Uulan ng saya sa ASAP '09!


Zsa Zsa Padilla (left frame) will celebrate her birthday on ASAP '09 while Mr. and Mrs. Ryan and Judy Ann Agoncillo will grace the variety show to promote their new show George and Cecil.



Tag-ulan na nga! Ngunit hindi pa rin paaawat ang ASAP ‘09 sa pagbibigay ng mga bonggang sorpresa at mga pinaghandaang production numbers.

Ngayong Linggo, June 7, apat sa mga Kapamilya stars—Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Victor Basa, Bangs Garcia at Rockoustic Heartthrob Sam Milby—ang magse-celebrate ng kanilang birthday sa ASAP.

Samantala, gugulatin na naman tayo ng Kanto Boyz at It Girls sa kanilang back-to-back Korean inspired performance na talagang kaabang-abang at hindi dapat palagpasin ng mga manunuod.

Matapos ang kinakiligang kasalan ng taon, unang beses na haharap bilang couple sa ASAP stage sina Mr. and Mrs. Ryan at Judy Ann Agoncillo para i-promote ang inaantabayanan at pinag-uusapang sitcom na George and Cecil. (Click HERE para sa karagdagang impormasyon tungkol sa palabas na ito.)


May inihandang sorpresa para sa mga taga-subaybay ng tatlong teleserye ng Kapamilya Network: ang May Bukas Pa, Tayong Dalawa at Only You sa ASAP'09. Ipapakita sa unang pagkakataon ang ilan sa mga kaabang-abang at kahindik-hindik na eksena ng bawat teleserye.

Panoorin ang inyong paboritong mga Kapamilya stars ngayong Linggo, June 7, sa ASAP '09 pagkatapos ng Matanglawin sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN