Basketball Hunk joins "Pinoy Big Brother Season 2"



To mark his debut in Big Brother's House, Bruce was tasked by Big Brother to officiate the basketball league involving the other housemates.


Muling nagbukas ang pintuan ng bahay ni Kuya para sa kanyang 11th housemate na dating manlalaro ng University of the Philippines Fighting Maroons at Philippine Basketball League...si Bruce Angelo Quebral.

Ipinanganak na may kaya ang 25-year-old "basketball hunk" na ito. Tulad ng inaasahan sa isang anak mayaman, pinag-aral si Bruce ng kanyang mga magulang sa exclusive schools, sinakay na mga magagarang sasakyan, may personal driver, uniformed nanny, at lima pang katulong na umaasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Marangya ang pamumuhay ni Bruce hanggang sa dumating ang trahedya sa kanilang pamilya.

Na-diagnose na may cancer ang kanyang ama. Labas-pasok ito sa ospital sa loob ng halos dalawang taon para sa hindi mabilang na gamutan. Parang bagyong dumating ang matataas na hospital bills kaya tuluyang lumubog sa utang ang pamilya ni Bruce. Pero ang lahat ng kanilang sakripisyo ay napunta sa wala nang mamatay ang kanyang ama. Si Bruce ang tumayong bagong padre de pamilya.

Isa pang dagok ang dumating kay Bruce nang kinailangan niyang talikuran ang kanyang pangarap na maging isang professional basketball player. Naglalaro noon si Bruce para sa UP Fighting Maroons nang kunin siya ng isang kopunan sa Philippine Basketball League. Ang buong akala ni Bruce ay 'yon na ang simula ang kanyang professional basketball career pero hindi pa man nangangalahati ang PBL season ay na-injure si Bruce.

Matapos talikuran ng kanyang team, pumasok na lamang si Bruce bilang isang model para mapag-aral ang dalawang kapatid at mapagamot ang inang may sakit.

Ngayon, sa pagpasok ni Bruce sa Pinoy Big Brother, muling niyang bubuhayin ang kanyang 'love for the game' dahil binigyan siya ng task ni Kuya para pamunuan ang basketball league kung saan kasali rin ang iba pang housemates.

"Never say die. Laban kung laban, " yan ang pilosopiya ni Bruce. Magamit kaya niya ito sa pagtira sa bahay ni Kuya? Never say die pa rin kaya ang sabihin niya kapag lumabas pagiging strikto ni Big Brother?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tignan natin ang tibay ng loob ni Bruce at ng iba pang housemates sa mga susunod na araw sa Pinoy Big Brother Season 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN