PBB housemates mababawasan na naman



Isang linggo lang nanatili sinaMikah Dizon ng Baguio at Jeremy Hidano ng Japan sa loob ng bahay ni Kuya.


Matapos ang tatlong linggongpaghihintay ay nakumpleto na rin sa wakas ang listahan ng 14 housemates ng Pinoy Big Brother Season 2.

Sina Bodie Cruz at Maricris Dizonang pinili ng taumbayan bilang 13th at 14th housemate ni Kuya.

Base sa final percentage scoresna naitala noong Sabado ng gabi, nakakuha ng 39.33% of votes si Bodie, 25.08%naman ang nakuha ni Maricris, 24.13% kay Jeremy Legaspi, at 11.46% ang kay Mikah Dizon.

Agad na nagpaalam at lumabas ngBig Brother House sina Jeremy at Mikah na sinalubong naman ng kani-kanilangpamilya.

Samantala, isang araw pa lamangna nakukumpleto ang 14 housemates ni Kuya ay napipinto na naman silangmabawasan ng isa dahil kagabi ay naganap na ang kauna-unahang nomination nightsa loob ng bahay ni Kuya.

Pero bago pa man maganap angnasabing nominasyon ay may isa ng housemate na napatawan ng automaticnomination...si Kian.

Noong nakaraang linggo ay tiniponni Big Brother ang anim na housemates na may pinakamatitinding violations-sinaBruce Quebral, Gee-Ann Abrahan, Jasmin Engracia, Nel Rapiz, Kian Kazemi, atRobert James Wood II na pinaglaro ni Big Brother ng card game.

Sa anim na violators, si Kian ang minalas na nakabunot ngcard na may simbolo ng baril na katumbas ay automatic nomination kaya't wala nasiyang nagawa kundi ang itanim sa kanyang isip ang importansya nang pagsunod sabatas ni Kuya.

Sa gitna ng patung-patong natensyon ay napag-alaman na ang tatlo pang housemates na makakasama ni Kian sabingit ng expulsion at ang mga ito ay sina Jasmin,Gee-Ann, at Beatriz.

Labindalawang housemates lamangang sumali sa botohan kagabi dahil exempted muna ang 13th at 14th housemate nasina Bodie at Maricris.

Mula sa labindalawang housematesna sumali sa nominasyon, twelve points of nomination ang naitala kay Jasmin attig-limang points naman ang nakuha nila Gee-Ann at Beatriz mula sa kanilang mgakasamahan.

Nagbukas na rin ang botohan paramailigtas ang housemate na karapat-dapat pang manatili sa bahay ni Kuya. Sadarating na Sabado, March 24, na ang kauna-unahang Pinoy Big Brother Season 2 Expulsion Night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN