TV5 launches second Live Caravan


Celebrities graced the program of the TV5 Live Caravan held at the SM Mall of Asia last May 1, 2009.



Successful at talaga namang dinumog ng libu-libong mga tao ang second installment ng TV5 Live Caravan na ginanap noong May 1 sa SM Mall of Asia Music Hall. Buong araw humataw ang TV5 Caravan with more than 12,000 attendees na nagbabad at nag-enjoy sa iba't ibang program booths, games, variety shows at kung anu-ano pa kasama ang mga TV5 celebrities.

Regalo ng TV5 ang event na ito sa mga Pinoy televiewers para mas mapalapit pa ang istasyon sa audiences nito. Ayon nga kay TV5 Senior VP for Brand Management na si Jasper Evangelista, "The objective of the TV5 Live Caravan is to promote TV5 shows, for the viewers to really experience it. Gusto naming dama talaga ng audience, and we have planned for TV5 stars to roam the venue and entertain the people via stage performances. Para na rin to fulfill our promise na ibigay sa televiewers yung malaking pasasalamat ng TV5 for consistently pushing us up in the ratings game."

Bilang summer thanksgiving party, tadtad ang TV5 Caravan ng activities na perfect para sa buong pamilya at para sa mga professionals na naglamyerda noong labor day at nagbabad sa event. Enjoy naman ang mga kids sa mga pambatang booth at syempre sa favorite Sesame Street characters nilang sina Cookie Monster at Elmo na nakipaglaro sa lahat.

Para naman sa mga nag-day-off sa trabaho, patok na patok ang makeover booth na pakana ng Everybody Hapi kung saan talagang kayod ang pagpapaganda care of Skinfood. Sandamakmak na Philips gadgets naman ang ipinamudmod sa pa-raffle ng Who Wants to be a Millionaire booth, glitter tattoo booth ng Juicy, at ang mga arcade ng Worlds of Fun na talagang gamit na gamit sa booths ng Shall We Dance, Midnight DJ at iba pa. At siyempre, dahil sabi nga live experience ang hatid ng TV5 Caravan, nag-live taping ang Juicy! hosted by Alex Gonzaga and IC Mendoza, kung saan guests sina Polo Ravales at Pauleen Luna.

Daan-daang talento naman ang na-witness sa actual on stage auditions ng top-rating show na Talentadong Pinoy, hosted on-air by Ryan Agoncillo.

Nang magsidatingan na ang TV5 celebrities at naki-party na on stage, nagkagulo na ang mga tao lalo na sa song and dance number ng Lokomoko High, Lipgloss barkada, Everybody Hapi star Roxanne Guinoo, Oyo Sotto kasama ang Midnight DJ team niyang sina Desiree Del Valle at Joaqui Tupas, Ogags host Arianna Barouk, at Regine Tolentino for Shall We Dance.

Buong araw namang may hourly live coverage ang TAKE 5, hosted by Mikee Lee and Cara Eriguel. Pero syempre pa, nag-rock ‘n roll ang lahat nang mag-perform na ang Moonstar 88 at Parokya ni Edgar, na talaga namang umugong ang rakrakan sa buong venue.

Todo enjoy talaga ang lahat ng naki-shake it sa tag-init last May 1, pero pangalawa pa lang iyan sa marami pang TV5 Live Caravan na naka-sked na lumarga ngayong taon. Maraming-marami pang susunod na pakulo at pakalog ang TV5 kaya abangan ang iba pang nakaka-shake na happenings to come.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN