Angel Locsin talks about her love scene with Sam Milby in Only You


Angel Locsin shared anecdotes about her co-starsSam Milby (right) and Diether Ocampo (left) while they shot Only You inSouth Korea.



Fans of Angel Locsin won't have to wait long to see heragain on television. Her new teleserye Only You is scheduled to air onABS-CBN starting this Monday, April 27, 2009. It will replace the primetime TV seriesI Love Betty La Fea. Angel will be paired with Sam Milby and DietherOcampo in this local version of the Koreanovela Only You.

Aside from these three stars, the show also includes Tirso Cruz III, DimplesRomana, Bing Pimentel, Irma Adlawan, Iya Villania, Candy Pangilinan, DiskIsrael, and Al Tantay under the direction of Rory Quintos.

ABS-CBN provided PEP (Philippine Entertainment Portal) with a transcription ofan interview with Angel immediately after their shooting in Korea, where they shotkey scenes of the teleserye.

Question: Kumusta working relationship with your leadingmen? Unahin na natin si Sam.

Angel: "Si Sam nakatrabaho ko na siya sa MMK [MaalaalaMo Kaya] so kahit papano alam ko na kung paano siya magwork, kung paanoyung ugali niya kasi after nun naguusap-usap kami. Pero dito napatunayan ko asin genuinely nice siya talaga. As in walang halong kaplastikan yung pagigingnice niya. Kaya ko nga laging nasasabing kaya little boy baka mamisinterpret ngiba. Kasi si Sam medyo nagtampo yata sa akin nung sinabihan ko siyang littleboy. Pero ang ibig sabihin ko nun napakatotoo ng mga kilos niya, real,napakafresh ng kilos niya pag mag-aalok siya ng food, pag aalukin niya yung mgagadgets niya, napakatotoo talaga. Ang cute tignan. Pag sinabi kong little boyyun ang ibig ko sabihin hindi dahil immature siya, hindi ganon. Wala kongnakitang ganon. Actually si Sam very responsible."

Question: Inalagaan ka naman niya habang nasa Korea kayo?

Angel: "Oo naman. Actually wala kaming choice kundimag-alaga sa isa't-isa. Yun, kaya nakakatuwa rin na meron kaming shoot sa Koreakasi bonding talaga kami, eh.

"Meron pa ngang isang beses si Iya [Villania]lumabas kami nakawig kami. Buong araw talagang pinanindigan namin. Nakawig kamikahit hiyang-hiya na kami. Kasi siyempre wala namang masyadong Pilipino saKorea. So tara, mag-wig tayo, wala namang makakakilala sa atin. Sakto nung arawna yun, ang dami-daming Filipinos talaga. Nahiya nga kami ni Iya kasi bakasabihin nagwig kami para hindi kami makilala, pero trip-trip lang talaga yun.Pinag-usapan talaga namin gabi pa lang. Binili namin yung wig dun. Siguro as inmorning palang hanggang gabi. Ako may bangs. May picture si Diet. Si Iya namanshort hair. Ang cute parang anime."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Question: Si Diet [inalagaan ka ba]?

Angel: "Nung una siyempre medyo awkward ako kay Dietkasi medyo senior kong artista, eh. Baka hindi ko ito mahirit-hiritan. Kasi siSam nabibiro ko kasi isang taon lang naman gap namin saka naktrabaho ko na rinnaman siya. Pero yun, narealize ko na ang bait pala nitong tao. Pwede siyangmagloko, pero napakaresponsible din, alam mong napakatalinong tao pag kausap moalam mong marami kang matutunan sa kanya.

"As in maloko din siya minsan. Kasi one time may shoot kami sa Myundong, ehmarket yun eh so andami talagang tao na dumadaan. Eh challenge sa amin kasikung ito yung camera nandito kami, punong puno ng tao sa likod namin, kailanganmakita kami ng camera. So ginawa namin ni Diet tumayo kami tapos nagsayaw kamina as in nagwawala kami para lumayo saamin yung tao, para magkaroon kami ng space. Eh nagkataon puro grupo pala ngPilipino yung dumaan sa harap namin tapos bigla silang nagpapicture! So kami niDiet hiyang-hiya kami. Sabi namin, 'Ay naku, nakita tayo ng mga tao nanagwawala tayo baka isipin ganito talaga tayo.' Pero wala ginagawa lang namintrabaho namin. Wala talagang maarte so masaya."

Question: Sa Korea shinoot yung love scene niyo ni Samright?

Angel: "Awkward kasi di ba nasanay kami na kapaggagawa ng love scene medyo patapos na yung storya, eh ito umpisa pa lang meronna," describes Angel. "So kami ni sam dinadaan na lang namin sa biro kasi anglamig-lamig pa nung time na yun tapos nakacomforter lang kami. Buti na lang itoalam namin na nagwowowork lang kaming dalawa so tinanggal namin yung ilangfactor pero meron pa ring kaunti talaga eh, di mo maaalis. Ako ha, di akomakakapgsalita for Sam, pero ako tinatry ko magpaka-pro talaga dun."

Question: Mas nakatulong yung place sa chemistry niyo niSam?

Angel: "Sa lahat. Hindi lang yung mga kilig-kilig.Lahat pati yung mga linya ko na ‘Ang ganda-ganda naman dito!' hindi ko nakailangang i-fake na ang ganda-ganda. Nafi-feel ko talaga siya naaappreciate kosiya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Question: Super lamig daw sa Korea nung pagpunta niyo dun?

Angel: "Oo nga eh. Ayun so yung mga shorts naminhindi namin napakinabangan. Medyo sayang sa costumes, medyo kumambyo kami, nungnagstart yung shoot namin, wala yung stylist namin, hindi pa nakakaalis so alammo yun, kami-kami na lang talaga. Buti na lang andun yung PD [productiondesigner] namin, yung staff all around sila. Nagawan na lang namin ng paraan.

"Nakakatuwa talaga yung eksena natin sa tren, imagine moyung MRT natin dito i-times three mo yung mahabang hagdanan dun saka very steepat hawak namin yung mga century stand [a piece of film equipment], yung mgasand bag...Si Sam bitbit yung box ng camera, kable, ganyan. Nakakatuwa. Infairness ang galing ko magkable. Nagawa ko yun siguro, nagbaklas kami mga 10minutes lang."


Question: Tinuor n'yo daw buong Korea?

Angel: "Halos. Nagpunta pa kami sa mgaprobi-probinsya, yung Nami Island, nagferry ride pa kami. Ang ganda! Actuallyokay din na nakita namin na hindi pa talaga springtime dun. Parang nung medyopauwi na kami dun na nagiiba na, nagiispring na talaga, nagbloom na yung cherryblossoms. Nakakatuwa, ibang-iba talaga ang linis. Ang sarap pumorma!

"Naalala mo pa yung places Itaewon, Fortune, Nami saka isangLake...Pero mas gusto ko yung Nami kasi medyo outdoorsy ako eh. Ang damingpuno, pwede kang magbike. So kami ni Sam habang ginagawa namin yung eksena nanagba-bike kami, yun yung araw na medyo maluwag ako. In fairness naman sa arawna yun medyo maluwag ako. So nagba-bike kami. Medyo paikot-ikot lang kami niSam. Eh yung bike na yun yun yung dalawahan. Ako yung sa likod siya sa harap.So nagba-bike lang kami.

Question: Very panglovers nga daw dun?

Angel: "Actuallysi Diet nagplaplano na siya na dadalhin dun si Rema [Ostwani, his girlfriend]. Bawat lugar, o itong lugarna ito pinagplaplanuhan na niya. Si Diet kasi mahilig yun sa surprises."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN