Three more housemates introduced in "Pinoy Big Brother Season 2"


Robert James Wood, Maria Beatriz Saw, and Kian Kamezi are the three newest housemates in the second season of Pinoy Big Brother.


Hindi nasayang ang isang linggong paghihintay ng mga manonood para makilala ang mga susunod na housemates na papasok sa loob ng bahay ni Kuya dahil mula noong Sabado ng gabi, isa-isa nang ipinakilala na sa taong-bayan ang mga latest Big Brother housemates.

THE GOOD SON. Si Robert o Robert James Wood II ang ika-pitong housemate na pinapasok ni Kuya sa kanyang bahay. Gwapo at may magandang tindig ang 23-year-old Eurasian na ‘to. Lumaki si Robert sa Saudi Arabia at umuwi na lamang sa Pilipinas nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Nanirahan si Robert at ang kanyang Filipina mother sa Las Piñas habang bumalik naman sa England ang kanyang British dad.

Certified animal lover itong Robert na may labing-isang (11) pusa, isang aso, isang hammerhead shark, at isang ibon.

Habang nasa college si Robert at kumukuha ng computer science, nalaman niya sa kanyang half-sister na isang nurse sa London na na-stroke ang kanyang ama. Nagpaalam agad si Robert sa kanyang ina para magpunta sa Birminghan, London at maalagaan ang kanyang ama.

Hindi naging madali ang buhay sa England para kay Robert dahil bukod sa pinagkakasya ng binata ang kanyang kinikita bilang shift crew manager sa isang fast food diner para matustusan ang pampagamot sa kanyang ama, ay nakaranas din siya ng discrimination. Nang gumaling ang ama ni Robert, nagdisisyon itong bumalik sa kanyang "other woman" kaya naiwang mag-isa ang pobreng binata at mas inilugmok ang sarili sa pagta-trabaho para maibsan ang lungkot na nararamdaman.

Pagkalipas ng isang taon, nagulat si Robert nang makita ang ama sa pintuan ng bahay na kanyang tinutuluyan. Mas malala ang sakit nito at walang kapera-pera. Pinatuloy ni Robert ang ama at muling inalagaan sa kabila ng kakapusan sa pera.

Sa Birmingham nalaman ni Robert ang audition ng Pinoy Big Brother Season 2 kaya kahit pamasahe lamang ang baon ay nagbakasali pa rin ito na pumunta sa Milan kung saan ginawa ang audition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SASSY GIRL. Sinundan ni Maria Beatriz Saw o Bea ang pagpasok ni Robert sa Big Brother House. Cute at chinita ang 21-year-old girl na ito from Bicol. Sa Muntinlupa talaga lumaki si "sassy girl" Bea pero kinailangan nilang lumipat ng kanyang pamilya sa Camarines. May ilang beses na ring nagpalipat-lipat ng bahay si Bea at ang kanyang pamilya dahil kailangang magtrabaho ng kanyang ina sa iba't-ibang probinsya, habang ang ama naman niya ay nasa ibang bansa. Ayon na rin kay Bea, bukod sa hinahangad na experience sa loob ng bahay ni Kuya, umaasa siyang manalo sa dulo ng kompetisyon para magkaroon ng sariling bahay kung saan magkakasama-sama na sila ng kanyang pamilya at hindi na kailangang makitira pa sa mga kamag-anak.

Pangalawa sa apat ng magkakapatid, si Bea ang tumayong mommy sa kanyang mga nakababatang kapatid. Nang makapagtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo de Naga, nagpaalam na ito sa kanyang pamilya para magtrabaho dito sa Maynila. Natanggap siya bilang human resource associate sa isang consulting firm sa Makati.

PRODIGAL SON. Si "prodigal son" Kian Kazemi ang ninth housemate na pinakilala ni Kuya. Half-Pinoy, half-Persian ang 21-year-old self-proclaimed bad boy na ito.

Nasa high school si Kian nang magkaroon siya ng sakit na alopecia na nagdulot sa kanya ng pagka-kalbo. Stress-related ang sakit na ito na resulta ng masyadong pag-iisip ng binata. Nagbunga ng mga sugat sa ulo ang sakit ni Kian kaya pinagkatuwaan siya ng mga tao at madalas na kinakantyawan ng mga kaklase.

Nawalan ng tiwala si Kian sa sarili hanggang sa tuluyang maiba ang direksyon niya sa buhay. Nalulong si Kian sa masamang bisyo at pinanindigan ang bagong bad-boy image. Ang dating mabait at supportive na panganay nina mommy at daddy ay naging super playboy, school kick-out, weed junkie, at takaw-gulo!

Hindi nagtagal, nakahanap ng solusyon ang tatay ni Kian ng lunas sa sakit ng kanyang anak mula sa isang albularyo sa Persia. Gumaling si Kian at mula noon ay ipinangako sa sariling magbabago na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Abangan ang live na pagpasok ng iba pang housemates sa Pinoy Big Brother Season 2 pagkatapos ng Maria Flordeluna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN