Koreanovela "Something about 1%" to air on March 3

by Jocelyn Dimaculangan
Mar 2, 2007
Lianne Kim (Kim Jeong Hwa) and Jay Lee (Kang Dong Won) fight for their love in Something about 1%.

Paano kung sabihin sa iyo na 99% siguradong papalpak ang relasyon mo at ng special someone mo? Susuko ka na lang ba o sasabihin mo bang "Basta may 1% chance of success, hindi ako bibitiw?"

Para kina Lianne at Jay ng ABS-CBN Koreanovela na Something about 1%, dapat lang ipaglaban ang 1 percent na iyon.

Si Lianne Kim ay isang mabait at matulunging titser na walang interes sa pera. Isang araw, habang sumasakay ng tren, tinulungan niya ang isang matandang lalake na ayusin ang bagahe niya. Ang hindi niya alam, ang lolong kanyang tinulungan ay may-ari pala ng isa sa pinakamalaking kompanya sa Korea.

May apo rin ang matanda: si Jay Lee, isang successful businessman na madaling uminit ang ulo at nagsisimula nang magrebelde sa kanyang lolo. Para patinuin ang apo, nakaisip ng gimik si Lolo: ibibigay niya ang lahat ng kanyang pera at ari-arian sa lalaking pakakasalan ni Lianne. Ngayon, mapupwersa si Jay na kilalanin, ligawan at pakasalan si Lianne para makuha ang lahat ng manang pinamigay ng lolo niya.

Continue reading below ↓

Pero kahit pwersado si Jay na kilalanin si Lianne, nagsisimula na rin ang paghanga niya sa maganda at mabait na dalaga. Pero kayanin ba ng paghangang ito ang malaking pagkakaiba sa kanilang mga ugali? At matutuloy ba talaga sa tunay na pag-ibig ang kakaibang relasyon nina Lianne at Jay?

Sinulat ni Hyeon Go Wun, isa sa pinakasikat na romance authors sa Korea, at pinagbibidahan nina Kim Jeong Hwa bilang Lianne at Kang Dong Won bilang Jay, siguradong mai-in love kayo sa panonood ng Something About 1%.

Mapapanood ang bagong Koreanovelang ito sa ganap na alas-10 ng umaga kada Sabado bago mag Kapamilya, Game KNB? at alas-10 din ng umaga tuwing Linggo bago mag ASAP '07 simula ngayong Sabado, March 3, sa ABS-CBN.

Read Next
Read More Stories About
Kang Dong Won, Koreanovela
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lianne Kim (Kim Jeong Hwa) and Jay Lee (Kang Dong Won) fight for their love in Something about 1%.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results