Boys over Flowers starts airing on ABS-CBN, May 11


Boys Over Flowers, the Korean version of Meteor Garden, will start airing on May 11, 2009. According to the head of ABS-CBN Programs Acquisition, the Kapamilya Network might make a Philippine version of this popular show in the future.



Kahapon, May 8, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay nasaksihan ng PEP ang matagumpay na special screening na ginawa ng Kapamilya Network para sa kanilang pinakabagong Koreanovelang kakikiligan at kahuhumalingan ng sambayanan, ang Boys Over Flowers. Mapapanood ito sa Primetime Bida ng ABS-CBN simula sa Lunes, May 11.

Talaga namang hindi magkamayaw sa tilian ang mga fans na kasama ng invited entertainment press sa special screening. Lalo silang kinikilig tuwing ipakikita sa big screen ang apat na bidang lalaki sa Boys Over Flowers o kung tawagin ay Korean F4. Kahanga-hanga rin ang mga fans dahil hindi pa man ipinapalabas ang naturang serye sa Pilipinas ay marami na silang alam tungkol dito pati na rin sa personal na buhay at career ng Korean F4.

Bago kasi ang special screening ay nagkaroon muna ng trivia game at talagang lahat ng fans ay nagkakagulo sa pagsagot sa mga trivia questions ni DJ Laila. Nang magsimula ang screening ay naghiyawan na ang mga fans habang isa-isang ipinakilala ang Korean F4 sa OBB (opening billboard). Natawa naman ang lahat sa mga comedy scenes ng bidang babae at kinilig sa mga eksena nito kasama ang dalawang members ng F4. Masaya namang lumabas ng Dolphy Theater ang lahat after ng screening at kitang-kitang nag-enjoy ang mga fans na nagpakuha pa ng mga pictures kasama ang mga dubbers o nagbigay ng boses sa mga characters sa Boys Over Flowers.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga dubbers ng limang pangunahing tauhan sa Boys Over Flowers at lahat sila ay masaya sa pagkakapili sa kanila para bigyan ng boses in Tagalog ang mga bida ng naturang Koreanovela. Excited na sila na maipalabas na ito dito sa Pilipinas. Sila ay sina Owen Caling bilang boses ni Geum Jan Di, AJ Constantino bilang Goo Jun Pyo, ang komedyanteng si Jeffrey Tam bilang Yoon Ji Hoo, Kiwi Soriano bilang So Yi Jeong, at ang dating Goin Bulilit star na ngayon ay binata na si Alfred Labatos as Song Woo Bin.

Masayang-masaya rin si Ms. Leng Raymundo, head ng ABS-CBN Programs Acquisition (ang namamahala sa pagkuha at pagbili ng shows sa abroad), dahil sa magandang turn out at magandang reception ng mga fans sa naganap na special screening ng Boys Over Flowers.

"It feels good. It was all worth the challenges we had to go through to finalize everything. I feel very good and I still feel very positive about it," pahayag ni Ms. Leng sa PEP.

Nahirapan ba sila sa pagkuha ng rights na ipalabas sa Pilipinas ang Boys Over Flowers?

"I was confident na makukuha ito ng ABS-CBN. And it was good they decided to give it to us."

Nauuso ngayon sa ABS-CBN ang paggawa ng Pinoy version ng mga Koreanovela like My Girl, Only You at Lovers In Paris, posible kayang gawan din ng ABS-CBN ng Pinoy version ang Boys Over Flowers o ang Meteor Garden?

"We're hoping to do that when the time comes. It's a very good material as you can see. Wherever it was remake, it was turn into a hit, a phenomenal hit in all the countries. It was a hit in Taiwan and all over Asia, the Meteor Garden. The Japanese version was also something else. And then the Korean version, nakita mo naman ang dami-daming nag-aabang na," masayang sabi pa ni Ms. Leng.


BOYS OVER FLOWERS. Hango sa sikat na Japanese manga na Hana Yori Dango, ang naturang Korean remake ay kinatatampukan ng pinakamaiinit na Asian superstars ngayon na sina Koo Hye Sun, Lee Min Ho, Kim Hyun Joong, Kim Bum at Kim Joon.

Ito ang pinakamalaki at pinaka-engrandeng serye na ginawa sa Korea na shinoot pa sa mga lugar tulad ng New Caledonia at Macau.

Nauna na itong ni-remake sa Taiwan bilang drama series na Meteor Garden, na pinagbidahan ng phenomenal boyband na F4 na sina Jerry Yan, Vic Zhou, Ken Chu at Vanness Wu, kasama rin ang bidang babae na si Barbie Hsu. Ipinilabas din ito sa ABS-CBN at nananatiling bilang isa sa pinakamatagumpay na Taiwanese series na ipinalabas sa Philippine television.


SYNOPSIS. Ang Boys Over Flowers ay kuwento ni Geum Jan Di, isang ordinaryong babae na biglang magbabago ang simpleng pamumuhay matapos makatanggap ng scholarship sa prestihiyosong Shin Hwa College. Dito makikilala niya ang grupong kung tawagin ay F4 (Flower 4) na kinabibilangan ng pinakamayaman at pinakakinatatakutang mga kalalakihan sa buong campus. Sila ay sina Goo Jun Pyo, Yoon Ji Hoo, So Yi Jeong, at Song Woo Bin.

Dahil sa ayaw paapi at likas na matapang at palaban, makakabangga ni Jan Di si Jun Pyo, ang lider ng F4, na matapos niyang ipakiya, ay maghihiganti sa pamamagitan ng pagsira ng buhay ng dalaga sa Shin Hwa. Buti na lamang at nandiyan para sagipin siya ni Jin Hoo, ang tahimik at misteryosong miyembro ng F4.

Mapapalapit ang dalawa at mahuhulog ang loob ni Jin Hoo kay Jan Di. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na nabibighani na rin ang kaibigang si Jun Pyo sa nakakatuwa at kakaibang personalidad ng dalaga.

Ano na ang gagawin ni Jan Di ngayong ang dalawang kilabot ng campus ay in-love pala sa kanya? Sino ang pipiliin niya?

Sundan ang nakakakilig na kuwentong minsan n'yo na ring minahal at tinangkilik ngayong Lunes, May 11, sa pagsisimula ng Boys Over Flowers, pagkatapos ng Tayong Dalawa sa ABS-CBN Primetime Bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN