Vic Sotto's "Lastikman" and "Fantastikman" will soon have remakes


Two superhero characters of Vic Sotto, Lastikman and Fantastikman, will be given a fresh look on the boobtube.



Nagbabadyang magbanggaan ang dalawang pelikula ni Vic Sotto na gagawing TV shows.

Bago ibinalik ni Vic ang Enteng Kabisote series as entries sa Metro Manila Film Festival, gumawa muna siya ng magkasunod na superhero movies—ang Lastikman (2002) at Fantastikman (2003). The Enteng Kabisote series started 2004 and is in its third installment na last year.

Lastikman is a Mars Ravelo character first turned into a big screen movie starring Von Serna, Snooky Serna's late father. Ang Fantastikman naman is an original, after hindi na nabili ni Vic ang Lastikman rights the following year. Ang Viva Films ang nakabili ng second rights ng Lastikman na ginawa ring entry sa Metro Manila Filmfest starring Mark Bautista.

Now, both Lastikman and Fantastikman are being turned into TV shows.

Pagkatapos ng Da Adventures of Pedro Penduko sa Komiks Presents ng ABS-CBN, isusunod na ang Lastikman that will star Vhong Navarro and Angelika dela Cruz. Part ito ng Komiks Presents and not Sineserye dahil sa comics nagsimula ang kuwento ng Lastikman.

Nabili na rin ng GMA-7 ang rights kay Vic ng Fantastikman. Gagawin na rin ito as part of the Kapuso Network's Sine Novela umbrella but with a different format.

All movies-turned-soaps na binili ng GMA-7 ay ilalagay sa Dramarama Sa Hapon under the umbrella title Sine Novela, so it will be a five-times a week format. Una na ngang gagawin ang Sinasamba Kita ng Viva Films, originally starring Vilma Santos, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, and Phillip Salvador. The new version will star Sheryl Cruz, Valerie Concepcion, Wendell Ramos, and JC de Vera from the direction of Joel Lamangan.

Isasabay rin pala ang taping ng isa pang Sine Novela project, ang Fantastikman nga na pagbibidahan ni Mark Herras. This one though will be a once-a-week format.

Ang dating kalaban ng Komiks Presents ng ABS-CBN ay ang Fantastikids ng GMA-7. Malamang dito ilagay ang Fantastikman so may chance na magsabong ang dalawang Vic Sotto movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN