Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

SexBomb manager Joy Cancio answers issues involving her and her talents

by Rose Garcia
Apr 21, 2009
SexBomb manager Joy Cancio faced Showbiz Central's "Intriga Crossfire" and answered the issues involving her and her talents.

Ang manager ng SexBomb Dancers na si Joy Cancio ang siyang naupo sa "Intriga Crossfire" ng Showbiz Central last Sunday. Siyempre pa, hindi nakakapagtakang ang recent controversy sa kanyang dalawang SexBomb girls na sina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina ang isa sa maingay na pinag-usapan last week. Nasangkot kasi sa isang gulo ang dalawa nitong nakaraang Holy Week sa Boracay.

YOUNG BOYFRIEND? Kasama rin sa tanong sa kanya ang diumano'y pakikipagrelasyon niya sa isang binatang mas bata sa kanya.

Si Pia Guanio ang unang nagtanong at ito nga ay ang tungkol sa idini-date daw niyang younger guy. Kasama raw sa cast ng Daisy Siyete ang younger guy at Tariq Jambogana raw ang pangalan.

"Hindi totoo ‘yan! Unang-una, wala akong boyfriend na younger than me. I have my kids na matataas na sila kesa sa akin. Every Sunday we go out, mostly Robinsons, Greenbelt...mataas! Naka-holding hands. Kasi, sweet akong mama. Baka akalain, boyfriend ko yun, pero, mga anak ko po yun.

Continue reading below ↓

"Si Tariq is one of my talents. Mostly, kahit naman, yung past [seasons] naming...sina Jack Rodrigo, sina Aaron [Flores], usually, binibili ko sila ng damit. Siyempre, nasa showbiz, sumasama ko. Pero ngayon, yung kay Tariq, never akong nakakasama na, kasi, sobrang busy na.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"May pamilya po ako, 25 years kaming married. May absent na 13 years. Open naman ‘yan dahil naipakita yung true life story ko. At nagkabalikan kami year 1999, I was in Eat Bulaga at that time, so, wino-work-out namin yung relationship."

Follow up na tanong kay Joy: Kung hindi ka raw pinopormahan ni Tariq, isa raw sa Sexbomb member?

"Yeah, oo...totoo yun. Pero, sinabihan ko na si Tariq na, ‘Huwag mong gawin ‘yan kasi, ayaw ko ‘yan sa pamilya namin, sa business namin. Kapag nag-aaway, sabit pati trabaho. Nakasimangot palagi,.. Ayoko ng ganoon.'"

What if, hindi masunod?

"Mostly, nire-retain ko female talents than male."

THE BORACAY ENCOUNTER. Raymond's question nga ay yung tungkol sa dispute nga ng dalawang SexBomb girls sa Boracay kunsaan, nag-apologize na rin siya. Kaya ang tanong ni Raymond, bakit daw kailangang mag-apologize kung wala namang kasalanan yung dalawa? "And how do you reprimand them para hindi na sila ma-involve sa ganitong klase ng gulo?" follow up pa ni Raymond.

Continue reading below ↓

"Kasi yun nga, noong nangyari yun, I asked Rochelle and Aifha kung ano ang story and everything, pinaikut-ikot ko sila na isa lang naman ang sagot. Nandoon sila sa grupo na noong sinigawan, pero, si Rochelle pa ang nagsabing, ‘Tama na ‘yan!'

"So, yung part na dapat sasaktan si Aifha, si Mitch naman ang umumang kasi nga, nakita niya. So, ang akin lang, tutal wala namang nangyari sa inyo at hindi naman talaga kayo damay. Naklaro naman sa mga videos and news na lumabas, forgive na rin. Kahit na nasigawan kayo. Yun ang masakit sa kanila, e. Para silang na-intimidate na lalaki siya, e, siya ang unang sumigaw.

"Yung respeto raw, so, sabi ko, intindihin na lang natin dahil kahit ako, ang dami ko rin ginagawang humility sa buhay ko. Kahit sigawan ako or whatever, ang iniisip ko na lang, yung grasya, pagsubok, anong kapalit na ibibigay mo sa Kanya, e, di yung sharing this beautiful manners sa kapwa mo. Hindi mo naman maibibigay kay God yun.

Continue reading below ↓

"Kaya sabi ko, ‘Pa-thank you na lang kayo at hindi naman nabasag ang mga mukha nyo at yun nga, napatunayan na wala naman kayong ginawang masama.' Intindi na lang kay Mr. Joshua, di ba?"

Ano raw ba kasi ang pinapatugtog ng SexBomb at mataas ang volume. Joy was asked kung ano kaya ang pinatugtog ng grupo nina Rochelle at Aifha.

"Hindi, hindi ko na naitanong yun," natatawang sagot ni Joy. "Pero ang sabi sa akin nina Rochelle, di ba, yung kanya-kanyang resort, meron silang sound system. Mas malakas naman daw yun kesa sa dala nilang i-Pod speaker.

"And we know, Boracay is a party place. Kaya nga ako hindi rin nag-decide since last year, I was there. Maraming tao. E, mga dalaga at binata na rin ang mga anak ko. Kaya ako, ayoko, kung mababastos ‘tong anak ko, mapapaaway rin ako, so, sa iba na lang. Kapag sinabing Boracay, party place talaga yun. Masaya yun."

Continue reading below ↓

TAX DECLARATION. Ayon kay Mo Twister naman, for the past years, ang laki raw talaga ng kinita ng SexBomb as a group and as individuals. At sana raw, hindi naman pagiging rude ang pagtatanong niya, April 15 was a tax declaration day, what was the declared total or net income of the SexBomb?

"Actually, wala po akong...hindi ko alam ang exact amount. We have people to do that. I have my own accountant, may lawyer and everything na dapat gumawa nu'n."

What about Joy's declared net income?

"Hindi ko rin alam! Ha-ha-ha!"

Nasabi tuloy ni Mo, tila hindi nagsasabi ng totoo si Joy.

"Nagbayad ako, siyempre. Yun naman ang nire-require ng GMA-7. So, nakasali yun sa report namin. At saka, kahit naman ikaw kapag tumingin ka sa numero, nakakahilo. Whole year yan, so, nakakahilo."

So did she and and the SexBomb made a lot of money, as in millions?

"Oo naman...kahit naman hindi April, meron tayong tinatawag na VAT, withholding, every year ‘yan, every quarterly ‘yan, ‘yung permit sa City Hall...marami."

Continue reading below ↓

SEXBOMB DEMANDS. Ayon naman kay Rufa Mae Quinto, sa kanya raw ay very light lang ang question niya. Na dahil pumapagaspas na nga ang career ng SexBomb, totoo raw ba na nagde-demand na ang mga ito ng car, condo, at diamonds?

"Ah, hindi naman ganoon...Kasi, siyempre, alam natin na pursigido naman ang mga SexBomb. Hindi naman sila makakarating sa status nila ngayon kung hindi naman sila nagpagod, nagpuyat, di ba? Nagpakasipag.

"So, mostly, we ask them kung, ‘Ano ang gusto mo?' Kapag kaya naman ng Focus [Entertainment, Joy's talent management group] at puwedeng ibigay. Honest naman ako sa kanila like this year, ang hirap ng buhay. Kahit ang marketing ng GMA, nakipag-meeting sa akin, ine-explain ko naman sa kanila."

May mga sariling bahay na ba ang members ng SexBomb?

"Sa kanila ‘yan, pundar nila ‘yan. Si Mia [Pangyarihan], nakapagpundar ng lote sa Nueva Ecija. I think, Aira [Bermudez] also, na-improve niya yung property niya sa Tondo. ‘Di ba nga, meron na silang hanggang 4th floor. Maliit lang, pero, makikita mo ang paghihirap nila."

Continue reading below ↓

COMPARED TO EB BABES. Pahayag muna naman ni John Lapus, mahal daw niya ang SexBomb. Although Season 22 na ang Daisy Siyete, marami naman daw ang nakakapansin na mas bata ang mga miyembro ng EB Babes. Nai-insecure ba ang SexBomb sa kanila? What is Joy's reaction as the manager of SexBomb sa pagkukumpara sa mga alaga niya sa EB Babes?

"Ano ba ang right term for that? Siyempre, ang palagi kong sinasabi sa kanila, pagbutihin nila kasi, ang pinakamahirap sa status nila ngayon is maintenance. Kasi, wala ka nang kakapuntahan kapag nasa taas ka na. You have to maintain na kahit mawala ka, kilala ka pa rin.

"Parang si Ate Vi [Vilma Santos], nawala sa showbiz, pero, kilala natin siya. Nandoon yung respect. Ganoon yung sinasabi ko, kaya huwag silang magpapabaya. Every day, every hour, every minute, kailangan bigyan nila ng importansiya ang lahat ng opportunity na ibinibigay sa kanila dahil hindi lahat ng tao, nabibigyan niyan.

Continue reading below ↓

"Kaya ‘yung mga minsan lumalabas na sabi ng kabila ganito ang SB or sabi ng SB, huwag n'yong pansinin ‘yan. Huwag kayong magpapa-provoke."

Close ba ang SexBomb at EB Babes?

"Well, kasi mostly yung mga SexBomb may mga friends din sa EB Babes like si Aira. Actually, hindi ko naman alam lahat ng detalye. Siyempre, as a manager and mother, mas maganda naman talaga na nandoon ang friendship."

Pero mas matanda naman talaga ang Sexbomb kaysa sa EB Babes dahil mas nauna sila, correct?

"Yes, oo..."

Meron na bang ga-graduate, o papalitan ng bago?

"Well, like si Yvette at si Weng, pumunta na sila sa stage na nag-asawa tutal nasa tamang age na naman. Kung gusto pa rin nilang mag-trabaho sa Focus, sa Daisy Siyete, open pa po. Kasi, hindi naman sila nakagawa ng hindi tama."

Pagbibigay impormasyon naman ni Pia, wala pa naman daw away na nangyayari sa dalawang grupo dahil witness siya rito.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Sexbomb Dancers
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SexBomb manager Joy Cancio faced Showbiz Central's "Intriga Crossfire" and answered the issues involving her and her talents.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results