Luningning, Milagring and Mariposa will "graduate" from Wowowee


According to Anna Feliciano (wearing black), popular ASF dancers Luningning, Milagring and Mariposa will "graduate" from Wowowee.



Isa ang mga ASF dancers na highlights at talagang inaabangan ng mga fans ng Wowowee tuwing pinapapanood ang noontime show ng ABS-CBN. Ngunit, may mga pagbabagong magaganap sa mga darating na buwan.

Malayo na rin ang narating ng mga dancers ng Wowowee na nasa ilalim ng pangangalaga ng kilala at beteranang choreographer na si Anna Feliciano. Lumabas na sa mga unang noontime shows ng Kapamilya network tulad ng Magandang Tanghali Bayan, binubuo ng 40 babae at lalaki ang ASF dancers.

Kung sa tingin ng karamihan ay madali lamang maging dancer sa Wowowee dahil parang napakadali lamang ng trabaho nila at enjoy pa, isiniwalat ni Anna Feliciano na tatlong oras bawat araw, tuwing Thursday, Friday at Saturday lamang sila nagpa-practice para sa lahat ng kanilang mga production numbers para sa buong linggo. Ganoon kagagaling ang kanilang mga dancers na kayang-kaya sauluhin at pag-aralan ang mga dance steps sa maikling panahon lamang.

Dagdag pa ni Anna, "Yung choreography ko kasi, nakukuha ko na lang kapag narinig ko yung kanta. Hindi siya sa bilang o beat lang, e. I guess masasabi mo na parang dumadaloy sa dugo ko 'yon. Elementary pa lang professional dancer na ako."

Kwento pa ng choreographer, pag nag-iisip siya ng mga novelty dance steps, iniisip niya ang mga moves na madaling magagaya ng ibang tao at the same time ay masayang sayawin.

May inamin si Anna sa mga mangyayari sa ASF dancers.

"In a way, ga-graduate na yung ibang mga dancers tulad nina Luningning, Milagring at Mariposa. May ibang plano para sa kanila, e. Abangan na lang sila ng mga fans. Matutuwa talaga sila."

Pangako din ni Anna na kahit mawawala na ang ilang dancers ay patuloy pa rin na magiging masaya at enjoyable ang Wowowee dahil sa bagong batch ng ASF dancers. Sa ngayon ay may on-going auditions pa rin ang Wowowee staff at management para sa piling dancers.

Kilalanin ang bagong mga myembro ng ASF dancers na magiging bahagi ng inyong paboritong noontime show, ang Wowowee tuwing hapon sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN