Angel Locsin transforms into a taong grasa for MMK


Angel Locsin will portray the life story of Nympha, a woman who is a scholar in a state university but ends up being a vagrant or taong grasa. Watch her portrayal of a crazy woman in the February 28 episode of Maalaala Mo Kaya.



Isa na namang mapaghamong papel ang gagawin ni Angel Locsin bilang isang scholar ng University of the Philippines (UP) na naging GRO at naging baliw sa dami ng problema.

Matatandaang nabigyan si Angel ng kanyang first Best Actress award sa kanyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya episode na "Pilat." Ito ang tinanghal na Best Single Performance By an Actress sa 22nd Star Awards for Television na inorganisa ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Bago pa nag-taping si Angel Locsin ay nag-request siya na mag-immerse sa isang mental institution para pag-aralan ng todo ang kanyang role. Nag-interview rin siya ng mga specialists tungkol sa kalagayan ng mga dinalaw niya.

Ani Angel, "Bilang paghahanda ko sa pagbabalik ko sa MMK, natakot ako na gampanan ang isang role ng isang baliw, pero nang mabasa ko ang script ng character ni Nympha, grabe na-intriga ako kung bakit siya humantong sa ganong kalagayan. Imagine, isang UP scholar na naballiw, naiisip ko tuloy kung ano ang nagtutulak sa isang tao para mabaliw, kahirapan ba, matinding trahedya, kaya nag-immerse ako para maintindihan ko ang pinanggagalingan nila!"

Abangan ang nakakaantig na episode na ito ngayong Sabado, February 28, sa MMK.

LOVE ME AGAIN DVDs. Simula sa Linggo, March 1, available na rin ang pelikula ni Angel Locsin at Piolo Pascual, ang Love Me Again, on original DVD at VCD mula sa Star Home Video. Available pa rin ang 12 volumes ng Lobo sa mga record bars nationwide.


Maalaala Mo Kaya (February 28, 2009)

Director: Dado Lumibao

Cast: Angel Locsin, Dimples Romana, AJ Dee, Tanya Gomez, Lester Llansang, Soliman Cruz, Kathryn Bernardo and Ella Cruz


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN