Second ANC Leadership Forum airs tonight on ABS-CBN


(From upper left, clockwise) Joseph Estrada, Loren Legarda, Bayani Fernando, and Jejomar Binay participated in Countdown to 2010: An ANC Leadership Forum. It will air tonight, June 7, on ABS-CBN Sunday's Best.



Ngayon, wala nang dahilan ang mga mamamayang Pilipino na maging mangmang sa darating na eleksyon. Dahil sa media, madali nang nakikilatis ng mga botante ang nais nilang mga kandidato.

Ipapalabas muli ng ABS-CBN ngayong gabi, June 7, ang pangalawang Countdown to 2010: An ANC Leadership Forum na ginanap noong Biyernes, June 5, sa University of the Philippines School of Economics. Una itong ipinalabas ng live sa ANC at ang mga batikang mga mamamahayag na sina Cheche Lazaro at Ricky Carandang ang nagsilbing mga host.

Makikita rito ang apat sa maaaring tumakbong pangulo sa susunod na taon: ang kasalukuyang alkalde ng Makati na si Jejomar Binay, ang chairman ng Metro Manila Development Authority na si Bayani Fernando, ang senador na si Loren Legarda, at ang dating pangulong Joseph "Erap" Estrada.

Sa panimulang panayam ng host ng programa na si Cheche Lazaro kay Binay, sinabi nitong nais niyang dalhin sa bansa ang kaunluran na sinimulan niya sa Makati kaya ninanais niyang tumakbo bilang presidente ng bansa.

Ayon naman kay Legarda, na tumangging sumama sa naunang Countdown to 2010 noong May 11, matagal na niyang napag-aralan kung anu-ano ang nararapat na lunas sa mga suliranin ng bansa.

"Maliwanag sa alam ko ang problema ng bansa, at handa akong tumulong para maresolba ang mga ito. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na pag uusapan ko ang mga gagawin ko sa ating bansa. 1) Good governance, transparency ang accountability ang kailangan sa bansa, 2) Kailangan ng sustainable at equitable socio economic development, 3) Pagbigay ng proteksyon sa ating fragile environment, 4) Cultural renaissance, kailangan magkaroon ng pride ang Filipino," sabi ni Legarda.

Isa naman sa mga nakakagulat na sagot ni Bayani Fernando ay ang paulit-ulit niyang pagsabi kay Cheche Lazaro na kaya siya nakaligtas sa mga kaso ng pandarambong na laban sa kanya ay dahil sa mas mataas pa siya sa batas.

"I am above the law," sagot ni Fernando sa tanong ni Lazaro.

Nguni't maya-yama ay binawi agad ni Fernando ang pahayag, sa pagsasabing ‘abide' o pagsunod raw ang salita niyang binanggit. Nagtawan ang mga estudyante, mga guro at mga dumalo sa naturang programa sa punong-punong auditorium.

Nguni't wala pa ring tatalo kay Estrada sa pagbitaw ng sari-saring mga salita nanakakapagpatawa sa mga nanununod. Isa sa mga pagkakataong ito ay ang pagsasabi niyang alam niya from experience ang solusyon sa overpopulation.

"Alam ko ‘yan [overpopulation] from my own experiences. From my own experience... as a president..." bawi ni Estrada.

Ang ANC Leadership Forum ay kasama sa kampanya ng ABS-CBN na "Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula" na naglalayong humimok sa mga kabataan na maging aktibo sa susunod na halalan.

Mapapanood ang pangalawang Countdown to 2010: An ANC Leadership Forum sa ABS-CBN Sunday's Best, mamayang gabi, June 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN