguriang original reality-based prank show sa bansa.

Samantala, hindi lang si Joey de Leon ang Joey na mapapanood sa TV5 sa Linggo. Kasunod ng muling pagbabalik-ere ng Wow Mali! captained by Joey de Leon, special guest naman ang hari ng mga sitcom na si Joey Marquez sa wacky sitcom na Everybody Hapi.

Magiging reunion of sorts ito ng mga "adonis" ng mga sitcom dahil muling makakasama ni Joey si John Estrada na dati niyang co-star sa Palibhasa Lalake, pati na rin si Long Mejia na dati niya namang sidekick sa Kool Ka Lang. Joey plays the role of Peter, ang lalaking ipakakasal kay Roxanne Guinoo sa February 22 episode ng Everybody Hapi sa Linggo, 7 p.m., pagkatapos ng Wow Mali! at 6 p.m. on TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN