Are You The Next Big Star contenders also serve as judges this week


Regine Velasquez and Keempee de Leon host GMA-7's talent search Are You The Next Big Star? It airs on the Kapuso Network right after Pinoy Records.



Last Saturday, May 30, sa Are You The Next Big Star, nagkaroon nga ng surprise jury ang pinakabago and all-original singing search sa bansa that is being hosted by Regine Velasquez and Keempee de Leon.

Ang mga resident jury members ng naturang palabas ay sina Anne Quintos ng The Company, ang musical arranger and composer na si Mon Faustino, 90's pop icon Randy Santiago, producer/composer Danny Tan and Concert Queen Pops Fernandez.

Biglang naging surprise jury ang mga female contenders at siyang humusga sa galing at husay sa pag-awit at pagpe-perform ng mga male contenders.

This Saturday, June 6, it's no surprise at all, pero, pagkakataon naman ng mga male contenders na maupo bilang mga jury at sila naman ang humusga sa kakayahan ng pag-awit ng mga female contenders.

Ang anumang magiging judgment ng mga lalaki sa mga babae ay kakatawan ito sa 20% ng kanilang score.

Puwedeng sabihin na exciting ang episode ngayong Saturday dahil magkakaalaman na kung sino sa bawat isa ang mga best and worst performers base na rin sa panlasa ng bawat isa.

Bukod sa mismong airing ng Are You The Next Big Star? tuwing Sabado, after Pinoy Records sa GMA-7, maaari makakuha ng daily updates sa programang SIS.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN