SexBomb Girls return to 'Eat Bulaga!' without Rochelle Pangilinan

by Nerisa Almo
Mar 12, 2007
SexBomb Girls again joined the Dabarkads of Eat Bulaga! today. However, the group performed without their leader, Rochelle Pangilinan (pictured).

Inabangan ngayon ng karamihan ng masugid ng manonood ng nootime show na Eat Bulaga! ang muling pagbabalik ng grupong SexBomb Girls sa kanilang orihinal na tahanan.

Naiulat noong nakaraang linggo na simula ngayong Lunes ay magiging semi-regular performer ang SexBomb Girls, kahalinhinan ng EB Babes. Ang SexBomb Girls ay makikita sa Eat Bulaga! tuwing Lunes at Miyerkules lamang.

Sa kabila ng masayang balitang ito, ikinalulungkot naman ng grupo na hindi na nila makakasamang bumalik ang itinuturing nilang lider na si Rochelle Pangilinan.

"May project kasing iniisip si Ate Joy [Cancio] for me na sa April ilalabas. So ngayon nagdo-double time kami para doon," sabi ni Rochelle nang tanungin kung ano ang dahilan kung bakit hindi na siya makakasama ng SexBomb Girls sa pagbabalik nila sa Eat Bulaga!.

Aminado si Rochelle na ikinalungkot niya ang balitang hindi na siya makakasama ng grupo.

"Unang-una siyempre nalungkot. Kasi parang bahay ko na 'yon, e, 'tapos di ako makakabalik sa bahay ko. Konting lungkot lang, pero kailangan naming gawin ito. Pero actually, di naman ako mawawala talaga, susulput-sulpot ako, hindi pwedeng hindi," pangako pa ni Rochelle.

Continue reading below ↓

Gayunman, tanggap naman ng dalaga ang desisyon ng kanilang manager na si Joy Cancio.

Ayon sa kanya, "Kasi alam naman siguro ng manager ko kung anong makakabuti [sa akin]. Kaya nga nagtagal kami ng ganito sa kanya, kay Ate Joy, kasi alam niya kung ano'ng makakabuti para sa aming lahat. Hindi naman siguro niya kami ilalagay sa masama o pangit na sitwasyon."

Samantala, pinabulaanan naman ng grupo ang balitang natatakot na silang bumalik ulit sa Eat Bulaga!.

"Hindi kami natakot o kinabahan. Noong sinabi sa amin ni Ate Joy na, ‘O, girls babalik tayo sa Eat Bulaga!,' siyempre lahat kami na-excite. Lahat kami natuwa noong nalaman namin," kwento ni Rochelle.

Dagdag pa niya, "Wala namang takot, may ano lang, parang, ‘Ganoon pa rin kaya sila pagbalik natin? Welcome ba tayo kapag nagbalik tayo? Parang katulad kaya ng dati?' Baka mamaya kasi may nagbago na, 'yon lang ang iniisip ng iba. Pero palagay ko naman, hindi naman siguro."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SexBomb Girls again joined the Dabarkads of Eat Bulaga! today. However, the group performed without their leader, Rochelle Pangilinan (pictured).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results