Dingdong Dantes brings joy to a resident of Child Haus


Dingdong Dantes personally met with Cheycel Joy Calosor, a 13-year-old resident of Child Haus, during the June 28 episode of Showbiz Central.




Kakaibang segment ang inihandog ng Showbiz Central last Sunday, June 28, bilang bahagi pa rin ng kanilang ika-2nd year anniversary. Isang simpleng kahilingan ng batang maysakit na fan ni Dingdong Dantes ang pinasaya ng GMA-7 talk show. Ito ay si Cheycel Joy Calosor, 13 years old at pansamantalang nanunuluyan sa Child Haus.

Ayon kay Cheycel, nakakalimutan daw niyang may karamdaman ito kapag nakikita at napapanood na niya si Dingdong sa TV. Sinegundahan din ito ng ina ni Cheycel na ayon sa kuwento nito, manghihingi raw minsan ng pera sa Papa niya ang bata, pero sa halip na ipambili ng pagkain, magpapabili ito sa kaibigan ng mga bagong pictures ni Dingdong.

On Dingdong's part, bilang bahagi pa rin ng kanyang pagkakawanggawa, ilang beses na rin pumunta si Dingdong sa Center for Health Improvement and Life Development or Child Haus sa Quezon City .

Yun nga lang, sa pagkakataong nakakadalaw si Dingdong sa Child Haus ay umuuwi naman sa Mindoro ang kanyang tagahanga.

Ang wish ni Cheycel ay sana raw, makita niya at makausap ng personal si Dingdong. Wish din niya na sana raw, hindi na magbago ang actor dahil napakabait daw nito sa kanilang mga pasyente.

At live nga sa Showbiz Central, natupad ang kahilingan ng isa sa masugid na tagahanga ni Dingdong. Si Cheycel ay magse-celebrate ng kanyang birthday sa July 3. At nang tanungin ni Pia Guanio kung ano ang birthday wish nito, aniya, sana raw ay matulungan siya ni Dingdong sa kanyang pagpapagamot.

Sinalubong ng yakap ni Cheycel ang iniidolong si Dingdong at nang ibuko nga ni Pia na kanina pa raw sa make-up room, habang hinihintay ang time na makita na niya si Dingdong ay naiiyak na raw ito. Dahil dito ay hindi na nga napigilan ng bata ang maiyak sabay sabi na masaya siya.

Ayon kay Dingdong, "Masaya ko na nakita ko siya rito. The last time, siguro maraming kaming time na puwedeng magkita, but the past years na nagpupunta ko sa Child Haus, e, hindi nagkakataon. So, natutuwa ako and I'm very glad na nagkaroon ng opportunity ngayon.

"At nabigyan ng Showbiz Central kay Joy na magkita at magkakilala kami ng personal. Isang hindi malilimutang event ito para sa akin."

Tanong naman ni Pia kay Cheycel ay kung may gusto raw ba itong sabihin kay Dingdong now that, nakita, katabi at kausap na nga niya ito ng personal. Pero wala na ito halos masabi.

Si Dingdong ang nagsabing, "'Yun nga, e. Maganda na rin na nagkakilala kami. Sabihin na natin na alam ko, maraming taong tumutulong sa kanya. Pero sa akin, ang pinaka-importante talaga 'yong suportang nanggagaling bilang kaibigan. At talagang malaman niyang nandito ako, hindi lang sa panahon na ngayon, ngayong araw na ito kundi sa isang pang-mahabaang pagkakaibigan.

"At dahil doon, meron akong mga munting regalong inihanda para sa ‘yo. Simple lang naman, pero i-e-explain ko ang mga ibig sabihin ng bawat isa."

Ayon kay Dingdong, may nabalitaan daw kasi siyang naghahanap si Cheycel ng picture or poster na medyo malaki.

"Dati kasi, nagkaroon ng malaking picture sa SOP, humihingi ako, kaso, hindi na ako nabigyan. Napamigay na sa mga texters. So, sabi ko, this time, kailangang makahanap ako ng picture na mas malaki para sa ‘yo. Kaso, ang nakuha ko, mas malaki talaga. Hindi kayang ilagay sa wallet, so, siguro... ‘eto, babantayan ka nito madalas, depende kung saan mo ilalagay. Guguwardiyahan ka n'yan kung sa kuwarto mo," nakangiti pang sabi ni Dingdong.

Isang standee picture ni Dingdong ang una nitong ipinagkaloob sa maysakit na tagahanga.

‘Yun nga lang, hindi ‘yan nagsasalita. Nakatingin lang sa ‘yo, pero, hindi siya nagsasalita."

Kaya naman biro ni Pia, paano ‘yun, hahayaan ba nating maging pipi na lang si Dingdong Dantes?

"May isa pa kong nalaman tungkol sa ‘yo Joy...mahilig ka raw manood ng TV. At dahil nalaman ko yun, may isa pa kong regalo sa ‘yo. Dahil ‘yan ay isang litrato lang na nakatayo...ang gusto ko sana , makausap mo rin ako.

"Bibigyan kita ng direct line sa akin. At sinisiguro kong itong line na ito e, direktang makakarating sa akin. At sa pamamagitan n'yan, makakapag-usap tayo kung papaano ako makakatulong sa ‘yo sa kahit na anong paraan. Lalung-lalo na bilang sa isang kaibigang nandito sa ‘yo. Nandiyan na rin ang TV kasama d'yan. As long as may signal, makakapanood ka."

Maluha-luhang nagpasalamat nga si Cheycel kay Dingdong.

Aniya, "Thank you po Kuya Dingdong, sana po, hindi na po kayo magbago. At magtulong sa Child Haus, palagi n'yo po kaming pinupuntahan doon taun-taon."

Tanong naman ni Pia kay Dingdong ay kung ano naman daw ang hiling nito kay Cheycel?

"Kasi, masasabi nating ito, mga material na bagay lang ‘yan. Pero, ang mas mahalaga riyan, kung ano ang mangyari pagkatapos and in between nitong mga regalong ito. Ang hinihiling ko lang sa ‘yo, eh, tibayan mo ang loob mo sa lahat ng hinaharap mo.

"At nandito ako para sa ‘yo..."

Ayon nga kay Pia, ibang klase raw ang gift ni Dingdong, hindi lang one time kundi commitment na magiging kaibigan niya for as long as she wants.

"Ayos lang ‘yan. At siyempre, huwag niyang kakalimutang magdasal, the most powerful weapon," sabi naman ni Dingdong.

Then Dingdong asked Cheycel kung ano raw ang gusto nito paglaki?

Ang sagot ng dalagita ay, "Maging katulad n'yo po..."

"Ganoon ba? Kailangang isipin mo palagi na kakayanin mo ‘yan at lahat gagawin natin para marating mo ‘yan."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN