Carmina Villaroel and Jodi Sta. Maria topbill Mother's Day episode of MMK


Carmina Villaroel (left) and Jodi Sta. Maria (right) are both mothers fighting for their children in the May 9 episode of Maalaala Mo Kaya.




Isang touching at dramatic episode na naman ang mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, May 9, in celebration of Mother's Day.

Starring real-life mothers Carmina Villaroel and Jodi Sta Maria, this weekend's episode will surely be memorable for mothers from all walks of life.

Bibigyang buhay ni Jodi si Aimee at si Carmina naman si Judith, dalawang ina na nagkrus ang landas sa gitna ng kahirapan at suliranin na hinaharap nila. Sa paghahanap ng solusyon para sa kaligtasan ng kani-kanilang mga anak na parehong namimiligro ang buhay, makita pa kaya nila ang kabutihan sa bawat isa at sa paligid nila?

Lahat ng mga ina at mga anak ay siguradong makakarelate sa kwentong ito, na idinirehe ni Nuel Naval at isinulat ni Ruel Montanez. Lumulutang din ang galing nina Carmina and Jodi na ngayon lang nakapagtrabaho together sa isang dramatic vehicle.

Jodi has been one of MMK's prized talents and now binibigyang buhay muli niya ang isa na namang character na magpapakita ng kanyang versatility bilang aktres.

This also marks Carmina's comeback to MMK. Huli siyang umarte para sa ABS-CBN drama anthology show seven years ago.

Abangan ang MMK episode na ito ngayong Sabado sa ABS-CBN pagkatapos ng The Singing Bee.


Ang host ng MMK ay si Charo Santos-Concio.


Maalaala Mo Kaya (May 9, 2009)

Director: Nuel Naval

Writer: Ruel MontaƱez

Cast:

Judith - Carmina Villaroel

Aimee - Jodi Sta. Maria

Jaime - Eric Fructouso (Aimee's husband)

Ruel - Yul Servo (Judith's husband)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN