Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Janno Gibbs: "I feel na parang nagiging curse na itong pagiging kagandahang lalaki ko."

by Rose Garcia
Apr 21, 2009
"Alam mo sa umpisa, it's always flaterring for any male celebrity na natsitsismis na may nagkakagusto. Pero after a while, I feel na parang nagiging curse na itong pagiging kagandahang lalaki ko. Parang burden na, e. So, I'm trying my best not to look as good. Medyo nagpapataba ako, pinapalaki ko kunwari ang nose ko," cracked Janno Gibbs in his interview with Mo Twister in Showbiz Central's "Gimme Mo" segment.

Si Janno Gibbs ang naupo sa segment ni Mo Twister na "Gimme Mo" sa Showbiz Central noong Linggo. Ayon kay Mo, nagbiro itong dapat daw, ang segment na yun ay around 4:30 ang pasok, pero, halos ito na ang naging last gap dahil as usual, Janno Gibbs was late.

Hirit naman ni Janno, "Nagmadali na nga ako, hindi na nga ako nakapagsapatos, e."

So, on to Mo's first question to Janno. Meron na nga raw bang problema sa reputation niya si Janno dahil laging nababanggit ang kanyang pagiging late sa commitments?

"I'm not always late. There are times I'm late. Like two out of ten. Not so bad. Siguro lumalaki na rin because I joke about it, and so with my friends. Lumalaki na siya. Nagiging joke na siya. I am, once in a while."

"Has the network, reprimanded you na mawawala na ang show mo for being late?" asked Mo.

Continue reading below ↓

"Napagalitan na ‘ko..."

"How about your co-hosts like si Ogie Alcasid, wala ka sa SOP, siya ang kumakanta ng part mo, was there ever, ‘Pare, sobra na ‘to?'" asked Mo again.

"Actually, mas natutuwa pa nga siya kasi, nasosolo niya yung number. ‘Hey, I have the song to myself," natatawang sagot ni Janno.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mo: "Sinong mas...or was there ever a rivalry between you Ogie Alcasid and Michael V?"

"Well, kahit papaano, kailangan. Kahit papaano, kailangan meron competition. Even though we're all really close friends. Pero in spirit, kailangan may competition pa rin."

Mo asked again, "May hidden insecurity, competition ba kung halimbawa, bumenta yung album ni Ogie, yung sa ‘yo, hindi...was there ever a time na, ‘I have to catch up?'"

"Ako, I think about it this way na kaming tatlo, may kanya-kanyang specialty. Na si Michael V, talagang he writes his own stuff. Si Ogie, he's a great songwriter and singer as well. Ako naman, guwapo. Meron naman na wala sila....may tumututol ba sa inyo? Wala naman pala, e, Ha-ha-ha!" biro pa ni Janno.

Continue reading below ↓

Alyssa, her eldest daughter, is already 20 years old. Mo asked Janno kung sakaling tatakbo ito sa kanya at magsusumbong na naloko ng isang lalaki, what would be Janno's advise to her bilang ama?

"Parang mag-a-apologize ako, ‘no, sorry, ganoon talaga kami? Ha-ha-ha! Hindi, hindi...ako kasi, because I know my daughter na very confident ang pag-iisip, I'm comfortable with her. But just in case, I guess, iko-console ko lang. It's not yung sisiraan mo yung mga guys in general."

"Has she ever come to you broken-hearted or do you know kung na-heart broken na siya?" asked Mo.

"Parang siya yung nagbi-break ng heart sa pagkakaaalam ko, ng mga nagiging boyfriend niya. She's very mature. Confident ako sa kanya."

Mo: "In this business, we're face with a lot of temptation. At this point in your life, do you still get tempted, nate-tempt ka pa ba?"

"Mo, I'm just a man. I'm weak. Sa Tagalog, marupok ako," natatawang biro ni Janno. "Okey lang naman sigurong ma-tempt, pero, hanggang doon na lang. Huwag mo na lang sigurong aksyunan, di ba?"

Continue reading below ↓

"What part of your personality para huwag mong aksyunan?" asked Mo.

"Showbiz Central! Iniisip ko agad, naku, lalabas ‘yan sa Showbiz Central."

"Do you feel na mahirap mag-no, especially sa mga girls na nagpapakita talaga ng intensiyon?" tanong uli ni Mo sa kanya.

"Alam mo sa umpisa, it's always flaterring for any male celebrity na natsitsismis na may nagkakagusto. Pero after a while, I feel na parang nagiging curse na itong pagiging kagandahang lalaki ko. Parang burden na, e. So, I'm trying my best not to look as good. Medyo nagpapataba ako, pinapalaki ko kunwari ang nose ko," cracked Janno.

Janno was asked kung nagsisisi ba ito na maaga itong nakapag-asawa.

"Imposibleng magsisi ako kung makikita ko na lang yung dalawang kids ko, never akong magsisisi. At yung pagsasama namin ni Bing [Loyzaga, his wife], hanggang ngayon, very nice. And it's actually a good thing na maaga akong kinasal.

"Ngayon, parang barkada ko na lang ang kids ko. Nae-enjoy ko pa sila at sila rin, nae-enjoy nila ‘ko."

Continue reading below ↓

Mo: "One of the best photos of you was your picture na naka-clown pero, umiiyak? Are you all behind this funny Janno Gibbs but is a sad clown most of the time?"

"Yes...maybe because you get depressed at times."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo sa umpisa, it's always flaterring for any male celebrity na natsitsismis na may nagkakagusto. Pero after a while, I feel na parang nagiging curse na itong pagiging kagandahang lalaki ko. Parang burden na, e. So, I'm trying my best not to look as good. Medyo nagpapataba ako, pinapalaki ko kunwari ang nose ko," cracked Janno Gibbs in his interview with Mo Twister in Showbiz Central's "Gimme Mo" segment.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results