Jericho Rosales wants to be a Hollywood star ten years from now


During the Tough Ten segment of The Buzz last May 24, Jericho Rosales said that he dreams of starring in a Hollywood film. He also advised his son Santino to watch YouTube to see his past mistakes.



Si Boy Abunda ang humarap kay Jericho Rosales sa May 24 episode ng The Buzz. Pinuri ng TV host si Echo dahil muli itong pumayag na sumalang sa Tough Ten segment ng naturang ABS-CBN showbiz talk show. Lumabas noong December 2008 si Echo sa parehong segment ng The Buzz.


Tough Question No. 10: 12 years in the business. Bilang isang actor, pagdating ng 20 years muna, ano ang sana'y nagawa mo na at nagampanan mo?

"Okay, bilang isang actor, siguro naman lahat sa atin, pangarap na makalabas, maging international. Hopefully, 10 years from now or 8 years from now, may Hollywood project na ko. And then, being a celebrity, for the next few years, continue to inspire people and be of someone...I wanna have a strong and beautiful family like the Valencianos."


Tough Question No. 9: Sa tatlong yugto ng buhay mo, bilang tindero ng isda sa palengke, bilang ama, at bilang artista, ano ang pinaka-mahirap na karanasan sa tatlong yugtong ito?

"Siyempre, mahirap yung...wala namang madaling trabaho. Pero yung feeling mo, limited ka sa isang lugar. Insecurities. Feeling mo, mabantot ka palagi, everyday. Amoy hasang at isda ka, minsan may natitira pa kong hasang sa mukha. ‘Yun lang ang mahirap, yung insecurities, nilalabanan mo."

Bilang isang ama?

"I wanna tell them first na there's nothing wrong to be a fish vendor, saludo ako run. Being a father, one thing is, you know, I'm really proud of my son and I really love him. Pero, itong moment na ito ang isa sa pinaka-mahirap because as much as I wanna say how much I love him, I really promised myself that I will keep him talaga in private. Kasi gusto ko siyang ingatan, ayoko siyang isama sa public but I love him so much."

Bilang artista?

"Big decision! Decision about projects na kailangan kong gawin. Mga taong kailangan kong masakasama, ‘di ba? Yung mga bagay na labag sa loob mo, pero, kailangan mong gawin. Paano babalansehin na ito ang mga bagay na paniniwala mo, pero, kailangan mong gawin. It's a very thin line. You know, siyempre, nandiyan ang pressure, what a good project and then, you said no, ang hirap i-explain sa kanila."


Tough Question No. 8: When was the last time na humalakhak ka na kasama si Karylle?

"That's easy! Naks! I mean, everytime na nagkikita kami, palagi akong nagka-crack ng jokes and you know, thank God na natatawa naman sila. The last time, was sa workshop, just a couple of days ago."

Were you holding hands? "Not yet..."


Tough Question No. 7: Hypothetical ang tanong na ito. Sa isang iglap, biglang nasangkot at pangalan ng karelasyon mo sa isang video scandal. Ano ang unang itatanong mo sa kanya?

"Of course, everyone has a...may iba't-ibang tao. That would be painful. I don't think anyone can bear it alone. I'm sure, that's the kind of pain that if it's...was something in the past, yes, pain will be there, but we all should know that we should not dwell in the past because past is past."

What would you ask?

"I would ask, maybe, of course, ako lang po ito ha, I will still ask, how are you? Even if it's impossible, I will ask, how can I help you in this kind of situation? Do you still love the person? It's painful but you will still gonna think with the people involve, the family, everyone, ‘di ba? So, for me lang, if it's hypothetical anyway, this is the great chance for forgiveness to come in."


Tough Question No. 6: Cindy Kurleto, Heart Evangelista, Kristine Hermosa...kung bibigyan ka ng pagkakataon na bigyan sila ng isang regalo may ibig sabihin sa ‘yo, anong regalo ang ibibigay mo sa tatlong ito?

"Well, that would be for me, madali lang, bibigyan ko sila ng gusto nilang bagay. Heart loves dogs or [I could] help her sa mga advocacy na gusto niyang gawin. Cindy, she likes books. I wanna give her book. She likes to go abroad or mga trip-trip na ganyan, maybe a ticket or a vacation.

"Si Kristine, she's very simple, you know...maybe I'll just give my heart? Hindi! Hahaha! Maybe, the best gift, Kristine is not the type na medyo material. I don't know, I really have no idea. It's good na gagawa kami ng soap, so, at least, I'll gonna know."


Tough Question No. 5: Isang pagkakamali sa iyong buhay na ayaw mong pagdaanan ng iyong anak na si Santino...

"He knows about it. He knows about it. Katulad nga ng sinabi ko, I really won't talk about him in public and I really made a promise that you know, I won't talk about him. But it's easy, son, you go to YouTube and you'll see my mistakes and learn from that.

"Actually, I'm with him every weekend. If it's about him, I'll gonna give him personally."


Tough Question No. 4: Balitang hiwalay na si Heart Evangelista at ang kanyang boyfriend. Nilapitan ka halimbawa, again, this is another hypothetical question, nilapitan ka niya at sinabing, 'Echo, can we start over again?'

"Okay...you know, hindi ko naman sinara ang puso ko kahit kailan. But times have changed and we have different priorities right now. She has different priorities and I'm sure, she loves the person, I mean, after sa akin. So, I'm sure she'll gonna take through the course at madi-discover niya ang lahat ng mga bagay. And then, I'm not closing...if she's the one God wants Him for me, hallelujah, ‘di ba? If not, then we have to accept that. It's tough but I'm sure, she'll understand."


Tough Question No. 3: In one word, describe Karylle...

"Describe her? One word...bright in many, many ways."


Tough Question No. 2: Pagbubulgar ni Karylle, kinilig daw siya sa cellphone dahil ikaw ang kausap niyang huli?

"Ako ang kausap niyang huli? Last week? Bago mag-Tough 10? Ah, ganoon kasi ako talaga, nagko-congratulate ako even sila Sir Gary, sila Gab [Valenciano] at isa siya sa mga tao talagang I consider na puwede kong maka-close talaga. So, I just you know...I go to them. Sa ASAP, palagi kaming natutukso but there are days na tinotopak ako, I just don't care, I just say hi and greet her, ‘di ba?"

Diretsa, you know your heart, are you falling in-love with Karylle?

"No, no, no...not yet."


Tough Question No. 1: Kung wala si Oyo sa buhay ni Kristine at kung wala rin Karylle sa buhay mo, may posibilidad ba na magkabalikan kayo ni Kristine?

Napabulalas ng "wala naman!" si Echo upon hearing the name of Karylle sa buhay niya. Sinagot niya ang tanong nang sabihin niyang, "With all the due respect, Señor Oyo, I really don't ...it's just...nakikita ko siya, he's a good guy, you know, but yun nga...si Karylle pa rin, wala naman.

"Like what I said, I'm not closing, wala pa naman. But still, respect is there. May relationship na, then, I wouldn't get into something na medyo crazy, it's not just me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN