George and Cecil will premiere on June 14


Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos will play a married couple in the upcoming sitcom George and Cecil. The show's director Joey Reyes points out that this TV show is not the TV version of Kasal, Kasali, Kasalo and Sakal, Sakali, Saklolo.



Paano kung sa buhay mag-asawa si Misis ang matapang at astigin, at si Mister ang tahimik at sensitive?

Babaliktad ang mundo n'yo ngayong Hunyo 14 sa pag-uumpisa ng naiibang romantic comedy series ng ABS-CBN, ang George and Cecil. Pinagbibidahan ito ng real-life couple na sina Judy Ann Santos bilang Georgina "George" Castro at Ryan Agoncillo bilang Cecilio "Cecil" Murillo.

Mataga-tagal na ring nang huling magtambal sa telebisyon sina Judy Ann at Ryan, sa Ysabella pa. Habang nagsama naman sila sa dalawang blockbuster movies under Star Cinema na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo. Ngayon muli nga silang magtatambal sa George and Cecil para maghatid ng naiibang drama na may halong komedya at kilig sa mga manonood sa panulat at direksyon ng batikang direktor na si Jose "Joey" Javier Reyes.

Kasama sa mga bumubuo ng cast ang mga respetadong artistang sina Tessie Tomas, Al Tantay, Malou de Guzman, at kilalang kontrabidang si Gladys Reyes, na huling nakasama ni Juday sa '90s hit teleseryeng Mara Clara. Kabilang din sina Dimples Romana, Christopher Roxas, Dino Imperial, Archie Alemania, Dionne Monsanto, Enrique Gil, Ynna Asistio, Adrian Solomon, at Pinoy Fear Factor participantes Manuel Chua, Marion dela Cruz at Jommy Teotico.

Sa grand presscon ng George and Cecil na ginanap last June 1, 2009 sa 13th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN, sinagot nina Juday at Ryan pati na rin ni Direk Joey Reyes ang mga katanungan ng mga press people tungkol sa bagong sitcom.

Paano n'yo ide-describe ang roles n'yo rito sa George and Cecil?

"Ako po si George, isang policewoman," sambit ni Juday. "Si Ryan naman si Cecil, isang high school teacher. Dito po makikita n'yo ang mga problema ng bagong mag-asawa sa kanilang bagong buhay. Problema sa mga biyenan, problema sa mga kaibigan."

Dagdag pa ni Ryan, "Si George siya yung gumagawa ng sirang tubo sa bahay. At ako naman yung nagluluto ng pagkain, bilang Cecil. Tapos si George, siya yung maaksyon ang buhay. Ang trabaho niya kasi, siya yung nakikipaghabulan sa snatcher, nakikipaghabulan sa kidnaper. Ako ang trabaho ko ay mangbagsak at mangpasa ng mga estudyante. Si George ang burara, si Cecil ang OC, masinop."

Paano nila tinanggap yung idea na parang nabaliktad ang mundo ng babae at lalaki sa sitcom na ito?

"Nung prinesent kasi sa amin yung idea, masaya, e. Kami naman kung ano ang ibigay na character sa amin, go lang nang go. Basta kaya namin, kahit hindi namin kaya, kakayanin namin. Ibig sabihin, malaki ang tiwala ng ABS-CBN sa amin para bigyan kami ng bagong show, so malaking bagay yun," pahayag ni Juday.

Bukod sa pagiging mag-asawa rin in real-life, ano ang something na meron sina Juday at Ryan na nakaka-connect o nakaka-relate sila kina George and Cecil?

"Siguro ang nakaka-connect sa amin sa character namin kasi hindi kami yun. Nagagawa namin, naiiba namin yung talagang nangyayari sa totoong buhay. And mas napaglalaruan namin yung mga characters kasi malayung-malayo sa relationship namin dalawa yung nangyayari sa George and Cecil.

"Kung nakaka-relate kami, yun ay ang pagiging mag-asawa namin, yun lang. Pero sa pagiging seryoso, pagiging palaaway at pala-isyu, malayo sa amin. Hindi kasi kami ganun. Sa totoong buhay kasi kapag nag-i-English na siya, tumatahimik na ako. Sa George and Cecil, pag nag-i-English siya, tumatalak pa rin ako. At saka wala na sa amin yung away-away. Gumraduate na kami dun," paliwanag ni Juday.

Sabi naman ni Ryan, "Well, just the idea na bakit kami nakakapaglaro sa aming characters kasi nga hindi kami yun. Kasi hindi kami naku-conscious. Yun siguro ang balakid sa ibang aktor. For me ha, if a role is too close to my personality, naku-conscious ako. Kasi the hardest thing is to act like your self. So, kami naaarte namin kasi hindi nga kami yun.

"Well, siguro ang connect namin dun, ang pareho siguro sa George and Cecil ay yung relationship namin na wala ring gaanong problema sa gender boundaries meaning George and Cecil, yung strength ni George nanggagaling hindi dahil sa pagiging masculine, pero siya pa rin yung babae. With Cecil, napaka-feminine ng strength niya, pero padre de familia pa rin siya. I think that is something na part of our relationship din. Yung mga lakas at kahinaan namin pareho. Wala yung gender boundaries."

Nilinaw naman ni Direk Joey na ang George and Cecil ay hindi extension or TV version ng hit movies nina Juday at Ryan na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo.

"Siguro kaya nga ako ni-request nina Judy Ann at Ryan for George and Cecil...I'm here because of these two people. Ni-request nila ako, maybe because magkagamay na kami after ng dalawang karanasan na pinagdaanan namin sa Kasal... at saka sa Sakal... How is it the same? It's the same because it's a romantic comedy. Ang tawag ko dito ang sitcom ng tunay na buhay dahil ang mga sitwasyon ay hindi fantastic, hindi out of this world. Kundi mga sitwasyon na nakikilala mo sa tunay na buhay. Katulad ng mga pinagtawanan ng mga tao sa Kasal at Sakal.

"Paano ito naiiba? Deliberately, iniba namin ito dahil hindi po ito ang TV version ng Kasal o ng Sakal. Ito ay kuwento nina George at Cecil. Isa pang naiiba sa sitcom na ito, nakikita n'yo ang dami-dami naming artistang nakaupo dito, kasi ito na sila. Bihirang magka-guest yung show. Sila na ang buong show. This is not a guest dependent show na ang eksena o ang bawat episode will depend on the guest. Ito para itong telenovela na comedy, na episodic, na continuous yung story," paglilinaw ni Direk Joey.

Mapapanood ang George and Cecil tuwing Linggo ng gabi simula June 14 sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Click HERE to view photos of George and Cecil cast members.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN