Secret housemates nasa loob na ng Big Brother house



Sina (L-R, clockwise) Bodie Cruz, Jeremy Legaspi, Mikah Dizon, at Maricris Dizon at ay ang apat na secret housemates na nagtatago ngayon sa Big Brother house.


Panibagong "twist" ang gumulat sa mga manonood ng Pinoy Big Brother Season 2 noong Sabado ng gabi nang papasukin ni Kuya ang kanyang apat na secret housemates sa secret garden ng bahay niya.

Inalalayan ng mga hosts na sina Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, at Jason Gainza ang apat na housemates na naka-piring ang mga mata papasok sa mabuhanging garden ni Kuya.

Ang mga secret housemates ay kinabibilangan nina Jeremy Legaspi, Maricris Dizon, Mikah Dizon, at Bodie Cruz na pawang pumasok sa bahay ni Kuya na walang dalang damit, tubig, pagkain, at personal na gamit.

Si Jeremy Legaspi ay isang 20-year-old anime enthusiast na nag-aral sa Japan Animation Manga College. Nine years old siya nang manirahan sa Japan kasama ang kanyang Filipina mother at Japanese step-father. Kahit namulat sa bansang Hapon si Jeremy, 100% Pinoy pa rin daw ang big anime fan na ito.

Isa pang secret housemate na lumaking malayo sa Pilipinas ay ang 26-year-old na si Maricris Dizon. Kahit domestic helper ang kanyang ina at messenger naman ang kanyang ama, masayang namumuhay ang pamilya ni Maricris sa Italy at hindi kailanman nakaranas ng diskriminasyon doon.

Kasunod ni Maricris na pumasok sa secret garden ni Kuya ang "kikay girl" na si Mikah Dizon. Fresh from Baguio ang 20-year-old girl na ito na madalas nililingon ng mga lalaki dahil sa kanyang unique endowments.

Huling pumasok sa secret garden ang self-confessed PBB fan na si Bodie Cruz. Kahit anak ng beteranong aktor na si Tirso Cruz III, hindi raw ginawang stepping stone ng binata ang kanyang estado para makuha ang kanyang mga ninanais. Sa katunayan, nagtiis sa mahabang pila ng audition si Bodie para makasali sa matagal nang tinatangkilik na programa.

Nang sabay-sabay na tanggalin ng mga secret housemates ang kanilang mga piring, nakita nila ang dalawang papag na kanilang hihigaan sa secret garden ni Kuya, isang lamesa, at isang kwadradong kahoy na may arinola sa loob sakaling tawagin sila ng kalikasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang kinikilala ng secret housemates ang isa't-isa, pinatawag naman ni Big Brother sina Ezekiel at Dionne para ibigay ang isang delikadong task, ang pangalagaan ang mga secret housemates at ibigay ang kanilang mga pangangailangan nang hindi nahuhuli ng iba.

Kung magtatagumpay sina Zeke at Dionne sa task na ito, maliligtas sila sa darating na nomination night pero kung mabubuko naman ang dalawa ay automatically nominated sila for expulsion!

Samantala, kung sino man sa mga secret housemates ang mahuhuli ng ibang mga housemates sa loob ng bahay ni Kuya, ay automatic na ma-e-expel ito mula sa Big Brother House.

Hangggang Wednesday, March 14, lamang ang pagtatagong ito ng mga secret housemates. Magtagumpay kaya sila sa kanilang misyon? Mabuking kaya ng mga housemates sina Dionne at Zeke na kumukupit ng mga pagkain at inumin papunta sa secret garden? Tutukan ang lahat ng 'yan sa second season ng Pinoy Big Brother.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN