Showbiz Central marks 2nd anniversary


(Clockwise, from upper left) John Lapus, Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto and Mo Twister are proud of the innovations that their show, Showbiz Central, has introduced for the past two years.



Two years na ang Sunday showbiz oriented talk show ng GMA-7 na Showbiz Central. Last Sunday, June 21, ang unang Linggo ng pages-celebrate nila ng kanilang ika-2nd anniversary.

Paniwala ng writer na ito, bukod sa mataas na rating, isa pa siguro sa puwedeng ipagmalaki ng show ay intact pa rin silang limang hosts ng show kahit sabihin pa na sa loob ng dalawang taon, hindi maiiwasan ang ilang kontrobersiya at intriga na mismong silang mga host kung minsan ang subject.

Sa kanilang ika-2nd anniversary, nandoon pa rin ang Don't Lie To Me Segment, Intriga Crossfire, Mo 's Wanted at ang OMG! Pero sinimulan na rin nila ang kanilang bagong segment na The Story of Your Life kunsaan si Marvin Agustin ang kanilang kauna-unahang celebrity guest. Ikinuwento nito ang ang buhay ng aktor bago pa man siya naging celebrity at pinakilala ang mga taong nagkaroon ng significance sa buhay nito na hindi pa alam ng publiko.


Si Rufa Mae Quinto ang isa sa masasabing medyo huli ng pumasok as host kumpara sa apat na sina John Lapus, Raymond Gutierrez, Pia Guanio at Mo Twister.

"Happy ako siyempre. I feel grateful and thankful at maganda naman itong resulta ng Showbiz Central. Lalo na nga at pangalawang taon na. First time ko rin sa showbiz talk show.

"Siyempre, may masaya, meron din malungkot. Pero, ang pinaka-importante, e, natatapos naman na masaya. So, mas doon ako. Mas positive."

Tinanong din namin si Rufa Mae kung okay na ba siya with his co-host, specifically, Mo?

"Wala naman akong inaaway na kahit sinong host, eh...alam mo yun? Yun," natatawa niyang sabi."

Sa lahat ng host, siya ang masasabing pinaka-controversial at palaging may isyu. Hindi ba siya nahihirapan sa aspect na bilang host ng isang talk show, parang kailangan niyang sagutin agad kung may isyu siya?

"Dati...dati...pero ngayon, feeling ko, parang nakekeri ko na. Pero, ngayon kasi, wala namang intriga so, I can say na keri ko. And I'm sure naman kailangan kong kerihin kung anuman ‘yun."

Ayon kay Rufa Mae, may bagong segment daw siyang ilo-launch na about fashion naman ang magiging spot niya, though, hindi pa lang daw niya alam kung ano ang title nito.

For Mo Twister, he's been in the industry for 13 years, but as he said, never raw niyang naisip na magiging parte pala siya ng isang entertainment showbiz talk show. He's more into politics, pero, hindi raw niya maide-deny na mas masaya ang showbiz talk show.

Although masasabing ang nag-open ng door kay Mo para maging host ng Showbiz Central ay ang kanyang controversial radio show, aminado siyang mas careful pa rin siya sa telebisyon.

"Oh yes, iba ang radio, eh. Here, I'm trying to be more dignified."

So far, hindi pa raw niya alam kung maiiba ang segment niya na Mo's Wanted.

"I don't know, eh. It's not me to decide. Hindi kagaya sa radio na lahat ng desisyon, galing talaga sa akin. It's up to them. I just follow the lead."

"Slowly getting there," naman ang ginamit na termino ni Mo sa kung ano na ang lagay nila ng co-host na si Rufa Mae ngayon. Nag-hi raw siya rito at binati naman daw siya nito ng Happy Father's Day.

Among the hosts, si Raymond Gutierrez ang may ipinakita ng bagong segment sa unang linggo ng anniversary ng Showbiz Central. Ang The Story of Your Life. Pero aniya, working title pa rin daw yun.

"We're still thinking of how to improve the segment. First step pa lang ‘to at sa dry-run, okay naman siya [last June 21]."

When asked kung ano ang favorite segment niya sa show, Raymond said na ang Don't Lie To Me raw sa kanya is always fun.

"It's fun to see Sweet dance na hindi nababali ang mga katawan. Gusto ko rin yung mga behind-the-scenes namin like yung mga bumibisita kami sa set."

Sa kanilang lahat naman, he's the one na ang pamilya ang palaging sentro ng intriga at sometimes, mahirap daw talaga sa part niya yun.

"I'm not gonna lie that sometimes, it is added pressure on me that come Sunday, I'll gonna talk on it. I always have to have that balance between subject and host, ‘di ba? Even if, hindi ako ang sentro ng kontrbersiya, still, it's my family and sometimes, I become the spokeperson for that issue, ‘di ba? Kasi nga, part ako ng family. I always try balance."

Nakasanayan na rin daw nilang magkapatid na si Ruffa Gutierrez na magakatapat nga ang kanilang parehong showbiz talk show.

"We don't see each other as competition, sanay na rin kami. As in, we don't see each other as competition. Parang we have two opposing shows pero, hindi naman namin ‘yun pine-personal."

At nagpapasalamat naman si Raymond na for two years, name-maintain daw nilang mag-top sa rating.

"Panalo kami for longest time, for two years," nakangiting sabi nito.

Pero paano ang mommy niya, Annabelle Rama, na palaging guest sa katapat nilang show?

Natatawang sagot naman ni Raymond, "Baka gusto niyang tulungan," biro niya. "But you know, ate and I, we have nothing personal. I have dinner sometimes with Tito Boy [Abunda] and si Kris Aquino, whenever I have an event with her, she was so nice with me. So, there's nothing personal really.

"This rating, at the end of the day, number lang ‘yan, e. Kung paano mo ginagawa ang trabaho mo, kung may pinapasaya ka man, yun ang importante. The quality at yung effort mo."

For John "Sweet" Lapus, three years na raw siya sa GMA-7 na hindi niya namamalayan. He first started at S-Files at isa rin sa nag-pioneer talaga ng Showbiz Central.

"Palagi ko nga pong sinasabi, hindi naman sa pagmamayabang, pero, ang Showbiz Central po ang nag-reinvent ng showbiz oriented talk show genre sa telebisyon. Saan ka naman nakakita ng showbiz oriented talk show na may sayawan, may question and answer portion. May mga glossy na VTR.

"Parang ibigay na natin sa ibang show na maging showbiz oriented talk show authority like Startalk dahil matagal na sila. Pero ang Central naman, I'm always proud na ‘yung entertainment values. Bukod sa nakakapagbigay po kami ng balita tungkol sa artista, e, nae-entertain pa namin ‘yung mga televiewers. And I think, that was television is all about, entertainment. Importanteng malaman ang balita, pero, nandiyan naman ang news at Startalk."

Ayon kay Sweet, may mga dapat daw abangan na mga bagong segments nila at nagulat daw siya nang i-present ang mga ito sa kanya. These are all the new segments as they enter their third year.

"Nagulat ako na meron pa palang ipapakita ang Showbiz Central. Meron pa palang kaya. Yung Showbiz Central itself na show can actually reinvent into much bigger na show. So, yun ang mas dapat nilang abangan."

What about his Don't Lie to Me segment?

"I think, meron pa but it's with a twist na dapat nilang abangan," natatawa niyang sabi.

What about Sweet's favorite segment, aside of course, sa kanyang Don't Lie?

"Well, I particularly like, pinuri ko nga ang staff ng Showbiz Central doon, If you have notice, meron kaming palaging pagpasok ng Showbiz Central, yung OMG, may ibang show nga na gumaya ng OMG namin, sa kabila yata...

"Ang sa amin, Oo, Matindi, Grabe! So, ang mga Kapuso na nanonood ng Showbiz Central, simula pa lang ng show, meron ng balitang nakikita, meron na sila agad natunghayan. Meron ng isang tsismis na na-clarify. Hindi yung ibang show kasi, opening, aabangan at aabangan mo pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN