Fashionistas by Heart airs pilot episode on Feb 28


Schinina Juban (left) and Jocas de Leon (right) will join Heart Evangelista (inset) in hosting the show Fashionistas by Heart. It will air on Q Channel 11 every Saturday starting February 28, 2009.



Ngayong Sabado, February 28, na ipalalabas ang pilot episode ng Fashionistas by Heart, ang bagong one-hour magazine show ng Q Channel 11 dedicated to style and fashion. Main host ng show si Heart Evangelista.

Ang Fashionistas By Heart ay magfo-focus sa latest trends sa fashion world—designer clothes straight off the runway, hairstyles and makeup finds to watch for, most sought after accessories at maging ang paboritong pag-usapan ng mga girls: ang tungkol sa boys.

Itatampok din sa show ang mga celebrities at kung ano ang laman ng kanilang mga closets, maging ang mga ordinaryong kababaihan at ang kanilang day-to-day fashion emergencies.

Dahil nakabakasyon pa si Heart sa Amerika at sa first week ng March pa ang balik niya sa bansa, tanging ang segment hosts ng Fashionistas by Heart na sina Jocas de Leon at Schinina Juban ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mini-presscon ng show na ginanap sa Fish & Co. restaurant sa SM Mall of Asia last February 19.


JOCAS DE LEON.
Sa mga hindi nakakakilala kay Jocas, siya ay anak ng sikat na comedian-TV host na si Joey de Leon. Kaagad nilinaw ni Jocas sa PEP na nakuha niya ang naturang hosting job hindi dahil sa tatay niya si Joey de Leon. Inamin niya na nag-audition siya tulad ng iba pang girls na naghahanggad sa posisyon na iyon.

"Well, they told me that they were looking for a host. I went there for an audition. I believe I got the job because of my experience. When I was in New York, I went to a fashion school one summer. And I guess, more importantly, they saw my love for fashion. I believe I'm meant for the show because I'm really a fashionista by heart," paliwanag ni Jocas.

Ang 25-anyos na si Jocas ay nagtapos bilang cum laude sa Fordham University with a degree in Economics. Idagdag pa rito na kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Mechandising Department for Girls Teen section ng SM, ang pinakamalaking retail company sa Pilipinas.

Ano ang naging reaksyon ni Joey nang malaman na kinuha siyang host ng Q-11?

"Well, in the beginning medyo hesitant pa lang siya kasi parang he's in the industry, so he knows what goes on. But now he's getting the idea little by little. He's now proud especially when he sees the teaser on television. Now, he's okay with it. He prefers me to do hosting though, not much with acting."

Binigyan ba siya ng tips sa hosting ng kanyang daddy?

"Ang sinasabi niya lang lagi, kailangan lakasan ko ang boses ko. And then he always reminds me to practice walking while hosting. Kailangan naka-measure talaga from point A to point B, kailangan yung sasabihin mo eksakto dun."

May pressure ba sa kanya being the daughter of Joey de Leon?

"Honestly, wala naman. Well, katulad ng nag-aaral pa ako noon sa Philippines . Alam ng mga classmates ko, ng schoolmates ko na anak ako ni Joey de Leon. Pero wala namang pressure on my part. Besides babae rin kasi ako, e. It may be different kung lalaki ako."

Wala ba siyang na-e-experience na nagpapatulong sa kanya para makapanood ng Eat Bulaga, kung saan isa sa main hosts ang kanyang daddy?

"Sa trabaho ko ngayon, meron. Pero mas madalas yung pabati. Tine-text ko naman sa dad ko at binabati naman niya."

Ayon kay Jocas, she will be handling the "Personal Shopper" segment sa Fashionistas By Heart.

"My segment requires me to go around different stores to feature the latests trends and hottest finds around the metro."


SCHININA JUBAN. Ang 17-year-old na si Schinina Juban ang itinanghal na winner sa The Debutante, Q-11's search for the Ultimate It Girl na ginanap last year. Part of her prize ay ang pagho-host ng isa sa mga shows ng Q-11 at natupad na nga ito through Fashionistas By Heart.

Marami bang naging pagbabago sa kanya after niyang manalo sa The Debutante?

"Not really that drastic. But for me this is the best prize that I received. I really want to be a host ever since. Now, I've got to do it finally. And it's about something I love—fashion."

Ano ang rekasyon ng mga magulang niya ngayong pumapasok na siya sa showbiz bilang host?

"My parents are okay with it. My dad is a Hollywood producer, so I've been going with him in his sets and productions. I grew up in showbiz, basically."

Ang daddy ni Schinina na si Lope Juban ang nagdadala ng Hollywood films and productions para mag-shoot dito sa Pilipinas. Siya ang naging susi sa paghoot ng mga pelikula tulad ng Apocalypse Now (1979) and Thirteen Days (2000). Nakapag-produce na rin siya ng popular reality shows gaya ng Survivor France, Israel at Bulgaria, at maging Amazing Race Asia. Dahil na rin sa trabaho ng kanyang daddy, inamin ni Schinina na na-meet na niya ang ilang Hollywood stars gaya nina Kate Beckinsale, Jessica Alba at maging mga nanalo ng American Idol.

Katulad ni Jocas, naniniwala si Schinina na siya ay fashionista by heart. Ano ba ang concept niya ng pagiging fashionista?

"Someone who tries anything and dress up appropriately for any occasion. Also someone who can carry anything without trying too hard," sabi ni Schnina.

Ang pagiging fashionista ba ay nangangahulugan ng pagsusuot ng mamahalin at branded clothes?

"Of course not. There are so many finds in ukay-ukay like in Baguio, in bazaars. It's all about finding pieces that you can mix and match. It's not expensive to be a fashionista."

Ayon kay Schinina, tinitingala niya pagdating sa fashion sina Kate Moss, Nicole Ricci at Lindsay Lohan. Dito sa Pilipinas, hinahangaan niya si Georgina Wilson.

Ano ba ang segment na iha-handle niya sa Fashionistas by Heart?

"My segment is about beauty products, treatments, and events. I'll be focusing on events. Doon ako magpo-focus sa mga suot ng celebrities. We will be asking them where they got their clothes, so we can look for them also."

Ayon kina Jocas at Schinina, they get along well with Heart. Gusto rin nila ang style ni Heart at hinahangaan nila ang dedikasyon sa trabaho ng aktres. At higit sa lahat, they share the same passion, which is fashion.

Mapapanood ang Fashionistas By Heart every Saturday, 7 pm on Q Channel 11, starting on February 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN