Diskarte Queen pinakilala na sa "Pinoy Big Brother Season 2"



Ang ambisyon sa buhay ni Jasmin ay maging isang newscaster balang araw. Tulad ni Wendy, si Jasmin ay isang beauty queen—siya ang dating Miss Zamboanga.


Pinakilala na sa taong-bayan ang tinaguriang "diskarte queen" sa katauhan ni Ma. Jasmin Engracia.

Si Jasmin ay isang 22-year-old nursing student sa Mindanao Medical Foundation College sa Davao City. Former Miss Zamboanga beauty pageant winner si Jasmin pero hindi niya nilagay sa ulo ang napanalunang titulo at mas pinili pa rin na magpaka-simple. Hindi rin mahilig mag-makeup ang dalagang ito at mas gustong ipakita ang kanyang natural southern beauty.

Mas kilala bilang "Langging" sa kanyang mga malapit na kaibigan at kapamilya, si Jasmin ay mas reputasyon na "diskarte queen." Maliit pa lamang siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang kaya walang nagawa si Jasmin kundi magtrabaho sa murang edad. Mula sa pagbebenta ng phone cards hanggang sa pagtitinda ng damit, ginawa ni Jasmin ang lahat ng posibleng diskarte sa buhay para tustusan 'di lamang ang kanyang sarili kundi pati na rin ang kanyang pamilya sa Mindanao.

Inamin din ni Jasmin ang paminsan-minsan niyang pagtaya sa sugal dahil ito raw ang alam niyang pinakamabilis na paraan para makapagpadala ng pera sa kanyang nanay sa Ozamis at kapatid sa Zamboanga. Para kay Jasmin, kailangan niyang maglakas-loob at sumugal para umani ng mas malaki-laking swerte sa buhay.

Sa kanyang pagpasok sa Big Brother house, isang task kaagad ang sumalubong kay Jasmin. Kailangan niyang pumasok sa kahit anong kwarto sa loob ng bahay ni Kuya ng hindi nahuhuli ng kahit na sinong housemate. Kung saang kwarto siya makakapasok ay doon din siya magpapalipas ng magdamag.

Makatulong kaya sa kanya ang pagiging "diskarte queen" sa loob ng Big Brother house? Paano pakikitunguhan ng ibang housemates ang kanyang palabang personalidad?

Alamin ang diskarte sa buhay ni Jasmin sa Pinoy Big Brother Season 2 pagkatapos ng Maria Flordeluna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN