Pops Fernandez recalls recent encounter with Jomari Yllana


"Siyempre, nagbatian pero, hindi naman yung kagaya ng dati. Kasi nga,palagi kong sinasabi na kapag bago pa lang at fresh pa ang pangyayari,‘di ba, may pagka-naiilang ka pa. Pero walang dedmahan or whatsoever," says Pops Fernandez about her recent encounter with ex-boyfriend Jomari Yllana.



Sa unang pagkakataon, sumalang ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa "Intriga Crossfire" segment ng Showbiz Central last Sunday, June 28. Si Pia Guanio ang unang nagbato ng tanong dito tungkol sa hindi pag-attend ni Pops sa graduation ng anak na si Ram.

"Ganun?" bulalas naman ni Pops.

Na-guilty ka ba when you weren't able to attend it?

"Always naman, kasi, usually sa lahat ng special moments na napagdadaanan ng mga anak ko. Siyempre, kailangang nandoon ako. Kaya lang, unfortunately, nakasagot ako sa tour ng Divas for Divas, so, hindi ako nakapunta. First time in one of his major event in his life na hindi ako nakapunta.

"Pero, nandoon naman si Martin [Nievera] and all my family are there, siyempre, to fill up for my absence."

Ayon kay Pia, that's always the dilemma of a working mom.

"Yes, siyempre, I have to work. Pero, nai-explain ko naman sa anak ko and siyempre, I'm super proud of him. Kasi, pareho na sila ngayong tapos ng high school, so, parang ako rin, ang saya-saya ko dahil ngayon, patapos na sila. Kumbaga, malapit na malapit na sila on their own.

"They are very independent and they are both now in the States. Si Kuya [Robin], nag-aaral sa Vegas. Si Ram naman, nagbabakasyon and hopefully, he's also looking for a school there. Pero siyempre, sobra-sobrang miss ko silang dalawa."

When it was Raymond Gutierrez's turn, he congratulated Pops for being one of the judges in Are You The Next Big Star?

"Alam n'yo, it's really a tough job! Akala ko noong um-oo ako sa kanila, madali lang. Sabi ko, makikinig kami at alam na namin ang okey at hindi okey. Pero ang hirap, it's very, very hard."

Dagdag pa ni Raymond, since nakapagbigay na raw ng update si Pops regarding her family life, kamusta naman ang love life nito ngayon?

"Oh, it's so exciting! Zero! Hahaha!"

May bago ka raw manliligaw ngayon?

"Of course not, hindi ‘yon totoo. As a matter of fact, sa sobrang...siguro, nae-enjoy ko rin ‘yong time ko for myself. Medyo ngayon, nagmumuni-muni ako. Minsan kasi, nasa-sad ako, wala kasi ang mga anak ko with me. Tapos, sanay na sanay kasi ako na pag-uwi ko, siyempre, inaabutan ko ang mga anak ko, nagkukuwentuhan kami.

"But for now, I'm really adjusting to that kind of lifestyle na pagkatapos ng work, uuwi ako, mag-isa lang ako. In the beginning, it was tough but now, I'm kinda more settled with it. And thanks God sa mga high technology na nakaka-chat kami. I still see them regularly and we talk a lot.

"But in terms of manliligaw...wala! Wala talaga. Disappointed nga ako, e," natatawang sabi pa niya.

When you see yourself settling down, do you think you'll be with a much younger guy?

"You know what, I always say, age doesn't matter as long as the guy, siyempre, ‘yong mahal na mahal ako at maiintindihan ang bawat needs ko at lifestyle ko ngayon sa buhay ko. I know it's tough because I have two kids, pero, kung mamahalin niya talaga ko...kung sinuman siya...my god, siyempre, kailangang mahalin niya muna ang dalawang anak ko at kung ano talaga ko.

"Siyempre, it's hard to adjust and be different for someone. He has to accept me for what I am."

Simple lang naman daw ang tanong ni Rufa Mae Quinto para kay Pops: how's life now that she's alone, wala ang mga anak niya?

"Okay nga...akala ko dati, noong nagpaalam si Kuya na mag-aaral siya, nanuna kasi siyang umalis. Oh my god, my heart was so broken. It must have already been broken then, mas na break pa siya. Iba kasi kapag mga anak mo, ‘di ba?

"Pero alam ko naman na siyempre, it's for their own good. A good future for them. So, I don't want to be selfish. ‘Di ba, kapag parent ka, gusto mo, you want to be with your kids all the time. Gusto mo, palagi kayong magkasama. Gusto mo, dito ka na lang. Pero yun na nga, kapag inisip mo, magiging maganda rin naman ‘yun sa future nila.

"And okay naman ako, I thought, I'll be not...but I guess, I got to think on my own. My friends can take me out."

Naitanong naman ni Mo Twister kung gaano raw katotoo na hanggang sa most recent tour ng divas for divas, may pa-istaran pa rin?

"Wala na...kaya nga namin ini-accept ‘yong project na yun, kumbaga, importante na lang ‘yong pagsasamahan and enjoying ourselves. We know, it's going to be a long tour. Matagal kaming magkakasama. Ilang shows ang ginawa namin. Ilang cities din ‘yun, so, we enjoyed talaga.

Can you rank each personality?

"Hindi na ranking pero, everybody has different personality. Alam mo yun...hindi na artist level, pero on the personal level. Pero at the end of the day, masasabi naming napaka-professional naming lahat kasi nga, nagawa naming lahat ang dapat naming gawin."

Ang tanong naman ni John Lapus ay tungkol sa naging wake ni Douglas Quijano kunsaan, first time nilang nagkita ni Jomari Yllana since the break-up.

"Yeah, okay lang...kasi, palagi ngang tinatanong. May isyu pang nag-dedmahan kami. Hindi...siyempre, nagbatian pero, hindi naman yung kagaya ng dati. Kasi nga, palagi kong sinasabi na kapag bago pa lang at fresh pa ang pangyayari, ‘di ba, may pagka-naiilang ka pa. Pero walang dedmahan or whatsoever.

"I think, for that moment, I don't think it's also a moment to make chismisan or to talk about other things. I thought we both did our job. Tama ba yun?" natatawang sabi ni Pops.

Sa palagay mo ba, napa-second look siya sa ganda ni Pops ngayon?

"Hindi ko napansin...wake nga kasi, ‘di ba? Hahaha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN