Precious Heart Romances to be dramatized on television


Cristine Reyes and Jake Cuenca will be the first love team to be featured in Precious Hearts Romance presents Bud Brothers. It will be aired on ABS-CBN starting May 2009.



Pagkatapos i-adapt sa telebisyon ang mga kuwentong hango sa pelikula na angkaramihan ay hango rin sa mga kuwento na serialized sa iba't-ibang pahina ngkomiks noon, ngayon naman, ang bagong ihahandog ng ABS-CBN sa panghapongprograma simula sa May. Ito ay ang mga kuwento ng pag-ibig na unang nabasa samga pahina ng libro ng pocket book ng PreciousHeart Romances or PHR, ang "Bud Brothers" na isinulat ng romance writer nasi Rose Tan.


Spearheading the project is Direk Lauren Dyogi na siyang unang nakakita ngpotensiyal ng mga sikat na kuwento sa PreciousHearts Romances na hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa iba't-ibangbansa in-terms of readership.


Isang buong season ang itatakbo ng "Bud Brothers" na magtatampok every twoweeks ng iba't-bang love team sa isang natatanging kuwento ng pag-ibig.


Bukod sa "Bud Brothers," nakuha na rin ng ABS-CBN ang rights ng Kristine Series, isa sa pinakasikat at well-readseries ng PHR. Pero ayon kay Direk Lauren, they have decided na unahin namunang i-feature ang "Bud Brothers" dahil sa mas lighter approach ng mgakuwento rito.


"It's light, it's romantic. It's also well-recommended by the publisher. SiRose Tan kasi, sila yung mga sikat na writers. ‘Yung Kristine naman, we're already on a pre-production for it. Malakikasi ang magnitude ng Kristine. It'ssomething na kailangan naming planuhin."


Ayon kay Direk Lauren, this will be a long-running show na ang talagangtitle ng programa raw ay Precious HeartsRomances at ang pilot presentation nito ay ang "Bud Brothers."


Sa mga nakakabasa ng libro, posibleng hindi maiiwasan ang pagkumparahin angmga characters na mababasa nila at kuwento mismo sa libro at sa mapapanood. Nakahandana ba sila sa bagay na yun?


"Well, inevitably, but there was a lot of limitations kasi. Hindi namanlahat ng artista sa atin will fit dun sa description sa libro. So, we madeadjustments. Pero, marami rin naman ang hindi nakabasa that will enjoy it. Isuppose, meron talagang maiinis na bakit ganyan, hindi ganyan sa libro? But story,we'll keep it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Aminado si Direk Lauren na casting pa lang daw, nahirapan na sila.


"Mahirap talaga. Unang-una, ang mga lalaki sa pocket books, hindi katulad ngmga artista at hindi ganoon karami ang artista. Like right now, sa Star Magic,we're willing to have a search sa kung sino ang puwedeng maging bida and findwho can fit. Baka nga minsan, mas safe pa yun dahil kapag artista, meron nasilang image ng artista sa isip nila."


JERRY SINENENG TAKES OVER.
Ang PHR presents Bud Brothers sana ang TVproject na ididirek ni Direk Cathy Garcia-Molina. Pero dahil sa biglaangpagkamatay ng kanyang asawa, Direk Jerry Sineneng will now be the director of "BudBrothers."


"Dapat kasi, nag-taping na kami noongTuesday [March 31]. Biglaan, Sunday nangyari yun [the death of Direk Cathy'shusband]. Tapos, kausap ko siya kaninang umaga, siyempre, hindi ako maka-buwelosa kanya dahil sa nangyari. But she called me up. Nagpaumanhin siya na hindiniya muna magagawa.


"Ako yata ang una niyang tinawagan noong Sunday dahil worried siya sataping. Pero sabi ko nga, huwag na muna niyang intindihan, pinak-ap ko na yungTuesday, so, sabi ko, kung kakayanin mo, hindi ko ipa-pack-up yung Monday andWednesday. Ang hirap kasing buuin ng schedule ng mga artista, walo yan,pagsasama-samahin mo sa pilot. So, kanina nga, sinabi niyang parang hindiniya kakayanin dahil parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya yung lahat. Atsaka, mahirap yata na namatayan ka, tapos love story ang gagawin mo."


(Click HERE to read related story about the tragic accident of Direk Cathy'shusband.)


In terms of kakayahan, hindi nga naman matatawaran din ang kakayahan niDirek Jerry Sineneng na ayon kay Direk Lauren Dyogi, mabuti na lang daw na mayoras pa na nailaan para sa PHR.


Personally, inamin ni Direk Lauren na tila nagsawa na rin daw siya na isangmovie ang pinaka-babasihan ng kuwento sa mga afternoon series. Nagbasa raw siyang mga PHR novels at para sa kanya, it's about time na ang medium naman na itoang isalin sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Gut feel ko lang, gut feel ko langna magugustuhan ng public. Plus the fact na meron na rin siyang following. So,sa mga hindi nakakabasa, this is their chance to get to know rin kung gaanoka-rich ang pop-literary culture ng Filipino."


Ngayong May na ie-ere ang pilot episode ng "Bud Brothers" na tatampukan forthe first time ng team-up nina Jake Cuenca at Cristine Reyes.


Bukod dito ay ang iba pang Kapamilya pairs na sina Mariel Rodriguez andRafael Rosell; Joem Bascon and Wendy Valdez; Janna Dominguez and Manuel Chua;Guji Lorenzana and Roxanne Guinoo; Will Devaughn and Valerie Concepcion; at AaronVillena and Maricar Reyes.


Tapos na ang story conference nang makita ng PEP si John Prats na dumatinghabang kasalukuyan pang nagpi-pictorial ang cast sa Pinoy Dream Academy building. Napag-alaman ng PEP na si Johnat isa pang aktres (who identity is still under wraps) ang kukumpleto ng walongpares ng love teams para sa PreciousHearts Romances present Bud Brothers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN