"L.U.V. Pow" casting: Camille Prats out, Valerie Concepcion in


Camille Prats (left) will be replaced by Valerie Concepcion in GMA-7's new teen show L.U.V. Pow.


Out si Camille Prats, in sina Alessandra de Rossi, Valerie Concepcion, at Mike Tan sa bagong teen show ng GMA-7 na L.U.V. Pow.

The magical teen show L.U.V. Pow, na pamalit sana noon sa nagtapos na Love To Love after its finale season starring Lovi and Cogie Domingo, had its first taping day last February 24 sa Antipolo.

Originally, it would have starred Camille, Yasmien Kurdi, and Rhian Ramos as sisters with magical powers. L.U.V. stands for their character names Lara, Ursula, and Val. Ang kambal na Dominic at Felix Roco ang magiging partner ni Rhian at si Rainier Castillo naman kay Yasmien, and at that time, hinahanapan ng partner si Camille.

Umalis ang production people behind L.U.V. Pow for Malaysia para buuin ang Muli starring Alfred Vargas and Carrie Lee kung kaya't na-pending ang production ng kung ilang beses. Ngayong ready na ang lahat, si Camille naman ang hindi na pumuwede dahil part siya ng kabubukas pa lang na primetime drama-adventure series na Super Twins, where she plays a lead role together with Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, and Patrick Garcia.

Nagsisimula pa lang kasi ang Super Twins kung kaya't erratic pa ang mga schedules nila so Camille couldn't give a definite schedule for L.U.V. Pow, unlike Yasmien na kahit nasa Bakekang ay maayos na ang schedule, and even Rhian na nasa Lupin naman, pero magsisimula pa lang so maaayos pa ang schedule.

Camille will be replaced by Valerie at si Mike ang magiging partner niya. The two GMA-7 stars will be repackaged kasi starting with this soap as sexy and mature.

Si Alex naman ang gaganap na main contravida bilang kalaban ng tatlong bida.

Wala pang definite timeslot ang L.U.V. Pow.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN