Anne Curtis names Sam Milby as her unending love


The Wedding star Anne Curtis openly admitted that, "Sa lahat ng mga naging ex ko, [Sam Milby] was the one na talagang I saw na pwede...pang-forever...pang-eternity."



Dahil si Anne Curtis ang bida sa bagong soap ng ABS-CBN na The Wedding, naging ni Anne at ni Kris Aquino sa The Buzz last Sunday, June 28, ang tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa wedding. Bukod kay Anne, kabilang si Derek Ramsay at Zanjoe Marudo sa primetime show na The Wedding, na ume-ere pagkatapos ng Tayong Dalawa.


Kris Aquino:
Okay veil. A veil daw symbolizes a house or a home na pagsasamahan n'yo ng asawa mo? Ano na ang dream house mo ngayon?


Anne Curtis: If ever magkakaroon na ako ng sa akin, I want something mature hindi na yung girl na girl. So, ngayon pag nagka-family na ako, siyempre mas neutral. Malaki ang kitchen. May extra room for kids. Mga ganun.

Kris: By the pool, by the beach?

Anne: Hindi pa siguro by the beach kasi rest house na yun.

Kris: Kasi sa Australia pwedeng by the beach, di ba? So, ang balak mo dito talaga?

Anne: Yes. Tapos gusto ko malaking door din.

Kris: Saan mo gusto, pa-north o pa-south? Pa-Laguna is south.

Anne: Mas gusto ko yung pa-south.

Kris: How many kids do you want to have?

Anne: Sana four. Pero kung hindi man, sana magka-twins ng boy and girl. Okay na sa akin yun.

Kris: Nasa lahi n'yo yung twins?

Anne: Meron sa side ng Tita ko.

Kris: Okay, next, coin. Alam mo yang coins na yan, yan din ang ginamit ko sa Sukob. Hala. I promise, na-recognize ko. Iisa talaga ang props natin dito. Symbol yan of wealth. Kung magpapakasal ka at may sarili ka namang properties, at meron kang malaking kinikita on your own, magpipirmahan din ba kayo ng pre-nuptial agreement? Are you for that or not?

Anne: Well, if you really love someone, tingin ko naman you don't need it. Pero if he wants it, okay lang sa akin.

Kris: Cord, symbol that you will walk the same path as your husband. Ano ang gagawin mo kung gusto ng asawa mo stay-at-home wife and mother ka?

Anne: Siguro that's something na kailangan naming pag-usapan and mag-meet half-way. Ako naman kasi, I believe na pag naging mommy na ako, of course, for the first few years, I will stay at home.

Kris: Really? Parang na-guilty naman ako. But you have to work? It's nice to have your own income?

Anne: Yun, that's why, to be able to support yung family din namin. Kailangan ko rin namang magtrabaho, so meet half-way.

Kris: Okay, walking the same path, what will make you leave your husband?

Anne: If he cheats on me. Yun talaga, iwanan na.

Kris: Candle, symbol yan ng light sa buhay mo. Si Claire [ang namatay na kapatid ni Anne] has been gone, is it two years? Di ba parang, when you light a candle in the dark, parang it's a symbol of somebody up in heaven to look down on you. So, ano ang gusto mong sabihin sa kanya?

Anne: Wow, si Claire...na our whole family misses her everyday. And blessing yung dumating si Charlie sa life namin. The new baby.

Kris: How old?

Anne: Mag-e-eight months na.

Kris: Kasing ganda mo?

Anne: Yeah, super cute. And I think she's really a blessing.

Kris: Charlie, pero girl?

Anne: Her name is Charlotte Claire. So, Claire pa rin. You know we just miss you everyday, and you're always in our hearts. Alam mo everytime na mag-dinner, meron kasi akong niregalo kay Daddy na parang lalagyan ng candle, and he lights it everytime na mag-dinner.

Kris: Ring, kasi yan daw unending love.. If there's somebody you loved before, and you wish siya yung naging unending love mo, sino yun?

Anne: Alam mo nakakatawa kasi buong week eto na nga yung tinatanong sa akin kung sino. Tapos binibigyan pa ako ng choices. I think we all know naman kung sino.

Kris: Go on, you say it. Who?

Anne: Siyempre, si Sam [Milby]. Pero siyempre ano mo yun, parang... hindi ko sinasabi ito, you know, dahil I'm waiting for him na makipagbalikan sa akin. I don't the people to get the wrong impression naman. It's just that siyempre sa lahat ng mga naging ex ko, he was the one na talagang I saw na pwede..

Kris: Pang-forever?

Anne: Pang-forever... pang-eternity.

Kris: You're dating now?

Anne: As much as possible po, ayoko talagang pag-usapan. Kasi ginagawang isyu na. Yung iba lumalabas na negative pa nga.

Kris: Why?

Anne: E, siguro kay Sam nga. Parang ako yung nauna if ever. E, siyempre, hello, siya naman yung nakipag-break.

Kris: Correct. At ang tagal na, one year na no!

Anne: Oo. And he said din naman na nakapag-move on na siya. So, di ba, dapat move on na rin ako.

Kris: There's nothing wrong Anne. As long as he's very nice and he's very cute. Does he has a nice body?

Anne: Basta. Okay naman e. Ayoko ngang pag-usapan kasi first and foremost hindi naman siya [showbiz]...

Kris: Yun na lang, is he tall?

Anne: Yeah.

Kris: And nice body?

Anne: Hindi ko alam, hindi ko naman tinitignan yung body niya.

Kris: Check mo. E, kasi di ba, after Sam na ang ganda ng katawan. Siyempre, dapat level.

Kris: Pag ikaw na talaga ang ikakasal, di ba magaling kang pumili ng damit. Sino ang gagawa? Sa foreign, sino ang dream mo na gagawa ng gown mo?

Anne: Foreign? Why not foreign, pero Pinay pa rin. Monique Lhuillier.

Kris: Sa local?

Anne: Local... mahirap talaga pumili. But siguro si Francis Libiran because he knows me so well from before pa. And then almost all the gowns na ginagamit ko, siya ang gumawa. Basta si Francis, because I really love his work. And alam niya kung ano yung gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN