Cory Aquino undergoes colon surgery today, May 4


Kris Aquino (inset) narrated that her mother, Cory Aquino (main photo), is scheduled to undergo major surgery today to treat her colon cancer.




Nakatakdang sumailalim sa operasyon ngayong araw (May 4) na ito si dating Pangulong Cory Aquino dahil sa kanyang colon cancer. Pero dadaan muna ang dating Pangulo sa mga pagsusuri para masiguro na pwede na siyang operahan.


Malaki naman ang paniniwala ni Sen. Noynoy Aquino na makakayanan ng kanilang ina ang laparascopic lectomy, isang uri ng colon surgery, dahil malakas naman daw ito lalo na nitong mga nakaraang linggo. Sinabi pa ng senador na ang operasyon na ito ay patunay na bumubuti ang lagay ng kanilang ina dahil hindi naman daw ito maaaring operahan kung hindi maayos ang lagay nito.


Last Saturday, May 2, isang misa ang idinaos para kay Mrs. Aquino sa Christ The King parish church sa Greenmeadows, Quezon City, para sa mabilis paggaling ng dating Pangulo. Dumating sa naturang misa si Cory kasama ang kanyang mga anak at apo. Pagkatapos ng misang ginawa ni Father Catalino Arevalo, taus puso ang naging pasasalamat ng dating Pangulo sa lahat ng dumating sa misa at sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa patuloy na pagbuti ng kanyang kalagayan.

At sa The Buzz kahapon, May 3, si Kris Aquino naman ang nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang mommy. Kasama ang The Buzz co-hosts niya na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez sa segment na "P.O.V. (Points, Opinions and Violent Reactions)," ibinahagi rin ni Kris ang kanyang nararamdaman tungkol sa pagdadaanang operasyon ng kanyang ina.

"Thank you very, very much sa lahat po ng mga milyon na patuloy siyang ipinagdarasal. Yun na lang talaga, we want her suffering to end. And sana tomorrow will be the start of that because the past 14 months talaga na nilabanan niya ito, nakita namin ang lahat ng pinagdaanan niya. She really proved how strong she was because never siya nag-complain," wika ni Kris.

Dagdag pa niya, "This mass is really impromtu, I left immediately para magampanan natin ang trabaho natin. Pero naramdaman ko doon talaga yung...the gratitude na nararamdaman ng mom ko sa lahat ng mga tao na patuloy siyang ipinagdarasal. Alam ko na...I'm sure also na kinakabahan siya kasi di ba it's a major operation. Siguro ano lang, sana po tuluy-tuloy n'yo siyang ipagdasal na makayanan niya ito, gumaling siya nang husto. And sana matapos na talaga yung lahat ng paghihirap niya."

Ayon pa kay Kris, siya ang nakatokang magbantay sa kanyang mommy since last night.

"Kasi nag-usap kaming magkakapatid, inako ko yung tonight. I'll be with her tonight after The Buzz. The surgery is supposed to be tomorrow but they'll update me. Hinihintay namin... tsine-check ng doktor na kailangan dapat siguradong okay ang dugo mo, okay ang breathing mo, lahat yun. So, bukas until mag-SNN [Showbiz News Ngayon] ang toka ko para sa mom ko. Tapos my other sister will take over, ganun."

Sabi ni Boy, malaki ang paniniwala niya na malaki ang naitulong ng power of prayers sa pagbuti ng lagay ni Mrs. Aquino. Sinang-ayunan naman ito ni Kris.

"I think she said it so well, kasi last March last year, she knew how bad it was. Nakita niya kung gaano nabahala yung mga doktor. And she said she was ready. But then you know, with the grace of God, after 14 months na hinigitan nito yung initial na sinabing life span na ie-expect namin. Talagang bilib ako na kinaya ng mom ko and bilib ako sa care na ibinigay sa kanya ng lahat ng mga doktor. Tama ka Boy, e, sa milyong-milyong Pilipino na ipinagdasal siya at patuloy siyang ipinagdarasal, yun siguro kaya siya nabibigyan ng lakas. At siguro dahil na rin sa pagdarasal na iyon hindi siya sumuko. Hindi siya nag-self pity ever. Kasi naramdaman niya na so many people love her," salaysay pa ni Kris.

Naitanong naman ni Ruffa kay Kris kung ang buong pamilya ba ay pupunta sa hospital?

"Ako, si Noynoy, yung isang sister ko pa, but of course the whole family will be there. But you know, eto yung... naiyak talaga ako yesterday [sa misa] nang nagte-thank you ang mom ko kasi sinabi niya na she never wanted to go abroad kasi alam niya how it would disrupt our lives. And she said na... I guess she was thinking of me and Noy, in particular kasi kaming yung pinaka-busy. Sabi niya, ayokong magulo yung buhay ng mga anak ko. Parang sabi ko, we would drop anything and everything naman talaga to be there. Kaya lang siguro yung operation time and the night before, ako talaga yung bantay. Ako kasi yung pinakasanay sa ospital. Sa dami na kasi ng pinagdaanan ko sa mga ospital, ako yung sanay, hindi natatakot, hindi napapraning, kaya ako yung nagsabi na sige ako na," madamdaming pahayag ni Kris.

Muli namang inulit ni Boy ang tungkol sa sinabi ni Sen. Noynoy na hindi naman pagdadaanan ni Mrs. Aquino ang operasyon kung hindi nito kaya.

"She was ready. Yung hemoglobin count niya ay nasa good level kaya pwedeng gawin," sabi pa ni Kris.

Ipinagpapasalamat din ni Kris na maraming doktor ang gusto tumulong sa kanila para sa paggaling ni Mrs. Aquino.

"And ano siguro... we have been so blessed kasi so many doctors really reached out to offer their services, to help and all. We've been blessed with people that want my mom better. Maraming salamat po."

Na-touch naman si Boy sa kagustuhan ng dating Pangulo na manatili sa Pilipinas kahit na nga may kakayahan naman itong magpagamot sa ibang bansa.

"Well Boy, ano also, kanya-kanya iyan, e. Kasi ang dad [Ninoy Aquino] ko naman nabuhay dahil binigyan ng bypass surgery sa Amerika. Pero yung sa mom ko siguro, whatever happens to her, siguro she's thinking the worst. Kung may mangyari man sa kanya, gusto niya nandito siya," reaksyon naman ni Kris sa sinabi ni Boy.


Sabi pa ni Kris, "And kaya siguro ine-extend ang buhay niya kasi nga collectively lahat ng Pinoy ipinagdarasal siya. So, thank you very, very much po. I speak on behalf of our entire family na maraming, maraming, maraming salamat po sa pagmamahal, sa pagdarasal. And I will update you kasi alam ng mom ko na responsibilidad din namin na ipaalam sa inyo kung ano ang mga nangyayari. So, by tomorrow, I'm really praying na I have good news on air sa SNN. So, please pray with us. Maraming salamat po."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN