Gee-Ann gustong mag-voluntary exit sa Bahay ni Kuya

by Jocelyn Dimaculangan
Mar 16, 2007
Naapektuhan at naiyak si Gee-Ann Abrahan sa mga salita at mga tukso na nagmula sa kanyang kapwa housemates dahil sa kanyang mga kapalpakan na nagawa kamakailan.

Maayos na pakikisama at tibay ng loob—yan ang dalawang katangiang kinakailangan ng isang Pinoy Big Brother housemate para tumagal sa loob ng bahay ni Kuya.

Sa kasamaang palad, mukhang hindi sapat ang baong lakas ng loob ni Gee-Ann dahil tatlong linggo pa lamang siyang nananatili sa Big Brother House ay gusto na nitong mag-voluntary exit.

Kahapon ay nag-confess na si Gee-Ann kay Kuya na gusto na niyang lisanin ang Big Brother House dahil sa kanyang paulit-ulit na violations.

"Since sa apat na secret housemates ay may dalawang maaalis, ako nalang po sana ang isa sa aalis...the more I stay the more I disappoint people...I'm gaining a lot [of weight] everyday at puro kapalpakan ang nagagawa ko," umiiyak na sinabi ni Gee-Ann kay Big Brother.

Nilinaw naman ni Kuya kay Gee-Ann na kung sakaling itutuloy niya ang voluntary exit ay magtatanggal pa rin si Kuya ng isa sa apat na secret housemates at imbis na dalawa lamang ang papasok ay magiging tatlo na dahil ang isa dito ay papalit sa lugar ni Gee-Ann.

Continue reading below ↓

Lalo pang nadagdagan ang pagiging tuliro ng dalaga nang sabihin ni Big Brother na kailangan niyang mamili kung sinu-sino sa apat na secret housemates ang gusto niyang iligtas.

Binigyan ng pagkakataon ni Big Brother si Gee-Ann para pag-isipang mabuti kung sino ang mga pipiliing housemates, pero hindi na nangyari ito.

Nang muling mag-usap ang dalawa, tila nag-iba na ang isip ng kolehiyala, "About the voluntary exit, gusto ko po munang mag-consult sa ibang tao dahil ayaw ko pong gumawa ng desisyon na pagsisisihan ko."

Matuloy kaya ang binabalak na voluntary exit ni Gee-Ann? Malabanan kaya niya ang pagiging self-conscious? Kung sakaling maging desidido ang dalaga, sinu-sino kaya ang kanyang pipiliin sa secret four? Huwag palalampasin ang kaganapang ito sa Season 2 ng Pinoy Big Brother pagkatapos ng Maria Flordeluna.

Read Next
Read More Stories About
Pinoy Big Brother
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naapektuhan at naiyak si Gee-Ann Abrahan sa mga salita at mga tukso na nagmula sa kanyang kapwa housemates dahil sa kanyang mga kapalpakan na nagawa kamakailan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results