Maryo J. delos Reyes speaks about the "StarStruck" finalists

by Nora Calderon
Mar 2, 2007
If the Bagets (1984) director alone could choose the winners, he would name Jewel Mische as the Ultimate Sweetheart and Mart Escudero (right) as the Ultimate Hunk.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Maryo J. delos Reyes habang hinihintay namin ang formal launching ng Bagets Foundation kung saan siya ang Chairman of the Board. Kasama niya noon si Quezon City vice mayor Herbert Bautista, ang president ng grupo na binubuo ng original cast ng pelikulang Bagets (1984) mula sa Viva Films. Naganap ang naturang press con sa Max's Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City, noong February 28.

Kilala si Maryo J. sa pagdidirek ng mga youth-oriented movies, tulad nga ng Bagets kaya hindi kataka-taka na siya ang pinagdirek ng GMA-7 sa one week drama flick ng Danger 8 ng StarStruck: The Next Level.

Paano niya idi-describe ang natitirang finalists ng naturang reality artista search?

"Si Mart Escudero, naidirek ko na siya sa Mga Anghel na Walang Langit sa ABS-CBN at pwede siyang bida-kontrabida, marunong na siyang umarte. Si Paulo Avelino, natutuwa ako sa kanya, para siyang anime, pero maalagaan lamang siya, may talent siya sa acting. Si Kris Bernal, gusto ko ang mga mata niya, very expressive at kaya niyang gamitin ito para maging mahusay siyang umarte. Pero dapat siyang bantayan ng direktor dahil may tendency siya na mag-OA [over acting]. Si Stef Prescott, flawless siya."

Continue reading below ↓

Ani Direk Maryo, "Si Prince Estefan, aliw ako sa kanya. Very powerful ang story ng buhay niya, hindi niya ikinahihiyang ipaalam na hinahanap niya talaga ang kanyang ama. He's so candid, very raw ang acting niya, wala siyang pakialam kung pumapangit siya sa pag-arte niya, ginagawa niya kung ano ang sinasabi sa kanyang dapat niyang gawin sa eksena, very rich ang character niya, marami siyang angst sa buhay at sabi ko sa kanya, dapat niyang magamit iyon sa pag-arte niya. Napakakarinyoso niya, siguro dahil Ilongo siya.

"Si Rich Asuncion, very dramatic din ang buhay niya, serious siya at maganda ang kanyang physical appearance. Dapat lamang maalagaan ang mga shots sa kanya. Sanay na siyang mag-pose dahil isa pala siya sa model ng Island City Mall sa Bohol, na kasama niya ang isa kong talent, si Paulo Ramirez.

"Very pretty ni Jewel Mische, the camera loves her. Malaki ang potential niya sa acting. Leading man material naman si Aljur Abrenica. May tindig siya kahit 5'8" lamang ang height niya. Turuan lamang siya kung paano umarte sa harap ng kamera, may kakayahan siya sa pag-arte."

Continue reading below ↓

Nagbigay ng payo ang batikang director para sa mga baguhang artista. "Napansin ko kasi sa kanila, parang wala silang ginawa kundi manood ng mga telenovela. Dapat ang orientation nila, may star attitude na sila tulad nina Lorna Tolentino at Maricel Soriano na mukhang star na agad nang pumasok sa showbiz."

STRONG CONTENDERS. Kung tatanungin si Direk Maryo J., sino ang magiging ultimate winners niya?

"Kung ako ang pipili ng mananalo, gusto ko sina Aljur or Prince at si Rich ang maging Ultimate Love Team, ang Ultimate Sweetheart ko naman ay si Jewel at Ultimate Hunk ko si Mart. Pero siyempre, kailangan pa rin nilang patunayan ang kakayahan nila dahil may botong 50% ang Council, may boto rin ang mga televiewers na 50%."

Sa Linggo, March 4, sino kaya ang matatanggal sa Danger 8, sa live elimination na gaganapin sa GMA Broadway Studio?

Mapapanood ang StarStruck: The Next Level sa GMA-7 pagkatapos ng Mga Kuwento ni Lola Basyang. Balitang sa Final 6 kasi pipiliin ang apat na Ultimate winners.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
If the Bagets (1984) director alone could choose the winners, he would name Jewel Mische as the Ultimate Sweetheart and Mart Escudero (right) as the Ultimate Hunk.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results