Polo Ravales hopes Bianca Paz is the last woman in his life


Polo Ravales hopes that 2009 Binibining Pilipinas contestant na si Paula Bianca Paz will be the last woman in his life.



"You Lie, I Buy," ang bagong pakulo ng Digital Don't Lie To Me segment ni John Lapus sa Showbiz Central noong Linggo, May 17. Sa bawat lie na sagot ng actor na si Polo Ravales, may pagkakataong mag-bid ang mga fans para sa personal na gamit ng aktor na gusto niyang ibenta.

Sa unang tanong ni Sweet kay Polo, totoo raw ba na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapansinan ng kanyang ex-girlfriend na si Jean Garcia? Totoo raw ba ang usap-usapan na siya ang may kasalanan kaya sila naghiwalay?

"No," ang mabilis na sagot ni ni Polo kahit hindi pa tapos magtanong si Sweet. At ang resulta nga ng lie-detector test ay truth.

Pero hindi naman natin sinasabing si Jean ang may kasalanan?

"Yes, yes...siguro sa lahat naman ng relasyon, palaging dalawa yung may kasalanan."

Bakit nga ba kayo nag-break ni Jean?

"Siguro differences at may mga hindi napagkakasunduan."

Walang third party? "Wala...wala," tanggi ni Polo.

Sa next question, naupo na rito si Krissa Mae at tinanong naman siya tungkol sa isyu sa inyong dalawa. Ikaw ba, ready ka ng makipagbati kay Krissa Mae kahit sa kabila pa ng mga bagay na sinabi niya?

"Yes" ang sagot ni Polo at ang result ng lie-detector test ay truth pa rin."

Nagkasalubungan na ba kayo?

"Well, not yet, not yet...yung last na nagkita kami, sa taping pa ng Gagambino."

So, ano ba talaga ang nangyari noon, totoo bang may mga alahas na involved?

"Actually, wala...wala talaga. Mahirap ng magsalita. Ayoko ng pahabain yun. Basta, hindi nanghihiram ang mommy ko ng alahas at hindi niya kailangang manghiram."

Pero totoo ba na sinabihan niya ng I love you si Krissa Mae?

"As a friend...as a friend."

Lahat ng naka-relasyon niya ay nauuwi sa break-up. At kadalasan daw, feeling ng mga ex-girlfriends niya, sila ay nagamit. May katotohanan nga ba na ginagamit niya lang ang mga naka-relasyon?

"No," ang sagot ni Polo at ang result ay lie.

"Unang-una, wala naman akong rason para manggamit. Siguro, hindi lang talaga nagkakasunod. Yun..."

Halos lahat ba ng ex niya ay kaibigan na rin niya?

"Oo...kaibigan ko naman si Sunshine [Dizon], si Alessandra de Rossi. Si Ara [Mina], kaibigan ko na rin."

Nag-break kayo kamakailan lang ng 2009 Binibining Pilipinas contestant na si Paula Bianca Paz. Pero recently, nagkabalikan kayo. Ang tanong: this time around, masasabi mo ba na ibibigay mo na ang iyong best.

Kayo na ba talaga ni Bianca, wala ng break?

"Sana," ang sagot ni Polo which means yes and the result is a truth.

Paano kayo nagkabalikan?

"We talked...we talked about things. Dapat ganoon naman talaga, di ba? Kaya lang naman kayo naghihiwalay ng kapartner ko kapag hindi na kayo nagkakausap ng maayos or isa sa inyo, ayaw ng makipag-usap.

"And it so happened na pareho naman kaming willing na makipag-usap sa isa't-isa."

Palagay mo ba, siya na ang huling babae sa buhay mo?

"Sana...sana siya na nga, ‘di ba?"

At dahil isa lang daw ang lie ni Polo, si Sweet na ang nagpa-bid ng kanyang personal item. At may one week raw puwedeng mag-bid para sa mamahaling belt ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN