Who will be the champ in Audition Celebrity Dance Battle?


Mark Herras and Chynna Ortaleza (shown above) will compete against Rainier Castillo and Ryza Cenon in the grand finals of Audition Celebrity Dance Battle. Scores of the judges are combined with text votes of S.O.P. viewers to determine the winning team, which will receive P100,000 to be shared with a charity partner.The grand finals will be shown during the June 7 episode of S.O.P.




Tuloy na tuloy na ang labanan sa darating na June 7 para sa grand finals ng Audition Celebrity Dance Battle. Maghaharap sa isang dance showdown ang celebrity Audista pairs na sina Mark Herras at Chynna Ortaleza versus Rainier Castillo at Ryza Cenon.

Unang nagqualify para sa finals ang pair nina Rainier Castillo at Ryza Cenon matapos nilang talunin ang pares ni Dominic Roco at Vaness Del Moral noong May 24. Naging madikit ang labanan sa nasabing episode dahil ang judges' choice ay ang pair nila Vaness and Dominic. "We were looking for a pair with the most powerful dance moves at malakas ang stage presence, at talagang puno ng energy ang performance nila Vaness at Dominic," sabi ni Geleen Eugenio, isa sa mga judges ng naturang contest.

Ngunit nang dinagdag ang percentage ng text votes, lumabas na mas malaki ang total score nila Rainier and Ryza. "Sobrang excited kami lumaban sa Finals. Talagang pinaghirapan namin ang sayaw namin, lalo na para sa charity partner na pagbibigyan namin nung grand prize," sabi ng dalawang StarStruck alumni. Very good sport naman ang pair nila Vaness at Dominic, who met with their charity family after the show.

Lady Gaga-inspired ang ensemble ng winner dance pair nila Mark Herras at Chynna Ortaleza noong May 31. May halong Capoeira at lifting moves ang kanilang performance, kung saan nakatapat nila sa dance floor ang pair nila Yasmien Kurdi at JC Tiuseco.

"Actually, di namin inaasahan na kami talaga ang mananalo. Noong una kase, sobrang nag-spike ang votes nina JC and Yasmien so akala namin wala na kaming pag-asang manalo. Pero wala naman kaming pinagsisihan dahil ginawa namin ang lahat ng makakaya namin para ma-execute ng maayos ang sayaw," paliwanag ni Chynna.

"Votes for Mark and Chynna came in bulk during the later part of the voting period. We won't tell the exact figures pero nang nakahabol ang votes in favor of Mark and Chynna, it made a lot of difference dahil ang weight ng SMS votes ay 50% habang may judges scores parin na worth another 50%," paliwanag ni Jason Tomas, product manager and judge of Audition Celebrity Dance Battle.

Nagsimula ang month-long segment noong May 17 sa SOP, ang Sunday musical variety show ng GMA-7. Ang Audition Celebrity Dance Battle ay ang kaunaunahang TV dance contest na base sa isang sikat na online game. Galing Korea, ang Audition Dance Battle ay isang online dance game na published dito sa Pilipinas under X-Play Online Games Inc., ang joint-venture company ng GMA New Media Inc. at IP-EGames Inc., na may millions of registered users sa buong mundo.

Ang mga players ng nasabing game ay excited sa kung sinong celebrity pair ang tatanggap ng grand prize na P100,000 at tatanghaling Ultimate Celebrity Audistas. "Audista" ang tawag sa mga players na naglalaro ng Audition Dance Battle. May ilang dance moves din ang celebrity pairs na galing sa characters na nasa loob ng game. Ang game graphics na nasa TV screen, background videos at set onstage, at maging ang costumes ng celebrity pairs ay hango rin sa nasabing game.

Kalahati ng P100,000 grand prize ay mapupunta sa charity partner ng winning celebrity pair.

Ang winners ay determined base sa dalawang bagay. Una ay ang scores na bigay ng judges: premiere Kapuso performer na si Regine Tolentino, renowned choreographer na si Geleen Eugenio, at ang product manager ng Audition Dance Battle na si Jason Tomas.

Ang kalahati naman ng scores ay base sa text votes ng S.O.P. viewers, na maaari din manalo ng cash prize by voting for their favorite celebrity Audista.


DANCE FOR A CAUSE. "Actually, mahirap talaga ang sayaw namin lalo na't limitado ang time namin para mag-practice. Pero dahil first time namin na sumali sa isang dance competition na may charity partner, sinikap talaga naming magawa ng maayos ang sayaw. Kayo ang inspirasyon namin, ginawa namin ito para sa inyo. Promise namin ni Chynna na mas pagbubutihin pa namin ang pagsasayaw para higit namin kayong matulungan," sabi ni Mark sa tatlong kabataang miyembro ng kanilang charity family pagkatapos ng awarding at pictorial.

Ang charity partner ng Audition Celebrity Dance Battle ay ang IP Foundation na may healthcare programs under Family Vaccine and Specialty Clinics. Ang FVSC ang may-ari ng pinakamalaking chain of vaccination clinics sa bansa, with 30 clinics in 17 provinces nationwide. Bawat celebrity pair ay nagsponsor ng isang clinic at isang beneficiary family mula sa area ng clinic. Ang charity partners ng non-winning celebrity pairs ay makakatanggap pa rin ng consolation prize.


Abangan sa June 7, Sunday, on GMA-7's S.O.P. kung sinong celebrity Audista pair ang mananalo sa first ever Audition Celebrity Dance Battle!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN