Coney Reyes resumes acting via Maalaala Mo Kaya


Coney Reyes and Rodjun Cruz topbill the June 20 episode of Maalaala Mo Kaya. This marks the return of Ms. Coney to the small screen after being cast in the 2007 teleserye Ysabella.



Isa si Coney Reyes noon na maituturing na mahahalagang tao sa telebisyon. Kaya naman ngayon, siguradong aantabayanan ng mga manonood ang kanyang pagbabalik sa small screen. Makikitang muli ang former TV host-actress sa June 20, 2009 episode ng Maalaala Mo Kaya.


Ang huling regular TV show ni Ms. Coney sa ABS-CBN ay ang 2007 teleserye na Ysabella kung saan naging kontrabida siya laban kay Judy Ann Santos. Ikatutuwa rin ng mga manonood na makitang muli sa telebisyon si Jim Paredes, ang miyembro ng APO Hiking Society na nag-immigrate papuntang Australia.


Sa direksyon ni Nuel Naval, isang mahalaga at inspirational na story ang ipapalabas sa MMK na bibigyang buhay ni Coney Reyes at ni Rodjun Cruz, isa sa mga pinakabatang character actors ngayon. Magkahiwalay na mundo ang gagalawan nila, pero pareho silang naghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa buhay.


Ang kwentong ito na base sa isang tunay na istorya na naganap sa isang correctional facility.


Maalaala Mo Kaya (June 20, 2009)

Director: Nuel Naval
Writer: Maribel Ilag

Cast: Coney Reyes as Nadz
Rodjun Cruz as Tonton
Nicky Bacolod as Nadz's daughter
Shamaine Sentenera as Nadz's friend
Jim Paredes as Nadz's husband


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN