Kuya's Lovable Sweetheart is greeted by a Hawaiian luau



The Cebuana actress-beauty queen teaches the other housemates to do the Hawaiian dance.


Isang exciting luau night ang naganap sa bahay ni Kuya kasabay ng pagpasok ng 12th Pinoy Big Brother housemate na si Dionne.

Si Dionne Dennia Monsanto ay isang multiple beauty title holder. Sa edad na 21 years old ay maraming beses nang nanalo si Dionne sa mga beauty contests sa Cebu. Ang mga beauty titles na ito ang naging susi ni Dionne para maging isang commercial model sa magazine at telebisyon. Lalong umangat ang local celebrity status ni Dionne nang maging video jockey at host siya sa ilang TV shows sa Cebu. Kinuha na rin siyang artista sa isang local TV series sa Queen City of the South.

Sa halip na mawili si Dionne sa kaliwa't-kanang offer sa pag-arte at pagmomodelo, mas pinili ng dalaga na iwanan ang lahat ng ito para matutukan ang kanyang pag-aaral. Nag-volunteer din siya sa ilang charitable works tulad ng feeding programs for children. Dito nakita ni Dionne ang kanyang purpose sa buhay-ang tumulong sa mga higit na nangangailangan.

Isang malambing at lovable na anak si Dionne. Iba man ang kanyang ama sa tatay ng kanyang mga kapatid ay hindi naging hadlang ito para mag-iba ang turing nila sa isa't-isa. Namulat si Dionne sa kahirapan mula nang iwan sila ng kanyang tunay na ama. Mula noon ay hindi maalis sa kanyang isipan ang mukha ng kanyang inang umiiyak kaharap ang mga bayarin sa araw-araw.

Sa kabila ng mga malulungkot na yugto sa kanyang buhay, isang magandang ngiti ang baon ni Dionne kagabi sa pagpasok niya sa Big Brother house. Agad siyang nagpakita ng eagerness na maging bagong miyembro ng lumalaking pamilya ni Kuya sa pamamagitan nang pagtuturo sa mga housemates ng isang Hawaiian dance. Kitang-kita naman sa mukha ng ibang housemates na mas interesado silang makilala ang bago nilang makakasama sa bahay ni Kuya kesa sa magsayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makuha kaya ni Dionne ang loob ng mga housemates gamit ang kanyang lovable personality? Charming nga kaya ang personalidad ng Visayan beauty na ito o may tinatagong iba pang ugali so loob ng magandang ngiti? Yan ang dapat ninyong abangan sa Pinoy Big Brother Season 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN