John Estrada and Dina Bonnevie have dark plans in May Bukas Pa


The character of John Estrada named Olegario is introduced in the ABS-CBN show May Bukas Pa. He will wreck havoc in the life of the young boy Santino while Malena (Dina Bonnevie) has dark plans for the town of Bagong Pag-asa, where Santino lives.



Nagsimula na ang masalimuot na buhay ni Santino (Zaijian Jaranilla). Matapos ang sunud-sunod na himalang kanyang ginawa, tuluyan nang nagulo ang nananahimik na buhay ni Santino at ng mga pari sa monasteryo. Pero sa kabila nito, walang pagbabago sa pagmamahal at suporta ng mga pari kay Santino.

Patuloy din ang paghasik ni Enrique (Albert Martinez) ng lagim sa bayan ng Bagong Pag-Asa at bukod pa rito ang maitim na balak ni Malena (Dina Bonnevie).

At sa pagdating ni Olegario (John Estrada), ano ang napipintong mangyari kay Santino? Ano ang mangyayari sa pagkidnap niya sa miracle boy? Sa pagkakataong ito, pakinggan kaya ni Bro ang dasal ni Santino?

Huwag bibitiw sa umiigting na mga eksena sa May Bukas Pa, na pinapalabas simula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol World sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN