Mark Herras still hoping that Jennylyn Mercado will patch things up with Patrick Garcia


Mark Herras (in photo) is lucky that he has the chance to be with Jazz, the son of Jennylyn Mercado. Until now, the biological father, Patrick Garcia, has not yet seen his own son.



Si Mark Herras ang naupo sa Intriga Crossfire segment ng Showbiz Central noong Linggo, May 31. Hinarap at sinagot nga niya ang ilang isyung ibinato sa kanya ng mga hosts ng SC.


Ang unang nagbato ng tanong kay Mark ay si Raymond Gutierrez at tinanong nito si Mark kung ano ang masasabi niya sa mga naglalabasan sa mga tabloids na diumano'y siya ang papalit kay Dingdong Dantes bilang leading man ni Marian Rivera sa Darna?


"Kasi, yung sa Darna na soap, wala pa naman nagsasabi sa akin na confirm, ako yung role. Pero inaasahan ko na maraming intrigang darating dahil siyempre, may mga isyu before with Marian.


"But if ever na mapunta sa akin yun, siyempre, okay. Another project and another loveteam, if ever."


How will you convince kung sakali at sa iyo mapunta yung role na yun, how will you convince the Dingdong and Marian fans?


"Well, wala naman akong planong manggulo sa loveteam. Well, tatanggapin ko ang project. I'll do my job. Kung anuman yung dapat kong gawin sa role na kasama ng Darna, pero, wala akong any plans na manggulo."


When it was Mo Twister's turn, diretsahan nitong tinanong si Mark na siguro raw, noong lumabas ang Katrina Halili-Hayden Kho sex video, marami ang nag-text sa kanya dahil ex-girlfriend niya si Katrina.


Ngingiti-ngiti lang si Mark sa sinabing yun ni Mo. So, ang tanong ni Mo, are you angry at Hayden?


"Well, siyempre, unang-una, sa lahat ng pinagdadaanan niya ngayon, ang laking intriga ng nangyari. With Hayden naman, ano bang naisip mo para gawin yun? Siyempre, bad trip, bad trip talaga. Perosana, maliwanagan na lahat.


"Pero siyempre, ang pinaka-kawawa ngayon ay si Katrina."


When you see Hayden now, will you say hello or in support with Katrina, hindi mo na lang siya papansinin?


"Siguro, kapag nakita ko si Hayden, parang siguro tatanungin ko na lang, if ever may mga questions ako na gustong itanong sa kanya, siyempre, hindi naman niya sasagutin 'yon. Gusto ko lang malaman kung bakit...kung bakit nangyari 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Si John "Sweet" Lapus naman, kapag nakita raw niya si Hayden, magpapa-video raw siya. Ang question naman ni Sweet kay Mark ay sa SOP daw noong Linggo, nakitang karga-karga ni Mark si baby Jazz, ang anak ni Jennylyn Mercado.


The question is, ano ang personal na nararamdaman mo kay Patrick Garcia—kung si Mark daw ba ay naaawa dahil siya, nakakarga niya si baby Jazz at si Patrick ay hindi or natutuwa ba siya dahil paglaki ng baby, may chance na siya ang tawaging daddy or nagagalit ka ba sa situwasyon?


"With Jen and Patrick, out naman ako sa kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Siguro, I'm hoping, someday, makasama rin ni Pat si Jazz. Ako naman, bilang ninong, natuwa ako kasi, parang ang bilis lumaki ni Jazz. Nakakatuwa lang makita siya sa SOP at kasama siya ni Jen."


Kayo ba ni Patrick, magkaibigan? "Okay naman kami ni Pat...before, Fantastikman, kami yung medyo mortal enemy."


Ayon naman kay Pia Guanio, si Mark daw ay gym mate niya kaya alam daw niya kung gaano ang pagwo-work hard ni Mark. Sabi rin ni Pia, tila karamihan daw yata sa ka-batch niya sa StarStruck ay involved in some kind of controversy.


As a guy friend to this women, especially Katrina and Yasmien Kurdi (who is accusing Baron Geisler of sexual harassment), anong klaseng support ang ibinibigay mo to your girl friends?


"With Kat, hindi ko pa siya nate-text or nakakausap kasi, alam ko na magulo pa ang situation. But if ever, may chance na makausap ko siya, siguro masasabi ko lang, in behalf of StarStruck batch 1, ready kami to support kung anuman ang kaya naming ibigay for Katrina.


"With Yasmien naman, we're co-manager with Nay Lolit, alam ko...knowing Yasmien, kaya niyang dalhin ‘yon. Kaya niyang pasukan kung anuman ang gulo na kaya niyang pasukin. Sabi nga sa akin, o, 'Mark, na-harrased daw si Yasmien sa taping.' Sabi ko, I'm sure, meron ‘yon kasamang suntok from Yasmien."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ikaw ba, nagagalit ka sa mga men who have done some kind of disservice for your girl friends?


"Well, yes, yes...ako, hindi ko naman kilala si Baron. Pero I know, he's a good actor. Pero, ‘di ba, hindi mo naman kailangan. At saka, alam ko, kung pasaway ka, hindi mo naman dapat gawin ‘yon lalo na sa babae. ‘Di ba, may issue na before na nangyari. Parang konti pa, konti pa...yari ka na," natawa niyang sabi.


Ayon kay Sweet, nakikita raw niya si Mark kung paano ipagtanggol ang kanyang mga kaibigan.


For the last question, it was Raymond Gutierrez who who asked kumusta na ang lovelife ni Mark ngayon?


"Ngayon, zero, zero...enjoy ko muna ang life ko. Ayoko muna ng commitment. Mas enjoy ako na wala akong problema. Hindi ko kailangang magpaalam kung kanino man, you can do whatever you want to do.


"Tapos, hindi ka mamomroblema kapag nag-aaway kayo ng girlfriend mo. I mean, steady lang. Bata pa naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN