Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Adik Sa 'Yo will premiere on June 8

by Mark Angelo Ching
Jun 5, 2009
(From upper left, clockwise) Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Jennica Garcia, and Dennis Trillo star in GMA Network's newest primetime romantic comedy series Adik Sa 'Yo. Marvin and Jolina's loveteam returns to television as an unlikely couple, while Dennis plays a Batangueño who leads a simple life. Jennica gets her first major role as Karen, a young girl who ardently believes in soulmates and true love.


Siguradong maaadik na naman ang mga kapusong Pinoy sa pag-ibig ng dahil sa Adik Sa 'Yo, ang pinakabagong primetime romantic-comedy series sa GMA Telebabad.

Simula June 8, pakikiligin na tayo ng apat sa pinakasikat na young stars ngayon—si Dennis Trillo bilang Ruben, ang promding good boy; si Jennica Garcia bilang Karen, ang sweet na bratinela; si Jolina Magdangal bilang Joan, ang manang na NBSB (no boyfriend since birth); at si Marvin Agustin bilang Carlos, ang astig na negosyante.

Magsisimula ang kuwento sa pag-runaway-bride ni Karen sa kasal nila ni Carlos, dahil sa paniwalang iba ang kaniyang soulmate. Mapupunta siya sa Batangas at makikilala si Ruben, na pareho niyang kaiinisan at mamahalin. Makikisama si Karen sa simpleng pamilya ni Ruben upang pagtaguan ang iniwanang fiance.

At dahil broken-hearted naman si Carlos, naglasing siya kasama ang half-sister ni Karen na si Joan. Dahil nga sa sobrang pagka-manang ni Joan at pagkaseryoso ni Carlos sa trabaho ay pareho silang hindi sanay uminom. Nang nagising sila ay nalaman nilang may nangyari na sa kanila.

Continue reading below ↓

May lihim na pagtingin si Joan kay Carlos, na maiin-love din sa kanya. Nguni't matapos maging broken-hearted kay Ruben, babalik si Karen kay Carlos at mauudlot ang pag-ibig ni Joan.

Nguni't sino kaya ang magkakatuluyan? Paano kaya kung makikigulo pa sina Camille (Pauleen Luna), ang girlfriend ni Ruben na pangarap maging Sexbomb Dancer; si Stella (Elizabeth Oropesa), ang bakyang milyonaryang yumaman dahil sa sardinas; si Aurora (Chanda Romero), ang sosyal na nanay ni Carlos na mas plastik pa sa plastik; si Luigi (Joey Marquez), ang playboy-but-under-the-sayang asawa ni Stella; si July (John Lapus), ang kapitbahay ni Ruben na patay-na-patay sa kaniya; at si Andrea (Iwa Moto), na sa sobrang pagkamaldita ay laging pinag-aaway sina Karen at Joan?

Kasama rin sa cast sina Eugene Domingo, Ces Quesada, Luz Valdez, Tony Mabesa, Jim Pebangco, German Moreno, Mosang, Benjie Paras, Vaness del Moral, Charisse Solomon, at ang Starstruck Kids alumna na si Sandy Talag.

Continue reading below ↓

Sa Santacruzan-inspired presscon ng Adik Sa 'Yo sa Oasis noong June 3, sinabi ng batikan nitong direktor na si Joel Lamangan na magagaling ang pagkakaganap ng buong cast sa kanilang mga nakakatuwang roles.

Ang Adik Sa 'Yo ang unang pagkakataon ni Jolina na makatrabaho ang award-winning director, kaya't excited siya ng mabalitaan ang proyekto.

"Excited na rin akong magtrabaho dahil first time kong magiging direktor si Joel Lamangan. Minsan kaming nagkasamang mag-judge sa isang contest at sabi niya sa akin, sana raw magkatrabaho kami at ito na 'yon kaya masaya ako," paliwanag ni Jolina.

Makikipagbalik-tambalan din si Jolina kay Marvin sa Adik Sa'yo. Isa sila sa may mga pinaka-inaabangang loveteam noong ‘90s. Huli silang napanood sa mga ABS-CBN shows na Gimik, Labs ko si Babes at Esperanza, at sa GMA-7 romantic series na I Luv NY noong 2006.

Mananatili kaya silang sweet sa isa't-isa?

"Siguro kasi, natural pa rin kami ni Marvin," sagot ni Jolina. "At saka lagi ko naman sinasabi na sobrang kilala na namin ang isa't isa. Yun ang secret namin, e. Nagtutulungan talaga kami. At feeling namin, hindi kailangan mag-dyowa kayo talaga para lang maipakita yung kilig."

Continue reading below ↓

First-time naman ni Dennis Trillo na gumanap sa isang comedy role, kaya't challenge ito para sa kaniya.

"Challenge, oo! Although, hindi naman siya yung bumitiw na talaga sa drama. Kasi, may konting drama pa rin. Light nga lang siya at tamang-tama sa mga taong maraming problema. Ito yung perfect na panoorin nila dahil magaan. Hindi makakadagdag sa mga problema mo, at the same time, makakalimutan mo sila dahil matatawa ka talaga sa mga situational na mga eksena namin dito," paliwanag ni Dennis.

Thankful naman si Jennica Garcia sa una niyang major role. Ang Adik Sa 'Yo na ang pampitong teleseryeng gagawin ng pangany ni Jean Garcia para sa Kapuso Network.

"Pinagdasal ko ito," sabi ni Jennica. "Alam mo, in fairness sa akin, never ko pinagdasal na 'Lord, bigyan niyo ako ng bidang role.' Kapag nagdadasal ako, 'Lord, sana po pagkatapos nito, meron po ako agad trabaho. Kasi ito lang po ang ginagawa ko.'"

Continue reading below ↓

Ano naman ang nararamdaman niya kay Dennis Trillo, ang kanyang leading man?

"Sa totoo lang, medyo kinakabahan po talaga ako. Naglalakad pa lang po ako, nakikita ko pa lang po ang mga mata ninyong nakatingin sa akin, e, nate-tense na po ako... Nate-tense din ako kay Dennis. Siyempre, sino po ba naman ang hindi mate-tense na si Dennis na ang ka-partner mo?" sagot ni Jennica.

Simula June 8, mapapanuod na ang Adik Sa 'Yo Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Totoy Bato sa GMA-7.

Click HERE to view photos of Adik Sa 'Yo cast members.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From upper left, clockwise) Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Jennica Garcia, and Dennis Trillo star in GMA Network's newest primetime romantic comedy series Adik Sa 'Yo. Marvin and Jolina's loveteam returns to television as an unlikely couple, while Dennis plays a Batangueño who leads a simple life. Jennica gets her first major role as Karen, a young girl who ardently believes in soulmates and true love.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results