Dennis Trillo says he matured when son Calix came into his life


"Nagbago talaga yung pananaw ko...Kapag may free time ako,imbis na spend ko siya with friends, spend ko na lang with Calix,nagba-bond kami. So, nag-mature talaga sa mga prinsipyo sa buhay," says Dennis Trillo about being a father to his son with Carlene Aguilar.



Ang birthday boy na si Dennis Trillo ang sumalang sa Intriga Crossfire ng Showbiz Central noong Linggo, May 17. Hindi nga lingid sa karamihan na may ilang linggo rin na nagpahinga ang actor dahil sa recent knee surgery na ginawa sa kanya.

Ang tungkol nga rito ang unang itinanong ni Pia Guanio sa aktor.

"Okay na naman siya," sabi ni Dennis. "Na-operahan ako last April 1 and medyo mabilis yung recovery kasi, bago rin ako operahan, nag-pre-operation therapy ako kaya siguro mabilis. Ngayon, nakakabalik na ako sa mga dati kong activities like mountain biking at nakakapag-gym na rin ako. Nakakatakbo na rin ako pero hindi pa yung sprint talaga."

Ayon kay Pia, bago raw ang knee surgery ni Dennis, nakausap nila si Carlene Aguilar at nagsabi itong dadalawin si Dennis once he get out of the hospital. Pero, ang totoo naman daw, hindi naman daw yata siya nabisita ni Carlene?

"Well, ang totoo n'yan kasi, noong operahan ako, yung procedure na ginawa sa akin, out-patient lang ako sa hospital. Inoperahan ako ng umaga, kaya after nun, nakalabas ako mga hapon. Kinabukasan na lang niya ko binisita at home, kasama niya si Calix."

Ayon kay DJ Mo Twister, alam daw niyang ang favorite music talaga ni Dennis ay heavy metal na hardcore talaga. Napi-pressure raw ba ang actor minsan, halimbawa sa SOP, not really hard rock?

"Noong umpisa oo...medyo nakaka-frustrate talaga kasi, kumbaga, hindi yun ang kinalakihan kong music. Hindi yun ang nasa puso ko talaga. Pero lately, nakakapag-suggest na rin ako ng mga gusto kong kantahin. Tinatanong na rin nila ko, o, ano ba ang gusto mong kantahin?

"Tapos, nagsa-suggest ako kaya mas masaya na ko ngayon."

If ever, maglalabas ba siya ng album na super heavy talaga, yung rakrakan?

"Hindi ko alam...siguro, if ever, maglalagay ako ng isang hidden track dun na hindi kasama sa track list, tapos hidden song."

Follow-up naman ni Pia, paano na raw ba ang drumming career ni Dennis?

Ngayon, hindi na ako masyadong nakaka-drum. Rock band na lang sa video games," natatawa niyang sabi. "Ngayon, plano kong dalhin sa condo yung drum set ko, may mga kaibigan na ako sa SOP na gusto nila, maka-jamming, so baka balik ko yung pagda-drumming ko talaga."

Ang tanong naman ni Rufa Mae Quinto kay Dennis, now that he's a father, ano raw ang nakita niyang pagbabago rito sa scale na 1-10 sa buhay niya at sa lifestyle?

"Ako, naniniwalang wala namang perfect na bagay, di ba? Nakikita ko yung anak ko, pero, hindi ganoon kadalas. Pero ngayon, kapag may free time ako, sinisiguro ko na makita ko siya.

"Siguro ang importante, kahit hindi naman kami madalas magkita, pero, yung kapag nagkita kami, naipapakita ko sa kanya kung gaano ko kasaya, kung gaano ako ka-excited na makita ko siya. And importante yung bawat special moment sa buhay niya, nandoon ako."

Ano yung feeling mo na meron ka ng anak?

"Nagbago talaga yung pananaw ko. Nagbago yung mga prinsipyo ko sa buhay. Hindi naman talaga ko gumigimik. Pero kapag may free time ako, imbis na spend ko siya with friends, spend ko na lang with Calix, nagba-bond kami. So, nag-mature talaga sa mga prinsipyo sa buhay.

"Siyempre, gusto ko rin maging magandang example sa kanya as early as now, gusto kong makita niya yun at maramdaman niya yun."

Aminado si John Lapus na crush niyang talaga si Dennis. In fact, si Dennis lang daw noong araw ang binigyan niya ng cellphone number niya, pero hindi naman daw siya tinext ng actor.

So, ang tanong nito, sa buong buhay raw ba ng actor, may natanggap na itong indecent proposal mula sa bading?

"Sa totoo lang, wala pa..."

Kasi, may pagka-suplado ka rin?

"Parang ganoon yung image na napo-project ko, pero, hindi ko sinasadya. Kaya nami-misinterpret ng mga tao na masungit. Pero yung totoo, tahimik lang talaga ko. Hindi ako masyadong sociable noon, pero ngayon, medyo nade-develop ko na rin ang social skills ko. Siguro natatakot silang lumapit sa akin dahil baka iniisip nila, sapakin ko sila," natatawa niyang sabi.

Tanong naman ni Rufa Mae, ano naman daw ang napi-feel ni Dennis sa very open si Sweet sa admiration niya?

"Siyempre ano, kahit sinong tao naman na magpapahayag sa ‘yo ng totoong nararamdaman niya, nakaka-flatter talaga."

Bakit hindi raw niya tinawagan si Sweet?

"Noong time na yun, ilang beses akong nagpalit ng telepono. Pero ngayon, nagte-text na kami."

Sa huli, nag-promote si Dennis ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Adik Sa ‘Yo. Kasama niya sa cast sina Jennica Garcia, Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang magbabalik ng romantic comedy gabi-gabi sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN