Donita Rose hosts a new show called "U-Turn"



"I want a big family sana dahil four kami in the family ‘tapos nag-adopt pa si Mommy ng isa. Pero sabi ng Mommy ko, ‘Donita, if you're a sister to four, masaya. Pero kapag ikaw ang nanay ng apat, mahirap,'" shares Donita Rose.



"Sige, sabihin n'yo na lang magkalaban kami ni Ruffa [Gutierrez-Bektas] ngayon para naman hindi n'yo sabihing boring ang buhay ko!" pagbibiro ni Donita Rose nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng launching ng bago niyang TV show na U-Turn noong March 6.

Hindi ba best friends sila ni Ruffa, bakit sila nag-aaway?

"Loko lang, what I mean, magkalaban ang mga TV shows namin ngayon!" natatawang wika ni Donita. "Pareho kasi kaming may bagong TV show. Ang show ko kasi, mag-i-start sa Saturday, March 17, si Ruffa naman every Tuesday ang show niya sa RPN-9, yung Philippine's Next Top Model.

"Pero iba naman ang show ko. It will deal with real people, shown exactly as they are. There will be absolutely no re-enactments on the show. Each episode will start with a short summary of the subject's life, and will segue to an actual interview with that person.

"Basically, our goal is to inspire young people to set their lives along the right path. Ever since, I had always wanted to do shows that speak of my faith and of how God helps change people's lives for the better—and that is what my new show U-Turn is all about," kuwento pa ni Donita.

Hindi ipinagkaila ni Donita na puno ng intriga ang kanyang buhay, taliwas sa iniisip ng ibang tao na wala siyang gagawing hindi maganda sa buhay niya.

Sa librong This Is My Story, na joint project ng Cityland Foundation, Inc. at OMF Literature, Inc., ay kasama ang kuwento ni Donita na may pamagat na "Shining Like A Star." Ibinahagi rito ng actress-TV host ang buhay niya simula nang pumasok siya sa showbusiness via That's Entertainment hanggang sa iwan niya ito pansamantala at napasama sa maling barkada. That time daw ay naka-sign-up na siya ng contract sa Manila Genesis na pinamamahalaan ni Angeli Pangilinan-Valenciano. Hindi raw sinunod ni Donita ang request ni Angeli na bumalik na siya ng Pilipinas at balikan ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero minsan daw na na-high siya on drugs sa isang party, nakita ni Donita ang isa sa iniinom nila na may label na Red Devil. Pagtingin niya raw sa mga tao sa club, lahat sila, butas ang puso. Ibig sabihin, wala na silang kaluluwa. Hindi raw siya nagha-hallucinate, pero ‘yon ang nagbukas ng isip niya, na ipinakita ng Diyos sa kanya.

Pagkatapos nito ay nagpasya si Donita bumalik ng Pilipinas, pero ang sumalubong sa kanya ay ang Internet scandal kasama ang ilan pang local actresses. Para sa kanya, ‘yon na ang biggest blow sa buhay niya. Ilang araw niya itong iniyakan at humingi siya ng tawad sa Diyos na matagal din niyang nakalimutan.

Sa kabila ng kontrobersiya, nag-180-degree-turn ang career ni Donita. Ang pinakamalaking break niya ay ang pagiging video jock (VJ) sa MTV Singapore.

"And God gave me the second greatest love of my life, my husband Eric [Villarama], and now our child, si JP or Joshua Paul—mga pangalan ng mga kapatid ko na best friends ni Erik," patuloy na kuwento ni Donita.

"JP is now two-and-a-half years old, but he still amazes me. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na nanggaling siya sa akin. He makes me laugh every day, mana siya sa Papa niya na mabiro. Like minsan, inutusan ko yung driver to put something in the car, sabi ni JP, ‘Car ka diyan!' May ilang Tagalog words kasi siyang alam, naririnig siguro niya sa amin.

"We took turn ni Erik sa pag-aalaga kay JP. Kapag may work ako rito [sa Pilipinas], iniiwanan ko muna kay Eric sa Singapore. Ngayon, kasama ko siya dahil may pictorial kami for a parenting magazine," sabi pa ni Donita.

Wala bang offer sa kanya para bumalik siya as VJ sa MTV?

"Actually, they offered me before I got married," sagot niya. "Pero nang mag-offer sila uli, preggy na ako so hindi nag-work. Plus, nandun yung understanding na when you're married, you're not youth-oriented anymore. After I gave birth, they asked me again, pero parang hindi na bagay. Hindi ko na tinanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, dumating ang offer ng GMA-7 to host Mobile Kusina," patuloy niya. "Noong una, okay naman. Kaya lang, habang tumatagal, nahihirapan na akong magpabalik-balik sa Singapore. Minsan, narito ako for a month, then uuwi lang ako ng two days, minsan eight days, and I had to come back agad dahil may hinahabol kaming fiesta or celebration na kailangang doon mag-taping ang Mobile Kusina.

"Kaya sabi ko, kailangang mag-set na ako ng priority ko. I asked God to give me work na tama lang para I can pay the bills and save. At dumating nga itong offer ng UniversiTV ,at ito yung programang gusto ko, parang sagot ni God sa prayers ko.

"Hindi naman mahirap ang trabaho ko and I am enjoying what I'm doing. Nakakaipon na ako at kung masusundan ang baby namin, hindi na ako kailangang humingi pa kay Eric. I want a big family sana dahil four kami in the family ‘tapos nag-adopt pa si Mommy ng isa. Pero sabi ng Mommy ko, ‘Donita, if you're a sister to four, masaya. Pero kapag ikaw ang nanay ng apat, mahirap.'

"I love my husband very much. Pero dumarating yung time na mas binibigyan ko ng time si JP, so hindi ko ma-enjoy ang time para lang kay Eric. Mabuti na lang because Eric is a loving father to JP at naiintindihan niya ako," pangwakas na pahayag ni Donita.

Ang U-Turn ay mapapanood sa free TV Channel 33, Channel 32 on Destiny Cable, and Channel 5 on Sky and Home Cable. May replay ito every Tuesday, 8 to 9 p.m. sa said channels.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN